Tuesday, April 21, 2015

Lovers huli sa drug raid sa Zambo

DAKIP ang mag-live in partner sa buy-bust operation na isinagawa sa loob ng Molave Regional Pilot School sa Barangay Madasigon, Molave, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Wilvin Benito Paderanga, 29, ng Barangay Balintawak, Ozamiz City at Merly Galarpe Edrote, 22, ng Barangay Snowland, Libertad, Misamis Occidental.

Ayon sa Molave municipal police station, ang dalawa ay parehong carnival worker na nasa loob ng naturang paaralan.

Nakumpiska mula sa mag-live in partner ang ilang pakete ng shabu at P1,296 cash.

Matagal na umanong minamanmanan ng awtoridad ang dalawa dahil sa iligal na transaksiyon ng mga ito. MARJORIE DACORO

.. Continue: Remate.ph (source)

Lovers huli sa drug raid sa Zambo

No comments:

Post a Comment