Sunday, March 23, 2014

Barbosa bumabanat sa India

SUMAMPA sa pang-apat na puwesto si Pinoy GM Oliver Barbosa matapos magtala ng isang panalo at draw sa nagaganap na 19th International Open Grandmaster Chess Tournament 2014 sa India kagabi.


Nakatambay sa pang-anim na puwesto si No. 11 seed Barbosa (elo 2564) matapos ang round 4 subalit umangat ang kanyang posisyon ng manalo siya sa fifth round at makatabla sa sixth round.


Pinisak ni ranked No. 3 sa Philippine chess Barbosa si GM R.R. Laxman (elo 2454) ng India matapos ang 18 moves ng reti opening sa round five.

Sa round six natablahan ni Barbosa ang nangungunang si GM Abhijit Kunte, (2439) ng host country upang ilista ng una ang 4.5 points sa event na ipinatutupad ang 10 rounds swiss system.


Umabot lang sa 25 sulungan ng Slav ang labanan nina Barosa at No. 28 seed Kunte.


“Medyo gumaganda ‘yung posisyon ko at sana suwertihin ako para mag champion ako.” saad ni Barbosa.


Masusubukan sa round 7 ang tikas ni Barbosa dahil makakaharap nito si No. 6 seed at super GM Levan Pantsulaia (elo 2606) ng Georgia.


“Mabigat “yung susunod na makakalaban ko, pero gagawin natin ang lahat para manalo.” ani Barbosa. ” Maganda rin kahit tabla tapos sa last three rounds eh puntiryahin natin ‘yung panalo.”


Kasama ni Kunte sa top spot ang kababayan niyang si super GM Gujrathi Santosh Vidit (elo 2602) na kapit ang parehong 5 pts.


Pinagpag ni No. 7 ranked Vidit si GM Al-Rakib Abdula (elo 2518) ng Bangladesh.

Bukod kay Barbosa, may 4.5 puntos din sina GMs Chakkravarthy Deepan (elo 2496) ng India at Ziaur Rahman (elo 2486) ng Bangladesh.


Samantala, magkikita sa top board sina Kunte at Vidit para pag-agawan ang solo first place.


Patuloy ang pangungupete ni top seed Nigel Short (elo 2674) ng England nakalikom pa lang ito ng 3.5 pts.


Natablahan si Short ni IM Mishra Swayams (elo 2445) ng India matapos ang 56 moves ng Queen’s Indian.


The post Barbosa bumabanat sa India appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Barbosa bumabanat sa India


No comments:

Post a Comment