NASA loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) si typhoon Chedeng (international name Maysak).
Sa pinakahuling pagtaya ng Phillippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 1,015 kilometro silangan hilagang-silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 1,040 kilometro silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Mula sa 190 kilometro kada oras (kph) na lakas ng hangin, bumagsak ito sa 180 kph at may pagbugsong nasa 215 kph.
Dahil dito, sa susunod na 18 oras, magtataas na ang ahensiya ng public storm warning signal sa Bicol at Samar Provinces.
Tinatayang tatama ang bagyo sa kalupaan ng Aurora, Quezon o Isabela sa Biyernes ng gabi (Abril 3) o kaya’y Sabado ng umaga (Abril 4).
Inaalerto ang publiko sa posibilidad ng flash flood at landslide partikular sa Aurora at Quezon.
Pinapayuhan din ang mga mangingisda na huwag nang pumalaot sa eastern seaboard ng Bicol Region at Visayas. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment