NANG magsanib ang Integrated National Police (INP) at Philippine Constabulary (PC), sobra-sobra ang gasolina, office supplies at equipment at maging ang monthly operational expenses (MOE) ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Halos ipamigay na lang ng mga opisyal at humahawak ng pondo ang kanilang gasolina upang magamit para sa nakatokang buwan.
Pero dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin, lumiit nang lumiit ang supply ng gasolina at office supplies at apektado rin ang (MOE) ng bawat division, unit at section.
Lamang, hindi lang ang pagtaas ng presyo ng bilihin ang dahilan nang pagliit ng budget para sa mga tanggapan ng pulis kundi dahil sa pagtatapyas ng mga dinaraanang opisyal na pumipirma sa alokasyon.
Natural, hindi papayag ang mga dinaanang opisyal na hindi sila malalangisan dahil may mga sasakyan din naman silang ginagamit hindi lang pang-opisina kundi maging sa kanilang mga personal na lakad.
At syempre, imposible namang hindi rin nila bibigyan ang kanilang mga maybahay na pumapasyal sa kanilang mga tanggapan na may mga sarili ring sasakyan.
Kaya naman ang mga nasa ibaba o low ranking cops na rumeresponde sa tawag ng pangangailangan sa kapayapaan at kaayusan ang higit na apektado sapagkat ang sasakyang dapat na gamitin nila sa responde ay walang alokasyon ng gasolina.
Kawawa si Juan dela Cruz na bago matugunan ang pangangailangan ay inaabot ng kanas-kanas dahil itong mga rerespondeng pulis ay mag-aambag-ambag pa para lang makapagpagasolina.
At kawawa rin ang ibang Juan dela Cruz (read as asset o milking cow) na nahihingian ng mga pulis ng suporta para lang makatugon sa tawag ng tungkulin.
Kung patuloy na liliit ang alokasyon ng PNP para sa iba’t ibang unit, division, section at offices, dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin at pagtapyas ng mga opisyal, baka dumating ang panahon na tuluyang mawala ang supply.
Kawawang mga pulis. Pinipilit ng pamahalaan na iangat ang kanilang kalagayan sa pagsasabing unti-unting isinasamoderno ang PNP pero sa totoo lang, napag-iiwanan dahil hindi naman natitigil ang pangungulimbat ng matataas na opisyal.
Dapat sigurong mag-imbestiga ang Senado sa patuloy na pagliit ng alokasyon sa supply at iba pang pangangailangan ng mga pulis sa kanilang pagtupad sa tungkulin upang maiayos ito at huwag tuluyang maglaho.
Kumilos na sana ang pamahalaan bago pa man mahuli ang lahat. Kawawa ang mga mamamayan kapag peace and order ang naapektuhan.
o0o
Belated happy birthday to SPO1 Crisanto Ocampo, of Manila Police District-Homicide Section, who celebrated last December 23. Pasensya na po kung nakalimutan ng lola mo na batiin ka dahil sa dami ng trabaho. PAKUROT/LEA BOTONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment