Sunday, April 19, 2015

P800K halaga ng shabu, nakumpiska sa Kagawad

NAKATAKDANG kasuhan ang isang barangay kagawad na nahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng San Pedro PNP sa Lungsod ng Davao kung saan nakuha rito ang P810,000 halaga ng shabu.


Nananatili sa bilangguan ang suspek na nakilalang si Analisah L. Manarogong, 38, may asawa, kagawad sa Batangan, Bgy. Bobong, Lanao del Sur.


Nakipagkasundo umano ang suspek sa poseur buyer na pulis na magbebenta ito ng P45,000 halaga ng iligal na droga sa isang parking lot ng tindahan sa Toril sa nasabing lungsod.


Matapos matanggap ng suspek ang P45,000 na boodle money, agad itong pinosasan ng mga awtoridad.


Nakuha sa suspek ang 17 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P45,000 bawat sako.


Sa isinagawang inventory, aabot sa P810,000 ang street value ng nakumpiskang shabu mula sa suspek.


Depensa nito, ipinadala lamang sa kanya ng hindi kilalang tao ang mga iligal na droga mula Lanao del Sur papunta sa Davao City.


Napag-alaman naman kay Police S/Insp. Ronald Lao, hepe ng San Pedro PNP, na isa umano ito sa pinakamalaking operasyon na kanilang isinagawa ngayong taon. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



P800K halaga ng shabu, nakumpiska sa Kagawad


No comments:

Post a Comment