Saturday, November 1, 2014

James nabigo sa unang laro

MASAMA ang nilaro ni basketball superstar LeBron James kaya naman nabigo itong ipanalo ang Cleveland Cavaliers sa kanyang unang laro sapul na lisanin niya ang team apat na taon na ang nakalilipas.


Bumanat si Carmelo Anthony ng 25 puntos, anim na assists at dalawang rebounds upang biguin ng New York Knicks ang Cavaliers, 95-90, sa nagaganap na 2014-15 National Basketball Association (NBA) regular season kaninang umaga.


Tumapos naman si four-time NBA MVP James ng 17 puntos, limang rebounds at apat na assist subalit masagwa ang naging shooting percentage nito na may 5-of-15 at 1-of-5 sa three-point shots kasama ang walong turnovers.


Abante ang Knicks, 90-87, may 44.9 seconds na lang sa fourth period ng isalpak ni James ang kanyang layup.


Sumagot naman agad ng 17-foot jumper sa baseline si Anthony para sa 92-87 bentahe ng Knicks may 25.9 segundo na lang sa orasan.


Nag-ambag sina Iman Shumpert at Jason Smith ng tig-12 puntos habang may 11 points at seven assist si J.R. Smith para sa New York.


Si point guard Kyrie Irving ang nanguna sa opensa ng Cleveland na may 22 pts. at pitong assist sinundan siya ni Kevin Love na nagtala ng 19 markers at 14 na boards.


Samantala, kinalmot ng Minnesota Timberwolves ang Detroit Pistons, 97-91, habang pinagpag ng Washington Wizards ang Orlando Magic, 105-98. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



James nabigo sa unang laro


Pacman atat nang balikan ang KIA

ATAT nang makipaglaban ng eight division world champion na si Manny “Pacman” Pacquiao kontra sa undefeated American na si Chris Algieri dahil nais na niyang bumalik sa PBA.


Si Pacquiao ay isang beses pa lang naglaro sa team na Kia Sorento noong opening ng 40th PBA season kung saan tinalo nila sa game ang Blackwater sa iskor na 80-66.


Inamin naman ni Pacquiao na excited na siyang matapos ang laban kay Algieri para makabalik na agad sa basketball matapos matalo ang kanyang team ng dalawang sunod sa PBA.


Ayon kay Pacman, handa na siyang umakyat ng boxing ring kontra sa Amerikanong si Algieri. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacman atat nang balikan ang KIA


Bus, nasunog sa EDSA-Pasay

HALOS kalansay na ang natupok ng apoy ang isang bus na nagliyab sa EDSA-Roxas Blvd. northbound sa tapat ng Heritage Hotel, Sabado ng umaga.


Hindi na mapakikinabangan ang biyaheng Grotto na Valisno Bus, na may plakang TXU 210, nang lamunin ng apoy.


Agad namang rumesponde ang Pasay Fire Department at napatay ang apoy matapos ang kalahating oras.


Sugatan ang kanang kamay ng drayber ng bus na kinilalang si Ronald Domingo nang tangkaing apulahin ang apoy.


Ayon kay Domingo, matapos nilang makaramdan ng pag-init sa loob ng bus, bigla na lamang na may pumutok. Agad siyang sumigaw at pinababa ang mga sakay.


Ligtas naman ang lahat ng mga pasahero na agad bumaba sa bus.


Sinisilip ng awtoridad ang posibilidad na nag-ugat sa short circuit ang apoy.


Hinatak na ang bus sa lugar at hindi na nakaaapekto sa daloy ng trapiko. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bus, nasunog sa EDSA-Pasay


Fetus, natagpuan sa mall sa Bicutan

NAGSASAGAWA na ngayon ng malawakang imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung sino ang nagtapon ng isang fetus sa loob ng comfort room sa Butuan City.


Inaalam na ng pulisya ang insidente upang malaman kung sino ang responsble sa pagtapon ng fetus.


Laking gulat ng mga guwardiya sa isang mall sa Butuan nang makita ang fetus na itinapon sa basurahan sa may comfort room sa 2nd floor ng mall bandang alas-11:00 kagabi.


Sa pagresponde ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 3 (BCPS 3) matapos ipinaalam ng chief security officer na si Nestor Decino, napag-alaman na inilagay sa isang itim na cellophane ang fetus na nasa dalawa o tatlong buwan pa lamang, kasama na ang isang napkin at baby wipes. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Fetus, natagpuan sa mall sa Bicutan


Friday, October 31, 2014

Bilang ng mga motoristang dadaan sa NLEX, dadami pa

DADAGSA ang mga motoristang dadaan sa North Luzon Expressway (NLEx) ngayong Undas.


Ayon kay Robin Ignacio, head ng NLEX Traffic and Safety Division, tinatayang madadagdagan ng halos 30,000 sasakyan ang bilang ng babaybay sa NLEX kada araw.


Sa ordinaryong panahon, kadalasang umaabot sa halos 280,000 na motorista ang dumadaan sa NLEX, kada araw.


Mag i-increase ang mga sasakyan na dumadaan sa NLEX ng mga 10-15%, maaaring madadagdagan ng mahigit 30,000.


Samantala, tiniyak din ni Ignacio na nakikipag-ugnayan sila sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo, para sa kanilang aktibidad sa Philippine Arena, mamayang gabi.


Ayon kay Ignacio, mayroong sapat na parking space sa loob ng Ciudad de Victoria para sa tinatayang 65,000 na lalahok mamayang gabi.


Pinayuhan din ni Ignacio ang mga kapatid na Iglesia na gamitin ang Balagtas o Tabang exit, para maiwasan ang paninikip ng daloy ng trapiko sa Bocaue interchange. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bilang ng mga motoristang dadaan sa NLEX, dadami pa


Lolo hinostage ang apo sa Manila North Cemetery

HINOSTAGE ng isang lolo ang kanyang apo malapit sa Main Avenue sa loob ng Manila North Cemetery, Sabado ng madaling-araw.


Arestado ang suspek na si Jun Gonzales, 56, makaraang i-hostage ang sariling 12-anyos na apong babae. Nagtitinda ng mga chichirya sa loob ng sementeryo ang suspek at may sarili silang stall.


Alas-4:00 kaninang madaling-araw, biglang nagsisigaw ang suspek na susugurin umano siya ng mga tao at may papatay sa kanya kaya niyakap niya ang apo at kumuha ng bread knife.


Sa pakikipag-usap sa mga kaanak ng suspek na nagtitinda rin sa sementeryo, hinihinala nilang may nervous breakdown ang suspek o puyat na puyat sa ilang gabing pagtitinda.


Ang suspek na lolo ng biktima ang sinasabing nagpalaki sa kanya.


Pinaligiran ng mga pulis at rescue team sa sementeryo at nakuha ang bata.


Ikinulong nsa MPD Station 3 Central Police Station ang suspek habang ang bata ay ibinalik sa magulang. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lolo hinostage ang apo sa Manila North Cemetery


2 lalaki, ginarote at pinagsasaksak sa Cagayan

PATAY ang dalawang lalaki matapos gilitan at pagsasaksakin ng isang lalaki sa bayan ng Claveria, Cagayan.


Kinilala ang mga biktimang sina Darland Ragudo at Vic Frigido, kapwa ng bayan ng Claveria habang ang suspek ay kinilala namang si Christopher Villanueva, ng San Juan, Ilocos Sur.


Ayon kay SPO3 Rizal Castillo, chief of police ng PNP Claveria, bago mangyari ang insidente ay nasa bahay ng kanyang ka-live-in si Frigido kasama si Ragudo nang tumawag ang suspek sa biktimang si Frigido.


Sinabi umano nitong magkita silang dalawa sa Bgy. Pinas at huwag magsama ng iba pa.


Dahil kinutuban ang biktima kung kaya’t isinama nito si Ragudo.


Dito na pinagsasaksak ng suspek ang mga biktima ng walang kadahilanan.


Nakatanggap ng impormasyon ang PNP Claveria na may nakitang bangkay sa lugar at agad naman nilang tinungo at nakita doon ang bangkay ni Ragudo.


Natagpuan din ang bangkay ni Frigido 30-40 metro ang layo mula naman sa bangkay ni Ragudo.


Pinagsasaksak ang mga biktima saka ginilitan ang leeg na lumabas pa ang mga bituka.


Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang PNP Claveria sa PNP ILocos Sur para sa ikadarakip ng suspek na ngayon ay pinaghahanap pa. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 lalaki, ginarote at pinagsasaksak sa Cagayan