Monday, June 2, 2014

UPDATE: Injured sa sunog dahil sa LPG sa Tondo 42 na

PUMALO na sa 42 ang sugatan sa sumabog na LPG sa Tondo, Maynila.


Sa paunang ulat, 37 lamang ang sugatan na pawang dinala sa iba’t ibang ospital ngunit sa tala ng barangay ay umabot na ito ng mahigit 40 dahil marami sa mga residente ang hindi na nagpadala sa pagamutan dahil sa kawalan ng pera.


Ayon kay Fire Supt. Jaime Ramirez, alas-6:45 kagabi nang sumiklab ang apoy mula sa sumingaw na LPG .


Mabilis na gumapang ang apoy at sinalubong ang mga residenteng pumapasok at lumalabas ng eskinita.


Marami ring batang naglalaro sa lugar ang sugatan.


Ayon naman kay Alfredo Puro, kabibili lamang niya sa tangke ng LPG at nang maamoy na may singaw ay inilabas at dinala patungo sa isang eskinita.


Gayunman, may kapitbahay itong nagluluto dahilan upang sumabog hanggang kumalat ang apoy na ikinadamay din ng ilang kabahayan.


The post UPDATE: Injured sa sunog dahil sa LPG sa Tondo 42 na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Injured sa sunog dahil sa LPG sa Tondo 42 na


No comments:

Post a Comment