Wednesday, January 1, 2014

Payatola raw kaya hindi bagay na Dyesebel!

ONWARD na tayo sa bagong taon para meron tayong bagong pag-asa.

Kalimutan na natin ang brouhaha nitong nagdaang 2013 MMFF. Talagang ganyan, culture na yata ang tinatawag na lutuan. Palibhasa’y laganap ang show sa TV na nagluluto, siguro nahawa sila. Hahaha!


Anyways, maiiba na raw ang buhay ng bagong child performer na si Ryzza Mae Dizon. Magkakaroon na raw ito ng bagong bahay courtesy of Kris Aquino. Hindi lamang ‘yan, tumaas na raw ang talent fee nito nang bumulwak ang kinita na sales ng ticket sa MMFF, kasama na raw ang bayad sa kanila sa mga commercial na kasama roon sa palabas ng kanilang pelikula. Balita rin namin, bibigyan pa ito ng bonus ng mga producer ng ‘My Little Bossings’. Kasuwerteng bata.

-0-


TAWA nang tawa ang fans, hindi namin sasabihin kung kaninong mga fan ito, baka magkasabunutan. Hindi raw bagay na Dyesebel si Kim Chiu dahil sa sobrang kapayatan nito at magmumukhang dilis daw na isda at flat chested pa. Ang mga naunang artista ay may malulusog na diddib from Edna Luna (ang orihinal na Dyesebel) to Vilma Santos, Alice Dixson,at Charlene Gonzales. Meron ding Dyesebel ang GMA, si Louise delos Reyes at kambal pa. Walang kalaban-aban daw ang sirena ng Dos.

Babagay raw sana kay Angelica Panganiban ang role na Dyesebel dahil mala-papaya ang boobs nito kaya lang may edad na. Say pa ng fans na umaarko ang kilay. Ang lupit mo naman ning. Anyway, abangan ang opening ng pelikula ngayong Enero ng Star Cinema ang ‘Bride for Rent’ na si Kim Chiu ang bida at katambal niya ang rumored boyfriend niyang si Xian Lim na gaganap yatang syokoy sa Dyesebel ni Kim.


Naks ha! Maraming mga bekeng

mag-aabang nito dahil katilam-tilam ang wankata ni Xian.

-0-


HUMANGA kami sa ginawa ng premyadong aktres na si Alessandra de Rossi. May malaki pala itong puso para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon sa Leyte. Pinili niya ang Tacloban City na labis na dinurog ng bagyo. Ang akala kasi ng iba ay mataray talaga ito na para na ring kontrabida sa tunay na buhay. ‘Yon pala’y dakila ang puso nito, ayon sa aming kababayan sa Leyte na napakain ni Alex.


Kasama ni Alessanda ang magaling na aktor na si Ping Medina. Dumating sila sa Tacloban ng Christmas Eve at kinabukasan lang sila nagpakain at sila na rin ang nagluto ng mga ilang pagkain. Bagama’t may mga nauna na ring celebrities na nagpunta ng Tacloban, malaking tulong na rin ang ginawa nina Alessandra at Ping. Sa Tacloban na rin sila naki-celebrate sa mga kapus-palad na mga taga-Tacloban. Imbes na umuwi si Alex sa Italy upang makasama ang pamilya, pinili pa rin niya ang pumunta sa Leyte upang mamigay ng tulong. Saludo kami sa inyong dalawa, Alex at Ping.

Sana’y meron pang mga susunod na mga celebrity ang pupunta sa Kabisayaan para mamigay ng tulong na hanggang ngayon daw ay marami pa ang ‘di nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno lalo na sa mga remote area.

-0-


MARAMING mga manghuhula na

nagpapa-interview sa media para sa panghuhula nila sa taong ito na year of the horse, ang magiging kapalaran daw ng mga artista, politiko at iba pang klase ng celebrities sa ibang larangan.


Ewan namin kung bakit pinagpapatulan ang mga ito. Wala pa rin ipinagbago ang hula-hula nila na kesyo merong maghihiwalay na showbiz couple, may mabubuntis na young stars, may mamamatay sa atake sa puso, reporter man, artista or politician. Aba naman, alam ng manghuhula ang magaganap dahil updated sila sa mga showbiz happening.


Kapag merong namamatay sa atake sa puso, artista man o politiko, kinabahan sila at natakot sa hula. Hayan, tigbak!


Bibilib naman ang tao na nakahula sila na merong politiko na mamamatay. Kaya kami, hindi naniniwala sa mga hula. Hulahoop pa pwede!


Masaganang Bagong Taon sa lahat! Ciao Bambino!


The post Payatola raw kaya hindi bagay na Dyesebel! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Payatola raw kaya hindi bagay na Dyesebel!


Naiiba at orig ang dating!

SECOND chances ang hanap ng maraming artista. Fate is kind to a lot of them. Blessed are these people who know how to appreciate life even better pagdating sa dulo.


Robin Padilla wins fair and square for his Best Actor award at the recent MMFF. Despite his political views and papogi points sometimes over defending the late Rustom Padilla turned BB something, magaling s’yang action star at ‘di naman papatalo sa kadramahan. Orig ang kanyang dating bilang action star kaya naman maski may nagtangkang gumaya sa kanya, eh, hindi naman nakalusot. Talaga namang lady killer kaya naman magugustuhan talaga s’ya ng maraming co-stars. Magandang regalo sa kanya ang bagong award.


Maricel Soriano is very lucky this time. Best actress ang lola n’yo maski maraming unsavory news about her. True talent prevails. Sana lang magtanda na ang mahusay na aktres at umiwas sa mga bisyo kung meron man para tulOy-tuloy na ang kanyang pagbabalik sa kamera. Sayang ang isang Maricel Soriano kung magiging biktima s’ya ng self destruction. Ang sweet pa naman n’ya over dinner a long, long time ago. Magbalik kaya s’ya sa comedy with Roderick Paulate? Walang tatalo sa dating baklang team up.


Vice Ganda is not always winning things. Number two lang s’ya sa MMFF ranking despite super publicity at TV plugs ng kanyang “Girl Boy Bakla Tomboy.” Karma kaya ito ng ibang bad moves n’ya? Sabagay makababawi pa rin dahil magaling naman talaga si Vice. Saka matulungin sa new stars para maisali sa kanyang projects. Sana lang true help ang bigay n’ya at talent ang puhunan ng artista, hindi casting couch ang labanan. He, he, he!


Aiza Seguerra deserves another award and she has it now. Best supporting actress ng MMFF ang tita n’yo kaya naman versatility is the name of her game. Babaeng-babae naman ang kanyang pagkanta kaya ayos lang sa tenga ng marami. ‘Di na kailangan pang i-display ang kanyang GF para lang mapag-usapan. What she sells is her talent and not her private life.


Charice is really gay and she’s really happy about it. Mas confident and sweet na s’ya now unlike dati na parang laging takot to be herself. Who cares about her sexuality? As long as she sings well at connected sa puso ng kanyang listeners and audience, patok ang singer para magproblema kung anoman ang sabihin ng iba. Saka mas bagay naman sa kanya ang tomboy. He he he!


Kaye Abad and Jean Suburit are the team to beat sa pagiging bwisit sa TV series na “Annaliza”. You love to hate them. Maski na sa totoong buhay ay mabait naman ang dalawa,

kayang-kaya nilang galitin ang mga viewer everytime na nasa screen sila. Pero huwag na sanang pahabain pa ang kanilang pagpaparusa sa young lead kasi magiging kasawa-sawa naman na.


The post Naiiba at orig ang dating! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Naiiba at orig ang dating!


Mahusay na aktor pero masyadong underrated!

2014 promises to be an exciting year. There’s something for everyone. Masaya ang showbiz para sa lahat ng nagmamahal sa tunay na diwa ng buhay artista.


Ryzza Mae Dizon and James “Bimby” Aquino Yap are the hottest kids in showbiz. Si Ryzza, eh, talagang mgaling sa kabilang channel. Si Bimby, eh, ewan lang kung ano ang kaya. Ha ha, ha! Saganang-sagana sa publicity at TV coverage maski na minsan feeling mo, eh, nakasusuka na rin. Ha, ha, ha! Marami pang iba riyan na mas magaling pero ‘di nga lang napapansin. Stage mother na stage mother ang dating ni Kris.


Angel Locsin seems more appealing dahil single na naman. Dahil walang nakabakod, bagay s’yang itambal maski kanino at may konting paduda nga na baka may mabuong romansa with leading men. Aabangan ng marami ang kanyang TV soap with Jericho Rosales and JC de Vera. Plus pagalingan sila ni Maja Salvador sa pag arte.


Kim Chiu and Xian Lim are together again in Bride for Rent. Kung kilig si Kris Aquino in interviewing them sa kanyang TV show, marami naman ang talagang umaasa na sila na nga in the future. There is something true, sweet and genuine affection between them. Kim is a huge star. Xian is multi-talented maski na inaaway pa ng iba. They deserve happiness.


JC de Vera is the man to watch this year. Hanep sa dating at sana, eh, magtagumpay sa Channel 2 para madagdagan pa ng bankable leading man. Handsome face, sexy body at mukha namang may ibubuga sa acting department. Kaya lang baka naman mga bading na co-actors din ang magkagusto at mag-intriga sa kanyang buhay ru’n. Ha, ha, ha!


Joel Torre and Noni Buencamino are just simply perfect actors for their roles in “Honesto”. Parang kakaiba sa image ni Joel ang ganitong papel na talaga namang pinatunayan niya ang kanyang husay. Magaling ang casting director sa pagkuha sa kanya. Si Noni ay super nakabibilib sa kanyang monologue sa eksenang nagre-reminisce sa kanyang namatay na anak sa sementeryo. Simpleng eksena pero talaga namang nagpataas pa ng respeto namin sa kanya bilang aktor.


Arjo Atayde is superb as PMPC Star Awards 2013 Best Supporting Actor for Television. Long hair with make-up s’ya sa sa kauna-unahang gay role niya sa telebisyon para sa MMK on Saturday, January 4. Isang bakla ang role ni Arjo sa “Gay Parent” sa direksyon ni Raz dela Torre. He plays a “bading” parent na romantically involved kay Felix Roco na dapat, eh, laging bida sa TV. Kasama sina Assunta de Rossi, Dindo Arroyo at Ella Cruz.


Papaano niya bubuhayin at ipaglalaban ang kanyang pamilya ang siyang tatalakayin. After portaying his first gay role on television, magandang karanasan ito para sa aktor para maintindihan pa lalo ang kanyang gay friends at ang mga bading in general. Take note that her mom actress Sylvia Sanchez is also a gay icon.


“I have huge respect sa mga gays. I grew up with them. Most of my mom’s friends ay gay kaya no problem lang. Mas tumaas pa lalo ang respect ko sa kanila after my MMK role,” kuwento niya. This is his third MMK anthology na nilabasan niya. The first was the “Bangka” episode kung saan hinirang s’ya as PMPC’s New Male TV Personality dahil sa kanyang galing.


The post Mahusay na aktor pero masyadong underrated! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mahusay na aktor pero masyadong underrated!


Motorsiklo vs truck; 3 patay

BAYAMBANG, Panagsinan – Agad na nasawi ang tatlong katao at isa ang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at truck sa Bayambang, Pangasinan, iniulat ng pulisya.


Grabeng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo nina Rigor Magat, 20; Norman Jontilla, 22; at Arjay Magna, na sakay sa motorsiklo, habang nagpapagaling pa sa ospital ang kasama nilang si Joel Penuliar, na nasugatan sa tuhod at paa.



Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng truck. – Liezle Basa IƱigo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Motorsiklo vs truck; 3 patay


UPDATE: Biktima ng paputok umakyat sa 599

TILA nawalan ng silbi ang masigasig na kampanya ng Department of Health laban sa paggamit ng paputok nang umakyat na sa 599 ang naputukan sa pagsalubong sa 2014.


Ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa pagsalubong sa taong 2013.


Bukod sa mga biktima ng paputok ay marami rin ang naging biktima ng ligaw na bala.


Ayon kay DOH assistant secretary Eric Tayag, tumaas ng 29 porsiyento ang mga naitalang nasugatan sa pagsalubong ngayong bagong taon .


Pinakamataas na naitalang dami ng firecracker-related injuries sa National Capital Region na sinundan ng Region I.


Mga batang may edad hanggang 15 ang karaniwang naging biktima ng paputok, lalo na ng piccolo.


The post UPDATE: Biktima ng paputok umakyat sa 599 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Biktima ng paputok umakyat sa 599


3 patay sa pangloloob sa bangko sa Cebu

PATAY ang tatlo katao nang looban ng hindi nakilalang mga suspek ang isang bangko sa Cebu City kaninang umaga.


Sa imbestigsyon, alas-6 ng umaga kanina nang pasukin ng mga salarin ang FairBank.


Pansamantalang hindi muna naglalabas ng detalye ang awtoridad sa pagkakilanlan ng mga biktima na dalawang sekyu at isang babae, maging ang kabuuang detalye sa insidente.


Lumalabas na bukod sa pagnanakaw ay posibleng personal na galit ang motibo sa krimen.


The post 3 patay sa pangloloob sa bangko sa Cebu appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 patay sa pangloloob sa bangko sa Cebu


Natutulog na sanggol, patay sa tama ng ligaw na bala sa Ilocos; isa pang bata, kritikal

Isang tatlong-buwang-gulang na sanggol ang nasawi matapos tamaan sa ulo ng ligaw na bala na tumagos sa bubungan ng kanilang bahay sa Ilocos Sur. Isa pang bata na natutulog din ang kritikal dahil sa iresponsableng nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa 2014. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Natutulog na sanggol, patay sa tama ng ligaw na bala sa Ilocos; isa pang bata, kritikal