Monday, April 20, 2015

30 sugatan sa sunog sa Las Piñas

SUGATAN ang tatlong katao kabilang ang isang menor-de-edad nang masunog ang may 30-kabahayan kamakalawa ng gabi, sa Las Piñas City.

Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktimang sina Lester Santos, 25; Raymar Pinos, 19; at Millo Mallari, 15, pawang ng sa Aratelis St., Bgy. CAA/BF International ng naturang lungsod, sanhi ng mga tinamong minor injuries sa katawan.

Sa report na isinumite ni Ground Commander Fire Chief Inspector Ramon G. Capundag kay Police S/Supt. Adolfo Samala, Jr., hepe ng Las Piñas City Police, alas-6:57 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Rose Aganan hanggang sa kumalat ito sa iba pang kabahayan sa naturang lugar.

Dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na nagresulta sa pagkakatupok ng may 30 kabahayan at pagkakasugat ng tatlo katao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, napabayaang niluluto ang pinagmulan ng sunog na agad kumalat sa mga kalapit-bahay.

Idineklarang fireout ang nasabing sunog alas-7:49 ng gabi habang pansamantalang dinala ang may 50-katao sa evacuation area na nasa covered court ng Bgy. CAA/BF International. JAY REYES

.. Continue: Remate.ph (source)

30 sugatan sa sunog sa Las Piñas

No comments:

Post a Comment