Monday, March 30, 2015

RJ Padilla, malaki ang pasasalamat kay Sef Cadayona!

NAG-RENEW ulit ng network contract ang Bubble Gang star na si RJ Padilla.


Aniya, masayang-masaya siya at nabigyan ulit siya ng pagkakataong ipakita sa GMA kung ano ang mga kaya niyang i-offer. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga katrabaho sa Bubble Gang tulad nila Michael V., Paolo Contis, Boy2 Quizon at Antonio Aquitania dahil napakarami niya raw natututunan sa kanila, lalo na sa larangan ng komedya. Special mention din niya ang Sabado-badoo host na si Sef Cadayona.


Kwento ni RJ, si Sef ang tumulong sa kanya para huwag mag-hesitate na gawin ang bagay na pinakamamahal niya. “Nagpapasalamat talaga ako kay Sef kasi mas dumadagdag ‘yung confidence ko dahil sa kanya,” saad ng Kapuso star.


MARK HERRAS, INLOVE NANG MULI?


Marami nang babaeng minahal ang Starstruck I Ultimate Male Survivor na si Mark Herras. Ngunit ngayon daw, kahit na dalawang taon na itong single ay hindi pa rin nitong magawang maghanap ng bagong mamahalin dahil masyado raw itong focused sa kanyang anak na si Ada.


Nang makausap namin si Mark, nakwento niya na sa guesting niya sa Sarap Diva with Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, ay sinabi ni Regine na mahihirapan na itong maghanap ng bagong girlfriend dahil halatang-halata na in love na in love ito sa kanyang anak.


Hindi naman nangangamba ang Kapuso star rito. Aniya, masaya siya sa kanyang buhay at career, lalo na ngayong andyan na si Ada. “Life-changing para sa akin si Ada eh. [Siya] ‘yung magiging bagong kabiyak ng puso ko for a very long time,” masayang sinambit ni Mark.


Ikinatuwa rin ng Bad Boy ng Dance Floor ang pagti-trending ng kanyang mga production number sa variety show ng Kapuso Network na Sunday All Stars. Ayon sa Starstruck I Ultimate Male Suvivor, hindi niya raw ito ine-expect kaya talagang nagpasalamat siya sa mga bumubuo ng SAS.


Inusisa naman namin si Mark kung may plano na ba itong tuloy-tuloyin ang pagpapaka-daring kaya ito nagpapalaki ng katawan. “Ako naman, I’m doing this not for para ito ‘yung ibigay na trabaho sa akin ng GMA na paghubad-hubarin nila ako pero I’m doing this for myself. Kasi for a couple of years, puro na lang ako paasa [na magwowork out ako],” anang Kapuso star. ON THE SET/NOEL ASINAS


.. Continue: Remate.ph (source)



RJ Padilla, malaki ang pasasalamat kay Sef Cadayona!


Male reporter ng malaking TV network patolero sa bading

FEELING namin, dahil natawag na ang atensyon ng bruskong field news reporter ng kanyang bossing sa news deparment tungkol sa pagpatol nito noon sa goverment official sa parteng Kabikulan na matagal nang pinagdududahang gay, tumigil na si machong reporter sa pagpatol sa mga binabae.


Pero hindi pa rin pala dahil matapos ang episode nito sa very generous na politiko na naging benefactor niya ng ilang taon din at nagregalo sa kanya ng mamahaling gadgets tulad ng laptop, cellphone, alahas at cash na ipinabalik lahat ng kanyang boss, hayun at may bago na naman palang kachorvahn ang ating bida at pinag-uusapan talaga ang affair nito sa kapwa news reporter na madalas niyang makasama sa iba’t ibang lugar na destination nila sa pagkalap ng mga mahahalagang balita. Sobrang nakatatawa lang ang eksena dahil uso na pala ngayon ang patulan ng mga silahista at bading na magkasama sa news department.


Kasi may romansa rin daw na namamagitan ngayon sa pagitan ng silahistang news reporter ng dalawang Top TV network. Naku, kung sino sila ay kayo na ang bahalang manghula gyud!


COCO AT TONI NAKAAALIW SA FIRST TEAM-UP


Ang tindi talaga ng arrive ng bagong tambalan nina Coco Martin at Toni Gonzaga.


Marami talaga ang aprub na perfect ang tandem ng dalawa dahil sa nag-uumpaw nilang chemistry sa bagong handog na pelikula sa fans na You’re My Boss under Star Cinema. Sobrang ganda at nakaaaliw talaga ang mga hirit nina Coco at Toni na sa trailer pa lang ay paulit-ulit mang panoorin ay hindi talaga nakauumay.


In a way, dapat saluduhan ang may gawa ng film na si Antoniette Jadaone na ibinuhos talaga ang lahat ng kanyang best sa bagong proyekto para ma-entertain nila ang lahat ng movie-goers na manonood ng grand opening day sa maraming sinehan nationwide sa April 4 (Black Saturday). Walang halong exaggeration, sa You’re My Boss, mas domoble pa ang husay ni Direk Antoniette dahil nagawa niyang gawing komedyante ang drama actor na si Coco na natural na natural ang dating sa mga eksena nila ni Toni lalo na kapag iniisnab at tinarayan siya ng kanyang boss sa pelikula na ginagampanan nga ni Toni.


Puring-puri pala ng Primetime King si Toni na mabait daw pala at supportive sa katulad niyang gustong matuto ng bagong genre kung saan bihasa ang aktres.


Parehong nag-enjoy rin ang mga ito sa shooting ng kanilang pelikula lalo na sa isang romantic place sa Batanes na para kay Toni ay pinakamagaan na set at masaya lang silang lahat ni Coco kasama ng ang mga co-star sa film na walang duda na titiba sa takilya. Siguradong-sigurado ako d’yan gyud! WALA KIYEME/PETER LEDESMA


.. Continue: Remate.ph (source)



Male reporter ng malaking TV network patolero sa bading


‘OPLAN GALUGAD’

NAGSAGAWA ng anti-criminality campaign ‘Oplan Galugad’ ang mga kapulisan ng Navotas City kasama ang mga barangay tanod sa Phase 2 Area 1, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod sa pamumuno ni PS/Insp. Emmanuel Gomez ng PCP 4 Commander. JOJO RABULAN


.. Continue: Remate.ph (source)



‘OPLAN GALUGAD’


KAPITULO ANIM, BERSIKULO ANIM

NAGSISI ang magaling na si Pangulong Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino nang payagan niyang ipatupad ang operasyon laban sa teroristang si Marwan kung saan kinarne ang ‘SAF 44’.


Ganoon din naman ang ginawa ng Panginoong Dios nang lalangin niya ang tao pero sumalto nang mauto ng ahas si PNoy, este, si Eba na umuto rin naman kay Adan.


Sa aklat ng Genesis ng Bibliya, ika-anim na kapitulo bersikulo anim… “At nagsisi ang Panginoon na kanyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kanyang puso.”


Madalas itong nauuwi sa debate ng mga taong may alam sa Bibliya dahil sa salitang nagsisi. Kapag nagsisi raw, ibig-sabihin ay alam na alam nito na posibleng mangyari ang ‘di dapat mangyari pero itinuloy pa rin.


Kayo, taumbayan. Kapag nagsisi kayo, ‘di ba alam mo ang mga posibilidad na mangyari pero sige pa rin? Sumablay kaya nagsisi ka pero alam mong may sablay iyon, alam mo rin ang posibleng tagumpay.


Alam ng Dios na posibleng sumalto sina Adan at Eba kaya mahigpit ang kanyang direktiba na huwag kainin ang prutas [hindi mansanas] mula sa Puno ng Karunungan. Pero nauto, nabola si Eba.


Sa ganitong argumento, alam ni PNoy na posibleng sumalto ang operasyon batay sa inilatag na plano pero itinuloy pero nakarne ang ‘SAF 44’. Nauto si PNoy, nabola ng mga heneral.


Pero makaraan lamang ang pagsalto ng mga tao ay sumunod agad ang pangako ng Dios na kaligtasan marahil dahil responsibilidad niya ito bilang ating Ama sa Langit. Parang tayo sa ating mga anak ‘pag sumalto, ‘di ba?


Subalit ibang klase itong si PNoy. Nagsisi nga siya [sabi niya] pero tuloy ang paninisi. Hindi niya inaako ang responsibilidad bilang ang Ama ng Sambayanang Pinoy.


Ang responsibilidad ay hindi lamang pag-ako ng kasalanan kundi may karampatang aksyon upang iligtas ang mga anak na naapektuhan ng sumaltong plano o kilos.


Ano ang aksiyon ni PNoy, ‘di ba hambog pa ang datingan? Hindi nagsisi si PNoy gaya ng kanyang pahayag kundi isang pautot lamang ito para makalusot sa batikos ng taumbayan. Taumbayan… huwag pauto sa uto-utong hambog!


***

Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAPITULO ANIM, BERSIKULO ANIM


BIGYAN NG TSUPON SI PNOY

KAHIHIYAN! Palagi na lamang tayong pinagtatawanan sa labas ng bansa dahil lang sa mga pantasya at ilusyon ni Pangulong Bengino Aquino III.


Sa kanyang pagharap kailan lang sa mga negosyanteng lokal at dayuhan, ipinagpilitan na naman niya na segunda raw tayo sa taas ng ekonomiya sa mundo? Idinagdag niya na tumaas daw sa US$6.1-bilyon ang FDI o Foreign Direct Investments na hindi nagawa ng mga administrasyon na nagdaan?


Kulang pa sa kanyang pagmamalaki at pagyayabang, ipinagdiinan niya ang kanyang “Matuwid na Daan” sa rami ng kanyang proyekto sa ilalim ng PPPP o Public Private Partnership Program.


Sa huli, binanatan niya uli ang kanyang mga kritiko na wala raw alam kundi manira at magpintas ng negatibo sa kanyang mga maganda raw na nagawa.


Hiramin natin ang banat niya kay suspended PNP SAF Director Getulio Napeñas tungkol sa masaker sa Mamasapano. “Sa powerpoint lang maganda ang ipinakita ni Napeñas, PURO PALPAK LANG DIN PALA…”


Mr. President, saan ka kumukuha ng K ng mukha sa mga sinasabi mo na tagumpay ng iyong Matuwid na Daan? Hindi ka ba nahihiya sa mga negosyante, lalo na sa mga dayuhan, na ipinaalam nila sa kanilang mga lider ng bansa ang tunay na estado natin?


Sa imprastraktura, maliban sa maikli na underpass sa Quezon Avenue ay wala na. Ang binuksan mo naman na expressway sa Cavite ay hindi mo programa. Utang sa International Monetary Fund (IMF) na nabayaran pero ngayon, puro utang na naman!


Hindi mo pwedeng ikumpara sa mga nagdaang administrasyon ang mga ginagawa mo ngayon dahil sila’y may mga nagawa sa sariling administrasyon samantalang ikaw ay wala pa as in walang-wala!


Dalawa lang iyan, Mr. Aquino. Niloloko ka ng iyong mga tauhan sa mga datos at paglikha ng iyong talumpati. O kaya naman, kung gawa mo ang datos at iyong talumpati, ikaw mismo ang boladas.


Sa mga kapihan at tambayan ng iyong mga tauhan, gabinete man o KKKK, kung maririnig mo lang ang kanilang mga kuwento ukol sa katigasan daw ng iyong ulo, mababaril mo sila right on the spot. Iyan ang totoo, ‘di ba, katotong Vic Vizcocho?


Pero magtataka ka, sa kabila ng lahat ay nakakapit pa rin sila sa iyong pundilyo. Ayaw bumitiw. Hindi dahil sa husay mo bilang lider ng bansa kundi dahil saiyong kapit-tuko na pakikisama at pangungunsinti sa kanila!


Sana may matino pang tauhan na natitira ang Pangulo. Pwede ba, bigyan ninyo ng tsupon si PNOY? BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



BIGYAN NG TSUPON SI PNOY


PRES. AQUINO VISITS FIRST SCOUR RANGER REGIMENT

THE Commander-in-Chief arrived Camp Tecson, San Miguel, Bulacan, home of the First Scout Ranger Regiment (FSRR), at 10 am on Saturday, 28 March 2015 and immediately engaged in a pep talk with the officers and men before honing his skills in firing with the PSG Shooting Team and BIR Commissioner Kim Henares who arrived in a separate chopper.


During his meet and greet session with the soldiers, President Aquino announced the signing of the Joint Resolution of Congress providing additional Subsistence Allowance to all men in uniform, including CAFGUs and NAMRIA personnel. He also urged the soldiers to ask questions about anything.


Three soldiers spoke up. Noting that the three were seated together in just one corner of the conference room, the President said in jest, “Parang set up ah,” eliciting laughter from those who were present.


One soldier mustered enough courage to ask whether aside from the Subsistence Allowance there were other benefits being mulled for soldiers, the President said there was none because he is focusing more on providing housing for them.


The President left the camp at 5:00 pm after four hours of fun shooting. Except for RTVM–the presidential broadcast staff–no representatives from media organizations were present in the exclusive event. BEEN THERE DONE THAT/JOSEPHINE JARON-CODILLA


.. Continue: Remate.ph (source)



PRES. AQUINO VISITS FIRST SCOUR RANGER REGIMENT


NFA ACTS OVER FARM-GATE PRICES DROP

NOTING that farm-gate prices have steadily dropped since January as the summer harvest peaks, no less than National Food Authority administrator Renan B. Dalisay is instructing the agency’s field offices to intensify palay buying from farmers harvesting their summer crop.


Data gathered by the Bureau of Agricultural Statistics (BAS) show that from P18.50 per kilogram in January, the buying price of palay has gone down to P17.85 in February and PP17.94 as of the second week of March.


As early as January, the NFA has been receiving field reports that palay fresh harvest is being bought by traders by as low as P14-P16/kg in some areas.


This prompted the NFA chief to mobilize the agency’s offices to conduct massive palay procurement to assure the farmers of reasonable income from their produce.


Procurement funds were also immediately disbursed and procurement logistics, including mobile procurement teams, were put in place.


The NFA buys clean and dry palay at P17/kg, with additional incentives totaling to P0.70/kg for delivery (P0.20), drying (P0.20), and cooperative incentive fee (P0.30). The agency is currently buying palay at an average of 12,422 bags daily.


Last month, NFA surpassed its procurement target by 165 percent, buying a total of 145,576 bags over the 88,050 bags target for the month.


As of the third week of March, the agency had already bought 195,649 bags or 84 percent of the month’s target of 231,950 bags.


The NFA targets to buy this year a total of 3,796,900 bags or 189,845 metric tons of palay to beef up the country’s buffer stock.


Bulk of the supply would come in during the main harvest season from October to December, according to the NFA head.


Its current rice inventory stands at 490,604 metric tons, 12 percent or 40,453 MT of which is in palay form.


Based on the national daily rice requirement of 31,000 MT, this inventory level is good to last for 16 days or more than the mandatory 15-day food security buffer supply at any time of the year.


With Chief Dalisay at the helm, it’s really on the right direction and with other key officials like Manager Jaime Hadlocon, of NFA northern district office, giving their best for the agency it’ll surely soon recover from recent previous controversies to which this writer is on the belief that it’s not actually the fault of its executives as this was a mere creation of those outside it out to destroy their credibility for their obvious vested interest.


We’re just around to be with you come what may as long as you do it right for the people, for the poor people. GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


.. Continue: Remate.ph (source)



NFA ACTS OVER FARM-GATE PRICES DROP