Monday, June 2, 2014

Magsasaka pinugutan ng ulo sa Palawan

HUMIWALAY sa katawan ang ulo ng isang magsasaka nang matagpuan ng kanilang kamag-anak sa masukal na bahagi ng Bgy. Bagong Bayan, Roxas, Palawan.


Ayon kay P/Supt. David Martines, prov’l director ng Palawan PNP, kinilala ang biktima na si Conrado Martinico, 60, residente rin sa lugar.


Lumalabas sa imbestigasyon na huling umalis ng bahay ang biktima noong Mayo 31.


Sa ngayon ay nagpapatuloy pa sa imbestigasyon ang Roxas PNP, upang makilala ang suspek na pumugot sa ulo ng biktima at matukoy ang motibo sa pagpatay.


The post Magsasaka pinugutan ng ulo sa Palawan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magsasaka pinugutan ng ulo sa Palawan


No comments:

Post a Comment