NAARESTO ang isang lalaki dahil sa iligal na pagbebenta ng broadband internet modem ng isang malaking telecommunications company.
Kasalukuyang pinipigil ngayon sa himpilan ng Manila Police District-Station 9 ang suspek na si Roberto jabel Abano, 22, ng B-16-B, L-39 Phase 3, El Padas, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Ang pagkakaaresto ng suspek ay bunsod ng reklamo ng kinatawan ng Globe Telecom Inc. na sina Jonjon Masiclat at Ronald Uychutin.
Sa kanilang reklamo, nakita nila sa online selling website ang patalastas ng suspek na nagbebenta ng modem sa halagang P3,500 bawat unit.
Dahil dito, nakipag-ugnayan ang kinatawan ng nasabing telecom company sa pulisya at agad na ikinasa ang entrapment operation.
Nagkasundo ang magkabilang panig na magkita sa isang fastfood chain sa Taft Avenue malapit sa P. Ocampo St., Malate, Maynila kung saan naaresto ang suspek.
Narekober sa suspek ang 3 modem at ilan pang mga gamit pang-install ng nasabing internet connection. JOCELYN DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment