KULONG ang isang ginang matapos dumayo sa lungsod ng Iriga para mag-shoplift ng mga cosmetic product.
Ang suspek ay kinilalang si Cristina Padilla, 29, ng Bgy. Lerma, Naga City.
Nahuli ang suspek habang pasimpleng ipinupuslit sa kanyang damit ang apat na piraso ng mamahaling deo spray at anim na whitening lotion na may kabuuang halaga na P1,496.
Kitang-kita umano ang suspek sa CCTV camera sa loob ng 7/11 habang ninanakaw ang mga produktong nabanggit.
Sa ngayon, nasa kulungan na ang suspek at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment