Sunday, December 28, 2014

Pagbebenta ng paputok, pinahihigpitan – DOH

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na kinakailangan ng ibayong paghihigpit sa paggamit at pagbebenta ng paputok matapos na madagdagan pa ang bilang ng fireworks-related injuries dalawang araw bago sumapit ang Bagong Taon.


Ito’y matapos makapagtala pa ng 15 biktima ng paputok ang 3 sa 6 na pampublikong ospital sa Maynila.


Ayon kay Dr. Brian Aguilar, Medical Officer ng emergency room ng Ospital ng Maynila, mayroong pitong biktima ang naisugod kung saan pawang mga menor-de-edad, habang pito rin ang dinala sa Tondo Medical Center (TMC) at isa naman sa Ospital ng Maynila.


Sa naturang bilang, 14 ang naputukan ng piccolo na ang pawang menor-de-edad maliban sa isang 22-anyos na lalaking biktima.


Sinabi ni Aguilar na dapat higpitan pa ang kampanya kontra paputok upang mailayo ang mga bata sa peligro.


Nangunguna pa rin ang piccolo na sanhi ng firecrackers-related injuries na umabot na sa 66% na bilang ng kaso.


Nabatid din na pumalo na rin sa kabuuang bilang na 130 ang naputukan mula ng magsimula ang monitoring ng DOH. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbebenta ng paputok, pinahihigpitan – DOH


Biktima ng paputok, dumarami

MULA 113, pumalo na sa 130 ang bilang ng nasugatan dahil sa paputok.


Ayon kay acting Department of Health (DOH) Sec. Janette Garin, anim sa mga biktima ay naputulan ng daliri habang 25 ang nagtamo ng eye injury.


Abot naman sa 66% ang kabuuang bilang ng sugatan dahil sa piccolo.


Pinakamarami umano ang nabiktima sa Maynila pati sa Western Visayas na malapit sa pagawaan ng paputok.


Mas mababa umano ito kumpara sa naitalang firecracker-related injuries sa nakalipas na limang taon, ngunit mas marami ngayon ang naputulan ng daliri at may posibilidad pang mabulag.


Matatandaang mahigpit nang ipinagbabawal sa Davao City ang paggamit ng paputok at nakakumpiska na rin ng mga iligal na paputok sa Bocaue, Divisoria at iba pang lugar.


Samantala, tinamaan ng ligaw na bala ang isang 7-taong gulang na bata sa Bgy. Bagong Silang, Lumban, Laguna nitong Linggo.


Sa ulat, naglalaro ang biktimang kinilalang si Isaac Ruda sa sala ng kanilang bahay kasama ang nanay na si Cecilia nang tamaan ito ng bala sa likuran ng ulo.


Isinugod ang biktima sa Christian General Hospital sa Pagsanjan habang naaresto naman ang suspek na si Mario Cortez, 56, jailguard sa Laguna provincial jail.


Maraming beses na umano itong inireklamo dahil sa pagpapaputok ng baril tuwing nakainom.


Tinanggalan na umano si Cortez ng service firearm ngunit mayroon itong isang hindi lisensyadong kalibre .22. Minsan na ring nakulong si Cortez dahil sa kasong indiscriminate firing.


Hindi na narekober ang baril ng suspek subalit nagpositibo ito sa paraffin test.


Kasalukuyang nagpapagaling ang bata ngunit umaapela ang Pamilya Ruda ng tulong pinansyal na pambayad sa gamot at gastos sa ospital. NENET L. VILLAFANIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Biktima ng paputok, dumarami


Nakakulong na guro humiling sa Santo Papa ng kalayaan

MANILA, Philippines – Isang volunteer teacher ang sumulat at umapela sa Santo Papa ng kalayaan. .. Continue: Philstar.com (source)



Nakakulong na guro humiling sa Santo Papa ng kalayaan


Tricycle driver at sari-sari store owner ‘Ilibre sila sa buwis’- Solon

MANILA, Philippines - May panukalang ipinasa sa Kongreso na inaalis sa saklaw ng pagbabayad ng buwis ang mga marginal income earners tulad ng mga sari-sari s .. Continue: Philstar.com (source)



Tricycle driver at sari-sari store owner ‘Ilibre sila sa buwis’- Solon


Airline binira

MANILA, Philippines - Binatikos ni Bayan Muna Rep. .. Continue: Philstar.com (source)



Airline binira


Hingi ng mga grupo maawa sa hayop

MANILA, Philippines - Maawa naman kayo, maging mahabagin, ang paputok ay nakakapinsala sa hayop. .. Continue: Philstar.com (source)



Hingi ng mga grupo maawa sa hayop


PNoy at Joma mag-uusap

MANILA, Philippines - Malamang umanong magkita at magpulong sina Pangulong Benigno Aquino III at ang lider komunistang si Jose Maria Sison kaugnay ng inaasah .. Continue: Philstar.com (source)



PNoy at Joma mag-uusap