Tuesday, April 21, 2015

3 bata minolestiya ng 74-anyos na lolo

SASAMPAHAN na ng kaso ang 74-anyos na lolo dahil sa pangmomolestiya sa tatlong bata na anak ng kanyang mga kapitbahay sa isang barangay sa Poblacion area ng Cauayan City.

Nalaman ang pangmomolestiya sa mga batang may edad apat at limang taong gulang nang dumaing sila ng pananakit sa maselang bahagi ng katawan.

Nabatid na malapit lamang ang mga bahay ng mga biktima sa bahay ng suspek kaya’t namamasyal ang mga bata sa tirahan ng matanda.

Ang isa sa tatlong bata ay apo mismo ng matanda.

Kuwento ng isa sa batang biktima na itinago sa pangalang “An-An,” hinihipuan sila ng matanda at ipinapasok ang daliri sa maselang bahagi ng kanilang katawan.

Isinailalim sa pagsusuri ang tatlong bata at may palatandaan na ginalaw ang maselang bahagi ng kanilang katawan.

Ang lolo ay sasampahan ng 3 counts ng acts of lascivousness at rape in relation to Republic Act 8353. MARJORIE DACORO

.. Continue: Remate.ph (source)

3 bata minolestiya ng 74-anyos na lolo

No comments:

Post a Comment