Thursday, June 5, 2014

Shellfish ban sa Masbate at Bataan

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mag-ani, magbenta at kumain ng iba’t ibang uri ng shellfish sa mga lalawigan ng Masbate at Bataan.


Batay sa shellfish bulletin ng BFAR, sinabi ni Director Asis Perez na positibo sa red tide toxins ang nasuring tubig na sumasakop sa mga bayan ng mandaon sa Masbate gayundin sa mga bayan ng Limay, Orion, Mariveles, Pilar, Balanga, Orani, Samal at Abucay sa Bataan.


Dahil dito, inatasan ni Director Perez ang kanilang field units na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para mabigyan ng babala ang kanilang mga residente para hindi mag-ani, magbenta at maiwasang makakain ang kanilang mga nasasakupan


Kabilang sa mga bawal anihin ay ang mga shellfish gaya ng tahong, tulya, talaba at alamang.


Gayunman, iniulat ni Director Perez na ang mga nakukuhang isda, hipon, alimango at alimasag ay ligtas kainin bagamat kailangang malinis at maluto ito nang maigi bago kainin.


The post Shellfish ban sa Masbate at Bataan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Shellfish ban sa Masbate at Bataan


No comments:

Post a Comment