Tuesday, April 21, 2015

Dalawang buwan at kalahati nang tigang!

FEELING frustrated pa rin si Robin Padilla noong makausap namin siya sa presscon para sa second season nang sitcom nila ng mga kapatid niya na sina BB Gandanghari at Rommel Padilla sa Happy network, ang 2 ½ Daddies na mapanonood tuwing Sabado, 8 p.m. Tuloy pa rin daw ang plano niya na pag-alis ng Pilipinas.

“Kailangan ako maka-detach sa maagang panahon kasi wala naman ako’ng nakikitang pupuntahan ko na maganda, e. Ayaw ko naman na araw-araw ako’ng magalit baka ako ma-stress noon. Magkaroon pa ako ng sakit,” pahayag ni Robin.

Nakatakdang pumunta sa Spain ni Robin kasama ang kanyang misis na si Mariel sa May 5 kung hindi magkakaroon ng aberya sa advance taping na ginagawa niya for 2 ½ Daddiees. Plano kasing tapusin muna ni Robin ang lahat ng episoides for the second season bago siya mag-babu ng Pilipinas.

Recently, isa sa mga pinost ni Robin nang pagkadismaya niya sa pagpapatakbo ng gobryerno ay ang tax.

“Punung-puno tayo ng tax. Gusto ko mumang ma-release r’yan. Nagpaalam na rin ako sa opisina ni Bosing (Betchay Vidanes, his manager), sinabi ko na sa kanya. Kailangan ko muna dumitach talaga. Masyado na ako’ng kinain nang frustration, oo. Ayoko naman na wala ng hope. Para sa akin kasi wala na ako’ng nakikitang hope. Ayoko naman na maging ganoon. Kailangang bumalik muna ang aking sanity,” diin niya.

Bukod d’yan, nakunan pa ang misis niyang si Mariel, Although, bago pa raw maganap ‘yun, e, frustrated na siya sa nangyayari sa ating bansa.

Aminado rin siya na wala siyang masyadong magawa para ibsan ang kalungkutan ni Mariel sa pagkawala ng baby nila.

“Pagdating kasi sa ganoong klaseng problema kahit siguro ano ang gawin ng lalaki baka hindi ka naman makatulong. Kasi ‘yung dinaraanan ng babae sa ganoon, una hindi mo alam. Pangalawa, meron silang self-pity, e. Medyo, kailangan lang ‘yun, ipakita mo na importante siya. Meron siyang second chance, ‘yung ganoon. Kaya lang talagang ganoon. Iba talaga ang babae kapag na-depress yata. Ano sila, e, masyadong tahimik. Iiyak na lang bigla,” kwento ni Robin.

Hindi naman nagpadala si Mariel sa pag-asang magkakaroon ulit sila ng baby ni Robin.

“May plano naman kami. Gusto nga niya agad. May schedule na nga siya, e. Sa May 1 raw. Lagi niyang pinaaalala ‘yun tuwing umaga. Ako naman, wala naman akong ibang paalala sa kanya palagi kundi ah, baka next year na lang. Mas ano sa akin na maka-recover muna siya. Para sa akin kasi, iba ‘yung emotional state na pinagdadanan niya ngayon.”

Dahil d’yan, nabanggit tuloy ni Robin na matagal na silang walang sex ni Mariel.

“Oo, ilang buwan na. Kasi nga noong iniingatan ‘yung bata, bawal din. Noong andoon pa, bawal galawin (si Mariel). Talagang susuma-totalin ko, siguro mga nasa dalawang buwan at kalahati na. Hindi ako sanay, e,” seryosong sabi ni Robin.

Kasunod nito’y natatawang sabi naman ni Robin sa na si Mariel na lang ang tanungin namin kung ano ang ginagawa niya kay Robin para maibsan ang kauhawan niya sa pagmamahal niya sa kanyang asawa.

‘Yun, oh!

–oooOooo–

Inaliw ni Maja Salvador ang mga kababayan natin sa pagdiriwang ng Daragang Magayon Festival last Saturday. Kahit na healing pa of her broken heart, sabi nga, e, the show must go on ang drama ni Maja. Total entertainment daw ang ipinakita ng bida ng Bridges of Love sa mga taga-Albay, huh!

Nagbigay-kasiyahan rin sa programa ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita teen cast members na sina Jane Oineza, Loisa Andalio at Joshua Garcia; MAGTV na Oragon talents ng ABS-CBN Bicol na sina LA Cu at Dominique Lagrimas; at mga DJ ng MOR 93.9 Legazpi.

Ang “Daragang Magayon Kapamilya Karavan” ay hatid sa mga Kapamilyang Bicolano ng ABS-CBN Regional (unang nakilala bilang ABS-CBN Regional Network Group) ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation. Para sa iba pang balita at kwento mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Tuluy-tuloy naman ang maiinit na tagpo sa tinututukang pang-hapong serye ng ABS-CBN, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na pinagbibidahan din nina Vina Morales, Christian Vasquez at Denise Laurel. Patindi nang patindi ang pagki-claim nina Vina at Denis sa kani-kanilang karapatan kay Christian bilang dating asawa at bagong kinakasama niya sa NKNKK. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO

.. Continue: Remate.ph (source)

Dalawang buwan at kalahati nang tigang!

Iba ang tripping!

MARAMI ang naiintriga sa gimmick ng dalawang magkatropang aktor na ‘to na bagama’t hindi naman masasabing bi o silahis ay parang trip nilang nakikipag-sex sa kapwa nila ombre kapag nakatitikim na ng alak. (Hayan, Chakitah, salitang-ugat ang inuulit, bobitah! Hahahahahahahaha!).

To be honest about it, babaero silang pareho but for reasons too complicated for us to decipher, once they are under the influence of liqour, they seem to have this penchant for Man to Man thing.

Hahahahahahahahahahaha!

How intriguing can you guys get. Harharharharharhar!

Dati, silang dalawa lang ang chorvahan to the max kapag senglot. But lately, they seem to want to invite this brown-skinned dude from the other network.

Well, as of the now, the actor they are eyeing to join their highly-exclusive clique appears to be a bit interested but he’s not that amenable to the idea. Hahahahahahaha!

Hunk for hire kasi ang kanyang drama at hindi siya interesado sa mga tiwanggetch na eksena lang or this thing called tropa-tropa.

Nagdaan kasi siya sa hirap kaya mas feel niyang maka-eksena ang mga moneyed gays kung saan siya magkaka-‘career’. Hahahahahahahaha!

Inasmuch as he likes the idea of hanging out with these guys, he feels that he needs to reserve his stamina and strength to more remunerative pursuits.

More remunerative pursuits raw talaga, o! Hahahahahahahahaha!

‘Yon nah!

Anyway, shakira ang isang malusog na entertainment writer minsang makasama niya sa isang lakaran ang morenong aktor dahil parang may pahaging daw ito na parang gusto siyang kuning manager ng bandang gustong i-put-up ng kanyang younger bro.

Akala siguro ng ma-PR na sexy actor ay maraming anda at konek ang reporter kaya gusto niyang akiting mag-manage ng boyband na gustong buuin ng kanyang utol.

Hahahahahahahahahaha!

Ka-amuse!

‘Yon nah!

RHIAN RAMOS IS NOW JADE TANCHINGCO

After Kapuso Primetime Queen Marian Rivera announced her withdrawal from the upcoming primetime drama series The Rich Man’s Daughter primarily because of her delicate pregnancy, versatile actress Rhian Ramos is topped to play the meaty role of Jade Tanchingco in the said series.

Suffice to say, the comely and classy actress expressed her excitement on being part of the ground-breaking series and she looks forward to the challenge of delineating the role of Jade. “Nagpapasalamat po ako sa GMA,” she asseverates,” sa tiwalang binigay sa akin na gampanan ang role na Jade sa teleseryeng The Rich Man’s Daughter. I look forward to the challenge of portraying the character.”

Joining her in the controversial soap are Glaiza de Castro, Luis Alandy, Katrina Halili, Mike Tan, Chynna Ortaleza, Sheena Halili and Ms. Gloria Romero. The Rich Man’s Daughter also stars Pauleen Luna, Paolo Contis, TJ Trinidad, Charee Pineda, Stephanie Sol with Al Tantay, Glydel Mercado, Tony Mabesa, Eva Darren.

A casting coup if I may say so.

Under the direction of Dominic Zapata, The Rich Man’s Daughter is set to premiere this May on GMA Telebabad.

BUTONG PAKWAN NA LANG ANG PINAGTITRIPAN!

Hahahahahahahaha! Que pobrecita naman itong si Fermi Chakita.

For wanting of better things to do, butong pakwan na lang ang pinagtitripan ng oslang ngangaera lately. Hahahahahahahahahaha!

Mega-emote talaga siya sa may ari ng produkto at balak pa rin yata niyang magpunta sa Baliwag, Bulacan para mag-emote naman ng mga binusang mais at mani. Hahahahahahahahahaha!

How so very pathetic! Hahahahahahahahaha!

Nakahihiyaaaaaaaah! Hahahahahahahahaha!

Mukhang going back to her roots ang lomodic na gurangski.

Lomodic na gurangski raw talaga, o! Hakhakhakhakhakhakhak!

Imagine, dati-rati’y walang kamatayang peanut butter ang kanyang pinagtitripan (How gross! Hahahahahahahaha!). Tapos, butong pakwan.

Bukas-makalawa, binusang mani at mais. Hahahahahahahaha!

Hay, naku! why don’t you sell maruya and butse for a change mudra?

Baka kumitaka pa.

Baka kumita pa raw talaga, o! Hahahahahahahahahaha!

How so very amusing indeed.

Babetchbetch, gurangski!

Adios! Hahahahahahahaha!

***
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

.. Continue: Remate.ph (source)

Iba ang tripping!

Pagtawag ng ‘homewrecker’ sa OFW sa Hong Kong, pinagbabawi

PINABABAWI ng ilang kongresista ang pahayag ng Hong Kong Representative na ang mga Pilipinang overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ay homewrecker o panira ng tahanan.

Hinamon ni Marikina Rep. Miro Quimbo na bawiin ni Hongkong Rep. Regina Ip ang paratang nito sa mga OFW sa Hongkong.

Bukod dito, nais ni Quimbo na humingi rin ng paumanhin ang opisyal sa mga OFWs.

Dahil sa pahayag na ito ni Ip ay tila nabalewala ang kontribusyon ng libu-libong OFW sa Hongkong.

Ani Quimbo sa isang press conference sa Kamara, hindi man lamang pinahalagahan ng Hong Kong official kung gaano kalaki ang naiambag na tulong ng mga OFW sa mga pamilya roon.

Aniya pa, naglilingkod ang mga OFW sa mga pamilya sa Hong Kong habang isinasakripisyo ang pangangalaga sa sariling pamilya.

Ayon sa pahayag ni Rep. Ip, marami siyang natanggap na reklamo laban sa mga Pinay na naging sanhi umano ng pagkasira ng pamilya sa Hong Kong dahil pumapatol umano ang mga ito sa kanilang amo. MELIZA MALUNTAG

.. Continue: Remate.ph (source)

Pagtawag ng ‘homewrecker’ sa OFW sa Hong Kong, pinagbabawi

TEMPORARILY CLOSED

KASALUKUYANG inaayos kaya pansamantalang isinara ang footbridge sa EspaƱa malapit sa Morayta sa Maynila kaya kailangan munang pagtiisan ng mga estudyante ang pagtawid at matinding sikat ng araw. EDDIE LEANILLO

.. Continue: Remate.ph (source)

TEMPORARILY CLOSED

KALIKASAN..MAHALIN, PANGALAGAAN

IPINAGDIRIWANG ngayon ang Earth Day na nagpapayahag na dapat nating mahalin at pangalagaan ang Inang Kalikasan tulad ng mga puno na nagbibigay-lilim at ginahawa sa ating dinaraanan ngayong tag-init. EDDIE LEANILLO

.. Continue: Remate.ph (source)

KALIKASAN..MAHALIN, PANGALAGAAN

3 hukom ng SC nag-inhibit sa Junjun Binay suspension

MANILA, Philppines – Tatlong hukom ng Korte Suprema ang nag-inhibit sa kaso ng Court of Appeals (CA) matapos maglabas ng temporary restraining order laban sa .. Continue: Philstar.com (source)

3 hukom ng SC nag-inhibit sa Junjun Binay suspension

Sen. Poe, wala raw natatanggap mula sa alok sa LP para sa VP race sa 2016

Sa kabila ng mga ulat na binubuo ang tambalang Roxas-Poe sa 2016 national elections, inihayag ni Senador Grace Poe nitong Martes na wala pa siyang pormal na imbitasyon na natatanggap mula sa partido ng administrasyon na Liberal Party para tumakbo siyang bise presidente. .. Continue: GMANetwork.com (source)

Sen. Poe, wala raw natatanggap mula sa alok sa LP para sa VP race sa 2016