Friday, August 15, 2014

Dagdag termino kay PNoy haharangin ng Kamara

HINDI uusad ang charter change sa Kamara kung ang layunin ay dagdagan ang termino ni Pangulong Aquino.


Ito ang pagtiyak ni BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza dahil mismong si House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ay tutol dito kasabay ng kanyang naunang pangako na hindi gagalawin ang political provisions sa proseso ng pagpapalit ng economic provisions sa Konstitusyon.


Ipinaalala ni Atienza na noong Pebrero ay lumagda si Belmonte sa inihain niyang resolusyon at “pledge” na nagsasabing kapag ginalaw ang political provision o maisingit ang term extension ay magbibitiw ang lahat ng nakalagda dito kabilang ang speaker.


Banggit pa ni Atienza na ipinatawag siya ni Belmonte sa tanggapan nito upang personal na mangako na hindi magagalaw ang political provisions ng saligang batas.


Tiwala ang kongresista na hindi sisirain ni Belmonte ang kaniyang pangako. Meliza Maluntag


.. Continue: Remate.ph (source)



Dagdag termino kay PNoy haharangin ng Kamara


No comments:

Post a Comment