PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice ng tax evasion ang anak ni dating Chief Justice Renato Corona na si Carla Castillo.
Batay sa 16-pahinang resolusyon na pirmado ni Prosecutor General Claro Arellano, may probable cause para isampa sa korte ang tax evasion laban kay Castillo.
Ayon sa DoJ, P228, 040 ang idineklarang income ni Carla noong 2008 at 2009.
Pero noong 2010 ay nakabili siya ng property sa La Vista, Quezon City na nagkakahalaga ng P18 million.
Kumbinsido ang DoJ na sinadya ni Carla na umiwas sa pagbabayad ng buwis noong 2010 makaraang mabigo na maghain ng kanyang ITR para sa nabanggit na taon.
Kasong paglabag sa Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code ang ipinasasampa ng DoJ laban kay Carla.
Ayon sa BIR, aabot sa P9.93 million ang kabuuang tax liability ni Carla.
The post Anak ni Corona pinakakasuhan na ng DoJ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment