BIKTIMA raw nang maling espekulasyon si Krista Miller ayon sa kanyang manager na si Juan Paulo Infante. Ibinase lang daw ang mga maling haka-haka sa CCTV footage kaugnay sa pagdalaw nito sa Metropolitan Hospital sa na-confine na convicted druglord at leader ng Sigue-Sigue Sputnik na si Ricardo Camata, pero hindi naman daw alam ng lahat kung ano ang sadya roon ng starlet na naging kabit daw noon ni Cesar Montano at naging dahilan nang pakikipaghiwalay ng aktres sa mister na aktor.
Hindi naman daw basta na lang dumalaw si Krista kay Camata. Magkakilala na raw ang dalawa noon pa dahil naging guest performer ito ng Flower Festival event last May sa New Bilibid Prison.
“Kilala raw nila si Krista dahil naging guest daw ‘yan one time sa Mayflower Festival sa Bilibid. Inimbitahan ni Camata. Even then, kilala na, hindi pa rin dapat pinayagan na bumisita ‘yan,” ayon kay Under DoJ undersecretary Francisco Baraan.
Napakabilis naman yata ng development ng friendship nina Miller at Camata. Nagkakilala lang sa isang event sa kulungan friend na agad at dinalaw na sa ospital? Paano raw na-develop ang dalawa? Baka raw naging textmate ang mga ito, at naging regular visitor na ang hitad sa kulungan pa lang. Bawal kasi ang cellphone sa loob, kapag ito ang ginawa nilang dahilan, yari sila kay Secretary Leila de Lima ng Department of Justice. Matinding pinagbabawal sa NBP at sa lahat ng mga karsel ang paggamit ng cellphone.
Anyway, sa presscon na ipinatawag nina Krista at ng kanyang manager, kaya raw nandoon sa kuwarto ni Camata ng una dahil nagbebenta raw ito ng lupa dahil nasa real state business daw ang nasabing starlet. Sabagay, hindi nga naman niya puwedeng puntahan ito sa Bilibid at makipagtransaksyon. Kaya kitakits na lang sila sa room ng ospital.
***
TINIG NI BANIG SA KAPUSO MO JESSICA SOHO AT BABY EKHAM SA IMBESTIGADOR
KAMUSTAHIN ang dating singing sensation na si Banig, silipin ang kuwento ng mga “tunay” na Dalawang Mrs. Real, at tunghayan ang naging kapalaran ng sanggol na si Baby Ekham sa back-to-back episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Imbestigador ngayong Linggo sa GMA 7.
Bago pa nakilala sa international music scene sina Charice at iba pang mga Pilipinong mang-aawit na tinampok sa Ellen, nauna nang gumawa ng pangalan sa Amerika noong dekada 80 si Josephine “Banig” Roberto. Kukumustahin ng KMJS ang Pinoy singing champion.
Samantala, sentro ng soap operang Ang Dalawang Mrs. Real ang pagpapakasal ng lalaki sa dalawang babae. Ngayong Linggo, magsasalita na ang mga misis na may kasalo sa atensyon at pagmamahal ng kanilang pinakasalan.
Sa pelikulang Maleficient naman, hindi lang ang pouting lips ni Angelina Jolie ang agaw eksena, pati na rin ang kanyang prominenteng cheekbone nang ginampanan niyang karakter. Paano kaya ito ma-a-achieve? At anu-ano nga ba ang mga makabagong pamamaraan ngayon para sa mga gustong magparetoke ng kanilang pisngi?
Tampok din ngayong Linggo sa KMJS ang mga exotic na pagkain sa iba’t ibang probinsya ng Pilipinas, ang popular na dance video game na Just Dance, ang mga kabayanihan ng mga alagang hayop, at ang nagdurugong imahe ni Kristo sa Arevalo, Iloilo City.
Pagkatapos ng KMJS, tunghayan ang kuwento ni “Baby Ekham” sa Imbestigador kasama ang batikang mamamahayag na si Mike Enriquez.
Inihabilin ng inang si Daisire ang kanyang 2-taon-gulang na anak na si Ekham sa kanyang kapatid na si Donna para mamalengke. Pero hindi paman siya nakakalayo, nakatanggap na siya ng tawag na nagsasabi na nawawala ang kanyang anak.
Halos buong araw na hinanap nina Daisire si Baby Ekham bago siya nakatanggap ng text mula sa di kilalang numero na dinukot ang bata at hindi daw ibabalik ang bata kapag hindi nagbigay ng kalahating milyon na ransom. Naibigay ang ransom na bumaba sa limampung libong piso at naibalik naman ang bata pero wala na itong buhay.
Sa ginawang operasyon ng mga otoridad, nadakip ang taong kumuha ng ransom na katiwala sa apartment na tinutuluyan nina Daisire. Ibinunyag ng suspek na ang mastermind sa krimen ay si Donna, ang nakatatandang kapatid ni Daisire.
Mula sa pagganap ng mga Kapuso star na sina Gwen Zamora, JC Tiuseco, Chariz Solomon, Vaness del Moral at Kiko Matos, alamin ang misteryong bumabalot sa sa pagdukot at pagpatay sa batang si Ekham. May katotohanan kaya ang pasabog ng suspek na may kinalaman rin ang tiyahin ng biktima?
Huwag palampasin ang double treat ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Imbestigador ngayong Linggo pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa GMA 7.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Ang bilis ng development ng friendship appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment