Friday, August 15, 2014

P1.9-MILYON PANGKABUHAYAN HANDOG NG MANILA WATER FOUNDATION

NILAGDAAN ng Manila Water Foundation ang kasunduang magbibigay ng pangkabuhayang kapital na maykabuuang halaga na P1.9-milyon sa 19 na kooperatibang binubuo ng halos 5,000 na miyembero.


Inaasahang P100,000 ang matatanggap ng bawat kooperatiba bilang handog ng Kabuhayan Para Sa Barangay (KPSB) project ng Foundation. “Ibig ng programang ito ng Foundation na mapabuti at mai-angat ang kalidad ng pamumuhay ng mga komunidad na may kakulangan sa pinagkakakitaan”, sabi ni Carla Berina-Kim, executive director ng Manila Water Foundation.


“Karagdagang oportunidad at gabay sa pagpapatakbo ng negosyo ang aming hatid sa mga kooperatiba”. Dagdag ni Kim, ang mga tumanggap ay una pa lamang sa 2,000 kooperatibang nais abutan ng tulong ng Manila Water Foundation kasama ang Manila Water Company at Cooperative Development Authority sa buong bansa sa susunod na limang taon.


Kasama sa labing-siyam na benepisyaryo ay ang Sto. Rosario Parish Multi-Purpose Cooperative ng Pasig City. “Ang handog na ito ay igugugol para sa karagdagang pangkabuhayang proyekto para sa aming 1,400 miyembro at magiging serbisyo para sa komunidad,” sabi ni Leonida Deosina, treasurer ng kooperatiba. “Ang suportang ito ng Manila Water Foundation ay isang blessing kaya naman ipagpapatuloy namin itong sinimulan nilang ‘give and take’ process sa pamamagitan ng itatayo naming bigasan at maliit na grocery”.


Ang Sto. Rosario Parish Multi-Purpose Cooperative ay naglalaan ng loan and savings mobilization, at nagtataguyod sa pagtuturo at pag-aaral ng paggawa ng sari-saring pagkain at produktong pambahay na maaaring pagkakitaan ng mga kasapi nito.


-oOo-

HYPERBARIC OXYGEN THERAPY LUNAS SA MGA PASYENTENG MAY MALALANG SUGAT


Kinikilala ang Chinese General Hospital & Medical Center at ang “Dr. James Dy Wound Healing and Diabetic Foot Center” sa may Blumentritt, Sta. Cruz, Manila na nakapagbibigay lunas sa mga pasyente na may malalang sugat at hindi na gumagaling. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong


.. Continue: Remate.ph (source)



P1.9-MILYON PANGKABUHAYAN HANDOG NG MANILA WATER FOUNDATION


No comments:

Post a Comment