INAPRUBAHAN na ng House committee on Health ang panukalang batas na nagsusulong na lagyan ng nakakadiring litrato ang mga pakete ng sigarilyo.
Ito’y upang mabawasan pa ang bilang ng mga naninigarilyo at ipamulat sa kanila ang masamang epekto nito sa kalusugan.
“While the approved version did not incorporate all the features we originally pushed for, this is still a firm step in the right direction and we are happy that the House Committee on Health was able to reach a consensus on this very important issue,” ayon kay Akbayan Rep. Barry Gutierrez.
Batay sa panukala ni Gutierrez kailangang 85-porsyento ng pakete ang sakop ng litrato na unang kinontra ng mga kompanya ng sigarilyo sa pagsasabing sapat na ang 30-porsyento.
Ngunit nagkasundo ang mga kongresista na gawing 40-porsyento ang laki ng litrato.
The post Nakadidiring litrato sa sigarilyo, inaprubahan na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment