BRINASO na ng Samahan ng Industriya at Agricultura (SINAG) ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry (DTI) upang maipatupad ang mababang presyo ng karne ng manok sa bansa.
Paliwanag ni SINAG president Engr. Rosendo So, posibleng maramdaman ng mga consumer ang mababang presyo ng karne ng manok sa susunod na linggo dahil ngayon pa lamang ay iniimplementa ang mababang farm gate price na umaabot sa P50 bawat kilo kaya maaaring umabot naman sa P110 ang presyo ng karne nito sa merkado.
Dagdag pa nito, kasama na rito ang tinatawag nilang transfer price tulad sa bayad sa taga-katay at transportasyon.
Nabatid na bumaba na ang presyo ng live weight ng manok tatlong linggo na ang nakararaan subalit hindi pa rin ito ramdam ng mga consumer. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment