Wednesday, November 27, 2013

Freddie Aguilar, kinasuhan ng child abuse

Freddie & Jovie


Ni Rommel P. Tabbad


HINDI pa rin ligtas si Freddie Aguilar sa kasong kriminal kaugnay ng pagpapakasal niya sa isang menor-de-edad.


Kinasuhan ang sikat na folksinger ng child abuse o paglabag sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ng isang abogado sa Quezon City Prosecutors’ Office (QCPO).


Bukod kay Aguilar, sinampahan din ni Atty. Fernando Perito ng kasong corruption of a minor ang mga magulang ng 16-anyos na napangasawa ni Aguilar dahil sa pagpapahintulot na mapangasawa ito ng singer.


Paliwanag ng abogado, nais lamang nilang maturuan ng leksiyon si Aguilar sa mga inasal nito na pawang paglabag sa batas.


Ayon pa kay Perito, sinamantala ni Aguilar ang kanyang kasikatan upang maimpluwensiyahan ang isang babaeng menor-de-edad at samantalahin din ang kamusmusan ng dalagita.


Itinakda ng piskalya ang pagdinig sa kaso sa Disyembre 9 at kung hindi dadalo ang mang-aawit ay dedesisyunan na ng QCPO ang usapin.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Freddie Aguilar, kinasuhan ng child abuse


No comments:

Post a Comment