NAPIGIL sa pamamagitan ng temporary restraining order (TRO) ang regulasyon para sa mga doktor na inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ang BIR Revenue Regulation No. 4-2014 na nag-oobliga sa mga doktor na (a) magsumite ng affidavit sa fixed service rates at fees; (b) irehistro ang kanilang appointment books na naglalaman ng pangalan ng mga kliyente, at petsa, oras at beses ng meetings; at (c) mag-isyu ng resibo kahit sa mga pro bono o libreng serbisyo ay pinigil pansamantala ng Korte Suprema.
Ang TRO ay tugon ng SC sa mosyon ng Philippine College of Physicians.
Matatandaang Abril 22, nang unang nagpalabas ng TRO ang SC kaugnay ng naturang regulasyon ng BIR pabor naman sa mga abogado kasunod ng petisyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Naging kontrobersyal ang hindi pagbabayad ng tamang buwis ng ilang self-employed professionals kung saan nagpalabas pa ng shame campaign ang BIR.
The post Regulasyon vs doctors pinigil ng SC appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment