KINUKWESTYON ni City Councilor Maila Ting Que ang muling pag-upo ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa puwesto.
Ayon kay Que, hindi pa rin siya naniniwala na si Soriano ang alkalde ngayon ng lungsod hangga’t wala pa siyang natatanggap na kopya mula sa Court of Appeals (CA) na nagpapatunay na dapat na itong bumalik sa puwesto.
Aniya, inunahan pa umano ni Soriano ang Department of Interior and Local Government (DILG) at muling nanumpa bilang alkalde kahit na walang representative ang naturang tanggapan.
Inihayag din ni Que na kung sakaling hindi pinal ang desisyon ng CA ay maghahain pa rin sila ng motion-for-reconsideration.
Si Que ang naghain ng kasong grave misconduct kay Soriano na nag-ugat sa umano’y iligal na pagpapatayo ng baratilyo kasabay ng piyesta ng lungsod.
Dahil sa kaso ay tinanggal si Soriano bilang alkalde noong Setyembre ng nakaraang taon ngunit muling bumalik sa puwesto kahapon matapos matanggap ang desisyon ng CA. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment