Friday, August 1, 2014

Rider umiwas sa pamamaril, malubha sa pagsemplang

NASA malubhang kalagayan ang isang rider matapos sumemplang sa tangkang pag-iwas sa pamamaril ng hindi kilalang suspek sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi, Hulyo 31.


Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital (VGH) sanhi ng tama ng bala sa likuran ng ulo si Bernardo Mateo, 41, ng San Jeremias St., Karuhatan ng lungsod.


Sa ulat, alas-10:20 ng gabi, papunta sa Family cmpd., Karuhatan ng lungsod ang biktima sakay ng motorsiklo nang pagsapit sa nasabing lugar ay dalawang sunod na pinutukan ng nakaabang nang suspek.


Hindi tinamaan ang biktima at mabilis na pinaharurot ang motorsiklo upang makaiwas subalit minalas na sumemplang kaya naabutan at muling pinmutukan ng suspek.


Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang dinala naman sa VGH ang biktima kung saan inaalam na ng pulisya kung sino at ano ang dahilan ng pamamaril. Rene Manahan


.. Continue: Remate.ph (source)



Rider umiwas sa pamamaril, malubha sa pagsemplang


Bangkay ng lalaki, natagpuan sa damuhan

ISANG bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na itinapon sa damuhan ang natagpuan sa Caloocan City, Biyernes ng madaling-araw, Agosto 1.


Tinatayang nasa edad 25 – 30 ang biktimang naka-itim na t-shirt at puting shorts.


Sa pahayag ng saksing si Armando Casim, guwardiya, alas-3:30 ng madaling-araw, nagpapatrulya siya sa kanyang binabantayan sa Anahaw St., Amparo subd., ng lungsod nang mapansin ang katawan ng biktima sa madamong bahagi ng lugar dahilan upang itawag sa mga pulis.


Lumalabas na pananaksak at pagbigti ang dahilan ng pagkamatay ng ‘di pa kilalang biktima.


Inaalam na rin ng mga pulis kung sino at ano ang dahilan sa krimen. Rene Manahan


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkay ng lalaki, natagpuan sa damuhan


3 kritikal sa may sayad

PINAGTATAGA ng isang lalaking may diperensya sa pag-iisip ang kanyang kapatid at dalawang kapitbahay sa Zamboanga del Norte kaninang madaling-araw, Agosto 1.


Nagtamo ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan at isinugod sa pagamutan ang mga biktimang sina Jeneth Bulanda, Marcosa Ebada, 73, at si Raul Emotin.


Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si Joseph Bulanda, kapatid ni Janeth.


Sa ulat naganap ang insidente dakong 1 ng madaling-araw sa Sitio Muntay, Barangay Dinoman, Roxas, Zamboanga del Norte.


Ayon sa Roxas municipal police, pinasok ng suspek ang kuwarto ng kanyang kapatid na si Janeth at tinaga ito sa leeg habang natutulog.


Sunod namang pinagtataga ng suspek ang kanyang dalawang kapitbahay na sina Becada at Emotin na kapwa tulog na rin saka tumakas. Tinamaan si Becadao sa baba at kanang braso habang si Emotin naman ay sa dibdib at kamay.


Isasailalim sa isang medical check-up ang suspek para matukoy kung talagang wala ito sa matinong pag-iisip. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



3 kritikal sa may sayad


Kelot sa loob ng SUV, sugatan sa riding-in-tandem

PINAGBABARIL ng kilabot na motorcycle-in-tandem ang isang lalaking sakay ng kanyang sports utility van (SUV) sa Quezon City kaninang umaga, Agosto 1.


Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa kaliwang pisngi at leeg at isinugod sa Far Eastern University Hospital (FEUH) ang biktimang si Reynario Javier Soriano, ng Little Baguio St., Miramonte Heights, Caloocan City.


Blangko pa ang mga tauhan ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung sino ang nasa likod ng pananambang na hinihinalang mga hired killers.


Sa ulat, dakong 6:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa kanto ng Regalado at Commonwealth Ave. sa Bgy. North Fairview, Q.C.


Minamaneho umon ni Soriano ang kanyang gray na Mitsubishi Adventure na may plakang (WGJ-601) at nang bago dumating sa nasabing kanto ay biglang sumulpot ang mga suspek saka siya pinagbabaril at tumakas.


Aalamin naman kung may nakalatag na CCTV camera sa pinangyarihan para magkaroon kahit papaano ng clue sa mga itsura ng mga salarin. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot sa loob ng SUV, sugatan sa riding-in-tandem


5th death anniversary ni dating pang. Cory Aquino, ginunita

MATAPOS ang madamdaming State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ay muling nagsama-sama ang magkakapatid na Aquino.


Sa pagkakataong ito ay sa Manila Memorial Park, Paranaque City upang gunitain ang ika-limang death anniversary ng kanilang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino.


Si Pangulong Aquino at ang kanyang tatlong presidential sisters na sina Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada at ang Tv-host/actress na si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino-Yap ay nakasuot ng dilaw na damit kasama ang ilang miyembro ng gabinete ng una at ilang kamag-anak at kaibigan sa libingan ng dating Pangulo.


Sa kalatas na ipinalabas ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ay hinikayat nito ang sambayanang Fililpino na tularan ang pagiging matuwid ni Mrs. Aquino na magtayo ng matatag na demokrasya sa bansa.


“Let us remember the virtues for which she is best known and which have endeared her to the public—the courage with which she adopted the fight for democracy; the humility which she maintained throughout her presidency; and the compassion with which she considered the needs of all Filipinos,” ayon kay Sec. Lacierda.


Naging tanyag si Pangulong Cory sa larangan ng politika matapos na pataksil na patayin ang kanyang namayapang asawa na si dating Senador Benigno Aquino, Jr. noong Agosto 21, 1983.


Ito ang naging ugat upang magkaisa ang sambayanang Filipino na laban ang diktadoryang liderato ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.


“In the years leading up to the 1986 EDSA Revolution, President Cory embodied the country’s struggle for freedom—a struggle that continued during her presidency as she sought to undo the mistakes of the past and establish safeguards to ensure that the country never falls under a dictatorship again. Even after her presidency, she remained active in the country’s affairs—a true icon of democracy not just in name but in actions—and supported various social projects as well as charitable institutions. Five years after her death, we still see clearly how her life proves that the Filipino is worth living for,” ani Sec. Lacierda.


Ito aniya pa rin ang pamana na iniwan ni Pangulong Cory sa sambayanang Filipino na nagmarka naman sa bawat pahina ng kasaysayan ng bansa. Kris Jose


.. Continue: Remate.ph (source)



5th death anniversary ni dating pang. Cory Aquino, ginunita


Pagbisita ni Pope Francis, pinaghahandaan na

PUSPUSAN na ang paghahanda ng Simbahang Katoliko para sa pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa Enero, 2015.


Kahapon ay sinimulan nang dasalin ng Sambayanang Katolikong Pilipino ang National Prayer for the Papal Visit, bilang bahagi ng naturang preparasyon.


Kaugnay nito, hinikayat ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga Katoliko na makiisa sa naturang natatanging panalangin na dadasalin simula kahapon hanggang sa Enero 14, sa bawat banal na misa, bago ang post communion prayer.


Bibisita ang Santo Papa mula Enero 15 hanggang 19, 2015 matapos magtungo sa Sri Lanka, na nakatakda naman sa Enero 12 hanggang 15.


Inaasahang bibisitahin ni Pope Francis ang ilang bahagi ng Metro Manila, gayundin ang mga naging biktima ng kalamidad sa bansa.


Narito ang teksto ng naturang panalangin:


“God of mercy and compassion, we come to you in our need and lift up to you our nation as we prepare for the apostolic visit of Pope Francis.

(After every invocation we say together: Bless Your Church, Lord)


That we may be faithful to the Pope, the Vicar of Christ on Earth.

Bless Your Church, Lord!


That we may be eager to meet and listen to Pope Francis.

Bless Your Church, Lord!


That we may be compassionate with the poor and the needy.

Bless Your Church, Lord!


That we may be merciful with the weak and the lost.

Bless Your Church, Lord!


That we may humbly confess our sins and return to God.

Bless Your Church, Lord!


That we may frequently and devoutly receive Holy Communion.

Bless Your Church, Lord!


Let us pray.


God our Father, we are all Your children. Make of us a nation of mercy and compassion eager to meet Pope Francis.


Make us a nation of holiness and heroism through Christ our Lord. Amen. Macs Borja


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbisita ni Pope Francis, pinaghahandaan na


Peace and order report ni Noy sa SONA mali raw

MANILA, Philippines — Pinuna ng isang mambabatas ang ulat ni Pangulong Benigno Aquino III tungkol sa seguridad ng bansa laban sa mga krimen. .. Continue: Philstar.com (source)



Peace and order report ni Noy sa SONA mali raw