VILLASIS, PANGASINAN – Personal na nagpunta kaninang tanghali si Vice President Jejomar “Jojo” Binay upang bisitahin ang Villasis na tinaguriang “Vegetable Bowl of Pangasinan.”
Sa kanyang pagbisita, sinalubong siya ng municipal at barangay officials at binigyan si Binay ng public market visitation.
Dinumog ng mga taga-palengke ang bise sa kanyang pagdating at inikot niya ang buong palengke ng nasabing bayan.
Sinabi ni Villasis Vice Mayor Paz S. Rafanan na ang pagbisita ni Binay sa naturang bayan ay malaking tulong sa mga residente nito dahil si Binay ay laking Ilocano.
“Nagagalak kami na ang Villasis ang una niyang pinuntahan sa Pangasinan at dito namin nakita ang kanyang sinsiridad sa ating bayan,” ani Rafanan.
Pagkagaling ng Villasis, pumunta naman sa Urdaneta City ang pangalawang pangulo.
The post Villasis, Pangasinan binisita ni Binay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment