BONGGA ang lovelife ni Eula Caballero dahil pinag-aagawan na ito ng mga hunk actor at ang mapalad na nakabihag daw sa puso ng TV 5 Princess ay ang hunk leader ng Juan Direction na si Daniel Marsh.
Sa taping ng One of The Boys ay todo pag-aasikaso raw si Dans kay Eula. Laging tinatanong ang young actress kung kumain na ito. Very vocal din ang half-Briton na handa niyang ligawan si Eula na dito lang daw sa Pinas nakaugalian.
Nandong tinatanong pa nito mismo kay Eula kung paano ba ang tamang paraan ng panliligaw at handa raw nitong gawin. Kahit halatang kinikilig ang TV 5 Princess ay kaibigan pa rin raw ang nadarama niya kay Daniel. Ayaw daw niya bigyan ng malisya ang lahat ng nangyayari ngayon sa kanila ng half-Briton.
-0-
HINDI inilihim ni Rodjun Cruz na madalas siyang makatanggap ng indecent proposal sa mga bading. Nagsimula raw ito nang rumampa siya sa Cosmo Bash last year at nu’ng lumabas siyang gay lover ni Dennis Trillo sa My Husband Lover.
Ayon kay Rodjun, hindi na lang daw niya iniintindi or dedma na lang sa mga natatanggap na proposal sa pangamba na kapag sinagot pa raw niya ang mga ito ay baka sabihin bastos pa siya or nag-iinarte.
“Minsan kasi nakakagulat ang mga offer nila sa akin. Hindi kapani-paniwala. Kaya dedma na lang ako. Ganyan naman talaga sa showbiz, eh. ‘Yung ibang mga kakilala ko, nakakatanggap din sila at dedma na rin sila,” say ni Rodjun
Nagpapasalamat si Rodjun sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya ng GMA 7, pagkatapos isama siya sa Bekiserye nina Dennis at Tom Rodriquez ay nagkasunod-sunod na ang project niya sa Kapuso Network.
Ngayon ay kasama si Rodjun sa Ang Dalawang Mrs. Real bilang kapatid ni Dingdong Dantes.
The post Eula Caballero pinag-aagawan ng mga hunk actors ng TV 5 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment