DAPAT nang magbitiw sa pwesto si Budget and Management Secretary Butch Abad matapos masangkot sa kontrobersyal na pork barrel scam.
Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, kung tunay na walang kasalanan si Abad sa pagkakasangkot sa pork barrel scam ay dapat iwanan niya ang kanyang posisyon sa pamahalaan.
Nagpahayag din ng paniniwala ang Obispo na mabigat ang ebidensya ngayon laban kay Abad lalo na’t dawit ang kanyang pangalan sa magkahiwalay na listahan ni Janet Lim-Napoles at whistle blower Benhur Luy.
Iginiit pa ng Obispo na mahirap isipin na nagkaroon ng conspiracy o sabwatan sa pagitan nina Napoles at Luy dahil hindi naman magkasundo ang dalawa.
Nilinaw din ng Obispo na importante ngayon na ibalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan kaya’t dapat magbigay-daan si Abad sa malinis na imbestigasyon.
Kaugnay nito, pinuna rin ng Obispo ang pagtatrabaho sa gobyerno at pagiging miyembro ng gabinete ng asawa, anak, limang pamangkin at dalawang pinsan ni Abad.
Sinabi ni Bacani na tila nagkakaroon na rin ng dynasty sa gabinete ng Pangulong Aquino at hindi magandang imahe ang dulot nito sa kasalukuyang administrasyon.
Una nang inihayag ni Napoles na si Abad ang kanyang mentor sa pagsisimula ng multi-billion pork barrel scam.
The post Sec. Abad pinagbibitiw ng CBCP appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment