Monday, June 2, 2014

Muntinlupa at Marikina hinirang na ‘Best Orally Fit Child’

PINAGKALOOBAN ng Department of Health – National Capital Regional Office (DOH-NCRO) ang Muntinlupa at Marikina ng prestihiyosong “Best Orally Fit Child (OFC)” award bunsod nang pagkakaroon ng pinakamataas na percentage ng preschool children na walang dental caries at may ipinatutupad na epektibong oral health awareness program.


Ayon kay Health Undersecretary Teodoro Herbosa, ang parangal ay bilang pagkilala sa pagsusumikap at pagpupursige ng mga local government unit (LGU) sa implementasyon at pagsuporta sa Oral Health Program ng DOH at epektibong promosyon ng oral health hygiene sa kanilang lokalidad.


Nabatid na ang mga OFC candidates ng 17 LGUs ay ini-evaluate at na-validate ng DOH-NCRO sa ilalim ng dalawang kategorya na kinabibilangan ng virgin case o category 1, na nangangahulugang ang bata ay may malinis at malusog na ngipin at gilagid, at rehabilitated case o category 2, na nangangahulugan na ang bata ay nagkaroon ng problema sa ngipin ngunit nalapatan ng lunas.


Nabatid na ang Muntinlupa City, na nanalo sa Category I, ay nakatanggap ng cash incentive na P40,000 habang ang Marikina City, na frontrunner ng Category II, ay tumanggap naman ng P60,000.00 bilang suporta sa kanilang oral health program.


Ang mga preschool children, na nagkakaedad ng anim na taong gulang pababa, at kabilang sa kumpetisyon ay pawang naka-enroll sa mga day care centers sa Metro Manila sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development DSWD).


Kaugnay nito, ipinaalala ni Herbosa na ang community preventive measures ay epektibong paraan upang maiwasan ang mga oral diseases.


The post Muntinlupa at Marikina hinirang na ‘Best Orally Fit Child’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Muntinlupa at Marikina hinirang na ‘Best Orally Fit Child’


No comments:

Post a Comment