PITONG katao ang nasawi matapos mag-crash ang isang maliit na eroplano sa eastern tip ng Dominican Republic.
Ayon kay Civil Aviation Institute spokesman Hector Olivo, sinubukan ng piloto na gumawa ng isang emergency landing sa single-engine Piper PA-32 matapos itong mag-take off mula sa Punta Cana.
Patungo sana ang eroplano sa Samana Peninsula sakay ang anim na turistang pasahero kung saan ang apat dito’y mula sa Spain at ang dalawa ay sa Britain.
Sinasabi naman na ang piloto ng eroplano ay nagmula sa Dominican Republic.
Inaalam na sa ngayon ng civil aviation officials kung ano ang naging sanhi ng insidente. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment