PINABABAWI ng ilang kongresista ang pahayag ng Hong Kong Representative na ang mga Pilipinang overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ay homewrecker o panira ng tahanan.
Hinamon ni Marikina Rep. Miro Quimbo na bawiin ni Hongkong Rep. Regina Ip ang paratang nito sa mga OFW sa Hongkong.
Bukod dito, nais ni Quimbo na humingi rin ng paumanhin ang opisyal sa mga OFWs.
Dahil sa pahayag na ito ni Ip ay tila nabalewala ang kontribusyon ng libu-libong OFW sa Hongkong.
Ani Quimbo sa isang press conference sa Kamara, hindi man lamang pinahalagahan ng Hong Kong official kung gaano kalaki ang naiambag na tulong ng mga OFW sa mga pamilya roon.
Aniya pa, naglilingkod ang mga OFW sa mga pamilya sa Hong Kong habang isinasakripisyo ang pangangalaga sa sariling pamilya.
Ayon sa pahayag ni Rep. Ip, marami siyang natanggap na reklamo laban sa mga Pinay na naging sanhi umano ng pagkasira ng pamilya sa Hong Kong dahil pumapatol umano ang mga ito sa kanilang amo. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment