Thursday, June 5, 2014

Tropa at Mixers pareho ng pakay

PAREHO ang pakay ng Talk ‘N Text Tropang Texters at defending champions San Mig Super Coffee Mixers na manatili sa unahan ng team standings sa nagaganap na 2014 PLDT Home Telpad PBA Governors’ Cup eliminations.


Nais naman ng Alaska Milk Aces at GlobaPort Batang Pier na bumangon mula sa nalasap na kabiguan sa kanilang huling laro.


Kaya naman paniguradong dikdikan ang labanan mamayang hapon na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.


Magsasalpukan sa 5:45 ng hapon ang Tropang Texters at Batang Pier habang main game ang Mixers at Aces na uumpisahan ng alas otso ng gabi.


May kartang tig 4-1 win-loss ang T’NT at San Mig kasalo nila sa tuktok ang crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings.


Isang malaking kahihiyan ang sinapit ng Aces kontra Rain or Shine Elasto Painters dahil tinambakan sila ng 51 puntos, 72-123.


Hindi naman naitawid sa panalo ng Batang Pier ang laro nila laban sa San Miguel Beermen kahit umabante sila ng 15 puntos sa first half.


Nasa seventh place ang Alaska na may 2-4 card habang pang-walo sa team standings ang batang Pier kapit ang 1-4 record.


The post Tropa at Mixers pareho ng pakay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tropa at Mixers pareho ng pakay


No comments:

Post a Comment