Tuesday, September 30, 2014

OFW registration, aarangkada na ngayong araw

AARANGKADA na ngayong araw ang Comelec overseas registration center para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).


Ayon sa poll body, bahagi ito ng kanilang kampanya para makalahok sa halalan ang maraming Pinoy workers sa ibang mga bansa, maging ang mga narito sa Pilipinas ngunit muling aalis sa panahon ng halalan.


Gagawin ang pagpapasinaya ng OFW registration program sa OWWA Intramuros Office sa Maynila.


Inaasahang dadalo sa event sina Vice-President Jejomar Binay, Comelec Chairman Sixto Brillantes, Comm. Lucenito Tagle at DFA Usec. Rafael Seguis. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



OFW registration, aarangkada na ngayong araw


1.2M OSY, target tulungan ng DepEd sa 2016

PINUPUNTIRYAna ng Department of Education (DepEd) ang 1.2-milyong out of school youth sa bansa para tulungan sa susunod 2016.


Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, balak nilang magkaroon ng Zero-OSY ang bansa sa susunod na dalawang taon.


Dahil dito, inilunsad ng DepEd at National Youth Commission (NYC) ang Abot-Alam program sa buong bansa.


Layunin umano ng programa na matukoy ang lahat ng OSY sa bansa at mai-enroll ang mga ito sa program intervention sa edukasyon, pagnenegosyo at trabaho depende sa kakayahan ng mga kabataang may edad na 15 – 30-anyos.


Sa ngayon, nasa 76,000 na ang naka-enroll sa Alternative Learning System (ALS) program, Alternative Delivery Mode (ADM), at kasalukuyang sumasailalim na sa skills training, o ‘di kaya’y nabigyan na ng trabaho. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



1.2M OSY, target tulungan ng DepEd sa 2016


Lumang sasakyan, ipinababasura na sa trapik at polusyon

IMINUNGKAHI ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagbawal at alisin na sa lansangan ang mga lumang sasakyan para mabawasan ang problema sa matinding traffic sa Metro Manila.


Ayon kay DENR Secretary Ramon Paje, dapat nang ituloy ng pamahalaan ang pagbsura sa mga sasakyang mahigit 15 taon nang ginamit at nag-uugat ng mating polusyon dahil sa usok na ibinubuga nito.


Sinabi ni Paje na sa mga passenger vehicles, ang taxi units at AUVs lang ang may phase out ngunit nagagamit pa rin ang mga ito sa kalsada dahil inire-register naman ito bilang private vehicles.


Dahil dito, kailangan na umanong maghigpit ang pamahalaan para mabigyan na ng solusyon ang dalawang pangunahing problema sa Metro Manila dahil sa mga lumang sasakyan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lumang sasakyan, ipinababasura na sa trapik at polusyon


Unang Ebola case sa US, nilulunasan na

NILALAPATAN na ng lunas ang kauna-unahang pasyente sa Estados Unidos na nagpositibo sa Ebola virus.


Ayon sa Federal health officials, ginagamot na sa isang Dallas hospital ang hindi pinangalanang biktima.


Una rito, mismong ang Centers for Disease Control ang nag-anunsyo ng impormasyon ukol sa first Ebola case na na-diagnosed sa Amerika.


Sa ngayon ay nasa isolation room umano ang pasyente kaya hindi ito makahahawa.


Dahil sa panganib ng Ebola, todo-higpit ang mga opisyal ng CDC sa mga patakaran para sa mga tauhan ng ospital. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Unang Ebola case sa US, nilulunasan na


Sahod ng OFWs sa Hong Kong, tumaas pa rin

PINATOTOHANAN ng isang OFW sa Hong Kong na tumaas nang bahagya ang sweldo ng mga domestic helpers sa kabila ng umiinit na tensyon dahil sa isinasagawang protesta ng mga estudyante sa lugar kontra sa China.


Ayon kay Elva delos Santos, tubong Nagsangalan, Vigan City, Ilocos Sur, mula sa HKD 4010 ay itinaas ng Hong Kong government ang sahod ng mga Pinoy sa HKD 4110 na katumbas ng Php 23,802.65 kada buwan.


Magandang balita ito sa mga Pinoy sapagkat malaking tulong ito sa kanila.


Samantala, sinabi nitong payapa naman ang nagaganap na rally dahil pawang mga estudyante ang mga raliyista, tulad ng pagsali ng dalawa nitong anak na 20-anyos at 18-anyos at dahil sa peaceful rally naman ito’y hindi siya nababahala sa pagsali ng kanyang mga anak.


Una rito, sa naging panayam ng himpilan kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose, tiniyak nitong ligtas halos 185,000 OFWs doon.


Magugunitang noong nakaraang Sabado nagsimula ang rally sa kagustuhan ng mga demonstrador na makamit ang inaasam na kalayaan mula sa pamamahala ng China. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Sahod ng OFWs sa Hong Kong, tumaas pa rin


Phelps, arestado sa pagmamaneho nang lasing

ARESTADO ang Olympic swimming champion na si Michael Phelps matapos maaktuhang nagmamaneho nang lasing.


Sa ulat, hinabol ng awtoridad si Phelps nang makitang lagpas sa speed limit ang pagpapatakbo nito ng sasakyan sa Fort McHenry Tunnel sa Baltimore.


Sinabi ng Maryland Transportation Authority, bandang ala-1:40 ng madaling-araw nang maaktuhan ang Olympic swimmer sa bilis na 135 kph sa loob ng 72 kph zone.


Agad na isinailalim si Phelps sa booking process ngunit pinakawalan din.


Ang Olympic star ay matatandaang gumawa ng kasaysayan sa larangan ng palakasan matapos mabigyan ng 22 medals sa pandaigdigang palaro. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Phelps, arestado sa pagmamaneho nang lasing


Kelot dakip sa tangkang panghahalay sa Quezon

NANGINGINIG pa sa takot ang isang dalagitang muntik magahasa at pinagbantaang papatayin ng isang lalaki sa Tagkawayan, Quezon.


Sa imbestigasyon ng pulisya, naliligo umano ang 15-anyos na biktimang ‘di napangalanan nang biglang pumasok ang suspek at hinila ito.


Pinagyayakap at pinaghahalikan umano ng 37-anyos na suspek ang biktima subalit nakatakas ito.


Sinundan ng suspek ang biktima at binantaang papatayin kapag nagsumbong sa awtoridad.


Kahit binantaan, nagsumbong pa rin ang biktima dahilan para agad na maaresto ang suspek.


Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek at sinampahan na ng kasong rape. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot dakip sa tangkang panghahalay sa Quezon


3 patay sa pamamaril sa Gumaca, Quezon

INAALAM na ng Gumaca Police sa lalawigan ng Quezon ang nangyaring pamamaril na ikinasawi ng tatlong katao sa Bgy. San Vicente ng nasabing bayan.


Sinabi ni Gumaca police chief Romulo Albacea, kasama sa mga nasawi ang dalawang sundalo at isang ginang.


Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagkakasiyahan ang mga biktima nang dumating ang mga suspek at biglang pinaputukan ang mga ito, bandang alas-7:30 kagabi.


Naniniwala ang pulisya na hindi bababa sa dalawa katao ang namaril dahil sa dami ng nakitang tama sa mga biktima.


Sa ngayon ay hindi pa rin matukoy kung saan tumakbo ang mga salarin matapos ang krimen. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



3 patay sa pamamaril sa Gumaca, Quezon


PAMAHALAAN: TOTOONG LUNGGA NG MGA KAWATAN

PULIS ang sentro ng kontrobersya sa korapsyon sa ngayon at hindi ang mga politiko.


At ang pinuno pa mismo ang isinasangkot…si PNP chief Director General Alan Purisima.


Tatlong kasong pandarambong ang ngayo’y hinaharap nito sa Ombudsman.


Bukod ito sa Senate investigation in aid of legislation sa halos parehong usaping na sa Ombudsman na sa pamamagitan ng mga nasabing kasong pandarambong.


ANG MGA KASO


Ang isang kaso ay nag-ugat sa kaduda-dudang paggawa ng P11-25-milyon na White House sa loob ng Camp Crame na puro mga kontraktor daw ng PNP ang nagpatayo.


Iba naman ang kasong nag-ugat sa malaking poultry at manggahan ni Purisima at isinaman na rin ang pagpapagawa nito ng White House.


Pangatlong kaso ang pagkakaroon umano nito ng mansyon sa San Leonardo, Nueva Ecija.


Palatandaan umano ang lahat ng ito ng sobra-sobrang yaman na hindi tugma sa kita ng heneral


MAY SAGOT


May sagot naman ang maginoo at ayaw mag-resign o lumiban muna sa puwesto na Heneral.


Sinabi nitong pinaghirapan niya at ng kanyang misis at pamilya ang lahat ng kanilang ipinundar at hindi galing sa nakaw o anomang kailigalan.


Mahigit P1-milyon ang taon-taong kita umano ni heneral at malaki rin ang kita ng kanyang asawa.


Nakapagpundar na rin umano sila ng ilang negosyo gaya ng trucking na doon din sila kumikita.


Wala naman umanong ginastos ang pamahalaan sa pagpapagawa sa White House.


At kulang na lang na sabihin nitong dapat na magpasalamat ang gobyerno rito.


Kaya nga hindi dumaan sa pasubasta ang paggawa ng White House na dating niyari ng Ondoy sa baha pero ngayon ay hindi na lulubog pa.


MALIIT, PALIIT


Kung ihahambing ang mga kontrobersya rito sa mga kontrobersya sa Senado at Kamara, mga Bro, sisiw ang kay Purisima.


Sa Senado kasi, mga Bro, may kumorner ng P1-bilyong Disbursement Acceleration Program pero hindi dinadale ng Ombudsman.


Ang mga may daang milyong pisong DAP at Priority Development Assistance Fund lang ang dinadale.


At lalong sisiw ang P2-milyong kinatkong ng mga Quezon City police na napiktyuran sa EDSA.


ANG PAGKAKAIBA


Sa kaso ni Purisima, sinabi niyang hindi siya magre-resign o liliban sa puwesto dahil pawang mga nasagasaan niya sa reporma ang nagmamaniobra laban sa kanya.


At waepek ang panawagan maging ng mga senador at iba pa na lumiban o magbitiw na lang siya sa tungkulin dahil maaaring hindi na siya epektibo na bosing sa kapulisan dahil sa naglabasang mga masasamang balita sa Senado at sa Ombudsman.


Makaraang mapiktyuran naman ang mga bata ni General Richard Albano sa EDSA hulidap, sibak kaagad sila.


At walang lugar ang anomang rason para sa hindi nila pagbibitiw o pagliban.


Ganito rin sa Senado. Ang mga nasa oposisyon lang ang sinisibak at nananatili sa puwesto at magandang kalagayan ang mayorya.


GENERAL, ANYARE?


Ano na ang nangyayari sa ating bayan, heneral, este, senador?


Maka-administrasyon at oposisyon, batang Malakanyang at kontra-Malakanyang ay kapwa lumalabas na mga korap o mandarambong.


Mahihilig din sila sa mga suhol at pagsuhol.


Nawawalan ng saysay ang Tuwid na Daan.


Lalo na’t inaabogado ng Malakanyang ang mga nasasangkot sa korapsyon at pandarambong na mga batang Malakanyang at mga kaalyado nito habang itinuturing na mga asong ulol ang mga nasa oposisyon o hindi sunod-sunoran ng Malakanyang.


SAAN TAYO PATUTUNGO


Habang nagaganap ang lahat ng ito, nagdududa na talaga ang mga mamamayan kung ano-ano ang mga pinaggagawa ng mga opisyal sa pamahalaan.


Lumalabas kasi ang katotohanan sa paniniwalang ang pamahalaan ay lungga ng mga magnanakaw.


Ginagamit lang ang pamahalaan ng mga taong gustong magpayaman sa pwesto at hindi para sa serbisyo publiko.


At walang pagbabago mula noon hanggang ngayong sinasabing nasa Tuwid na Daan na tayo.


Kung pawang mga kawatan ang mga bosing ng Pilipinas, saan nga tayo pupuntan bilang bansa?


Magiging magnanakaw rin ang mga mamamayan?


Babagsak mismo ang gobyerno na sentro ng nakawan at lungga ng mga magnanakaw?


Anak ng pitong putakte, sa bangin na tayo pupunta niyan.


NAWAWALAN NG SAYSAY


Tila nawawalan ng saysay ang magagandang balita ng Pangulo na nagsimula nang maging maganda ang dinaraanan ng mahal kong Pinas tungo sa pag-unlad at pagbabago.


At ang isa sa mga dahilan dito ay ang pagtatanggol sa mga lumalabas na bulok na itlog sa pamahalaang nasa Tuwid na Daan.


Ginagawang anghel ang mga demonyo Matuwid na Daan.


At habang ginagawa ito, pinagmumukhang guilty na sa anomang bintang ang mga hindi nila kaalyado.


Ang paglapastangan sa katarungan at hindi patas na pagtrato sa lahat ay walang puwang at isinusuka ng mga mamamayan.


Tila nagsisimula nang muling mabuhay at mag-iingay ang mga lansangan.


Kung hindi naman, guguho at guguho ang pamahalaan dahil inakyat na ito ng mga anay.


O kung bakal ang turing sa pamahalaan, kinapitan na ito ng matinding kalawang na siyang sisira mismo sa kabuuan nito.


Kay pait na ending.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


.. Continue: Remate.ph (source)



PAMAHALAAN: TOTOONG LUNGGA NG MGA KAWATAN


ALBANO SA NCRPO AT MGA REAKSYON

NASORPRESA ako sa dami ng text, tawag at mga biro sa sinulat kong kolum tungkol kay Quezon City Police District (QCPD) District Director RICHARD ALBANO kamakailan lang.


Mismong hanay ng mga kabaro ko sa media ay nagtaasan ang kilay. Maraming biro.


Ateng, mukhang ikaw na ang PR (public relations) ni DD ah, na ang kasunod ay, “magkano ang kontrata mo? Hahahahaha!


‘Yung mga suki naman ng LILYs FILES ay nag-text na sa ngayon daw sila sa isinulat kong “NCRPO NEEDS AN ALBANO” dahil alam daw nila ang laman ng balita sa PNP kontra krimen na ginagawa ng QCPD. May nagsabi pa na mga taga-Quezon City na feeling well secured daw sila ngayon dahil marami silang nakikitang pulis sa mga kalye


Hindi rin maitatago kasi ang naglalabasan na posts sa Facebook at sa Twitter na mga pagbati na may pasasalamat kay DD Albano, mula sa iba’t ibang sector hindi lang sa Kyusi kundi sa labas ng kanyang distrito.


Totoo naman kasi ang mga balita tungkol sa mabilis na pagresolba ng tropang pulis sa buong pwersa ng QCPD sa ilalim ni Tsamba Chief Albano.


Sa kabila ng kanilang magkakasunod na tagumpay kontra krimen, hindi mo sila makikitaan ng yabang sa ulo at pagkatao.


Kaya mismo kami na ilang Kuyang at Ateng sa media ay binansagan siya, sampu ng kanyang mga tauhan bilang Da Best ng PNP, QCPD TSAMBA TEAM!


Huwag sanang magtampo sa akin ang matagal na nating mga kaibigan na mga pulis, lalo na ang mga opisyal, kung pinupuri ko itong si Gen. Albano. Nagsasabi lang ako ng totoo dahil ito ang nakikita ko sa araw-araw na ako ay nasa Kampo Karingal.


Malalim mag-isip si General Albano at isa na rito ay ang kanyang proyektong pagsusuot ng “numbered vest” sa lahat ng mga may motorsiklo dahil sa tila paghahari ng motorcycle riding criminals sa buong bansa.


Umani ito ng papuri kasunod ang mga batikos. May nagrali pa kontra sa kanyang ideyang iyan.


Eh, araw-araw, may biktima ang “riding-in-tandem criminals,” hindi ba? Bakit nga ba ayaw ipatupad ng pambansang pulisya ito?


Kilo-kilo rin ang nalalambat ng tsamba team sa iligal na droga, mga pusakal na kriminal ay nadarakip nila sa maikling panahon, ang mga big time na carjacker, shoot na.


Hanggang ngayon, tuloy ang Oplan Lambat nila na ipinatutupad sa buong bansa.


Hindi ako nagbibiro sa rekomendasyon ko na kailangan ng PNP ang serbisyo ni Gen. Albano sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil tiyak na malaki ang magagawa niya sa pagsugpo ng kriminalidad sa Kalakhang Maynila.


Kesehodang mapagbintangan ako na PR niya, ang mahalaga sa akin ay nagtatrabaho ng tama at epektibo bilang isang lider itong si Gen. Albano.


At katulad din ng nabanggit ko sa una kung column, dito na ako inugat sa Quezon City bilang isang media practitioner na ang major beat ko ay pampulisya.


Parang PR na nga yata ako nitong si Gen. Albano, ah. LILY’S FILES/LILY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



ALBANO SA NCRPO AT MGA REAKSYON


KOMITMENT NI PNOY vs ISIS?

KUNG ang bahay mo ay hindi mo maayos at gawing mapayapa, lalahok ka pa ba sa away ng kapitbahay?


Tanong natin ito kay Don Benigno Aquino 3rd noong nasa Amerika siya at nangako na tutulong ang Pilipinas sa pagsugpo ng rebelyon ng ISIS (Islamic State) sa Gitnang Silangan!


Papayag tayo na gawin niya iyon, magpadala ng sundalong Filipino pero siya at ang kanyang mga kabarilan ang dapat na nasa frontline. Yes, siya ang ground commander sa Syria, Iraq o Lebanon pa.


Mag-isip ka naman, Don PNoy. Bago ang iba, unahin mo muna ang pag-aayos at paglilinis sa sarili mong bahay at komunidad. Tama na ang namumutiktik na kayabangan mo sa iyong katawan.


Pilit na pinaliit ng iyong mga “aso” sa Malacañang ang gastos mo sa iyong biyahe pero kahit gaano kaliit, malaking halaga iyon para sa mga naghihintay na kababayan natin sa iyong tulong – mga biktima ng bagyo’t ibang uri ng kalamidad.


Pilit mo ring pinaniniwala ang ibang bansa na mala-rosas na ang ekonomiya ng bansa dahil sa husay mong mamahala. Pero bakit tuwing masusubsob ka, bigla mong sinisisi ang iba? Hindi ka ba nahihiya, Mr. Aquino?


Kung ang pinagsanib na pwersa ng NATO at Supreme Allies ay hindi umubra sa mga puwersa ng Al Qaeda, Jemaayah Islamiya at ngayon ay ISIS, ikaw pa ang magsusubo sa mga sundalo natin?


Siguro naman alam mo na ang totoo na ang ISIS ay likha ng Central Intelligence Agency (CIA) ng America. O kaya ay napanood mo ang maraming video ng ISIS, aba, ang mga kumander nila ay may mga tattoo na US Navy, Army, Seals at Marines. Hindi ba malaking ebidensya iyan?


Hindi masama na bawiin mo ang iyong komitment sa America. Ganyan din ang ginawa ng CIA sa atin noon na ahente pa nila ang tatay mo sa buong Asya. Binuo ang Jabidah Team noon para bawiin ang Borneo (Sabah ngayon). Ano ginawa ng tatay mo?


Ibinulgar, pinatay lahat ang trainees.


Binuo ng CIA ang Abu Sayyaf pero pinabayaan, naging bandido. Sa totoo, ang CIA ang nagbuo ng grupong Islamic warriors para bumuo kuno ng Islamic State. Kailangan ng America at kaalyado nila ang giyera para maibenta ang kanilang gamit panggiyera.


Gusto ng Supreme Allies na pagharian ang mundo!


Mabuti pa, maglinis ka muna ng iyong sariling bahay. Sobra na ang dumi at baho sa loob at labas ng iyong bakuran. Ibasura mo na sina Butch Abad, Jun Abaya, Procy Alacala, at iba pa na walang itinutulong sa iyo kundi puro kahihiyan lamang! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



KOMITMENT NI PNOY vs ISIS?


USUAL!

PALAGIAN nating sinasabi na magandang kaibigan at kakampi itong si PNoy dahil grabe itong magmahal ng kasangga.


Ito ang nakikita ng taumbayan dahil sa halip na imbestigahan niya si DBM Sec. Butch Abad ay kaagad niya itong inabswelto sa DAP.


Maging ang pinuno ng Senado na si Franklin Drilon ay kaagad niyang nilinis ang pangalan tungkol sa bilyong DAP na nakuha nito na pinampatayo rin ng kwestyunableng Iloilo Convention Center na kung saan ang kontraktor din ni VP Jojo Binay ang gumawa.


Ang pinaka-latest na pag-aabogado ng anak ni Tita Cory ay kanyang ginawa kina PNP boss Director General Alan Purisima at DOTC Sec. Jun Abaya na parehas na nasasangkot sa kwestyunableng ari-arian at transakyon sa kanilang pinamamahalaang opisina.


Sa halip na ipag-utos muna ang imbestigasyon o bumuo ng fact finding committee na kanyang ginagawa sa kanyang mga kalaban sa politika ay kaagad itong inaabswelto ni PNoy gayung malinaw sa larawan at videos na nakunan ng isang TV network ang sangkatutak na ari-arian ni Purisima na tiyak nating aabot sa daang milyong piso o bilyong piso pa ang halaga.


Hindi rin kinakitaan si PNoy ng pangil kay Abaya na sinasabi ng Ombudsman na kailangang magpaliwanag ukol sa nilagdaan nitong kontrata noong Oktubre, 2012 na umabot sa $1.15M kada buwan ang ini-award nito sa PH Trams-CB & T para sa buwanang maitenance ng MRT ngunit araw-araw na lang na dumaranas ng pagkasira.


Mahirap ding pasubalian ang initial findings ng Ombudsman na walang bidding na naganap sa naturang transaksyon gayong napakalaki ng halaga nito at lalo silang maiipit dahil nakita rin ng naturang watchdog na ang isa sa opisyales ng PH Trans na si Arturo Soriano ay tiyuhin ng asawa ni Al Vitangcol, dating boss ng MRT at kasama ni Abaya sa kaso.


Kitang-kita sa mga sitwasyon ang katangian ni PNoy at iyan ang dapat sigurong baguhin ng Pangulo dahil bilang pinuno ng estado ay sa kanya umaasa ang mamamayan nang maayos at tapat na paglilingkod.


Tuwid na daan ang kanyang ipinangako noon at ngayon pero sa ating nakikita ay mukhang ang tuwid na daang ito ang magpapabagsak sa kanya dahil sa halip na sibakin o pagpahingahin muna niya ang kanyang mga tauhang kaibigan at kapartido ay siya pa ang kaagad na nag-aabswelto rito gayung hindi pa niya nga ito pinaiimbestigahan.


O0O

Santambak na ang humihiling ng resignation ni PNP boss Alan Purisima.


Nariyan ang panawagan nina Speaker Sonny Belmote, pinuno ng Kamara at dating senador Ping Lacson.


Maging si Senadora Grace Poe ay pinagpapahinga na rin si Purisima dahil matibay naman daw ang ebidensya laban dito.


Dito masusukat ang tibay ng mukha ni Purisima sa naturang isyu dahil kung talagang mahal niya ang PNP at si PNoy na kanyang amo ay agad na siyang magretiro dahil nagiging dahilan pa siya ng pagbagsak ng liderato ng pulisya at kredibilidad ng Pangulo. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


.. Continue: Remate.ph (source)



USUAL!


KAWATAN MAGPIPIYESTA

MAY mga kumpanya na ng kuryente na nag-iisip na ibaon na lang nila ang kanilang mga kable o kawad sa lupa para hindi nila problemahin ang pagtatayo ng mga poste ng kuryente na nasisira o natutumba na lang tuwing may malakas na bagyo.


Maiiwasan din umano ang palagiang blackout o brownout sa mga oras ng bagyo, buhawi, storm surge, baha, at kung ano-ano pang mapanira sa mga gamit na pangkuryente.


Maganda ang naiisip ng mga kumpanya.


Pabor naman talaga sa mga mamamayan ang pagkakaroon lagi ng kuryente.


Aba, mahirap, parekoy, sa kasalukuyan ang mawalan ng kuryente na isang araw, isang linggo at isang buwan dahil lang sa mga mapanirang kalikasan.


Hindi ka makapag-facebook at kung ano-ano pa.


Hindi ka makagamit ng computer sa iyong pag-aaral.


Mahirap ding imadyinin kung malobat ang cellphone at nagkaton na may brownout at blackout.


Wala ring mailalabas na produkto ang mga pabrika.


At ang traffic ng sasakyan, lalong magkabuhol-buhol nang walang traffic light.


Wala ring tatakbo na MRT at LRT kahit pa palpak ang operasyon ng mga ito.


Ang dami talagang perwisyong dulot ng mga kawad ng kuryente na nakasabit sa mga posteng nasisira dahil sa masamang kalikasan.


Kaya lang, wala namang nakatitiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente kung nakabaon ang mga ito sa lupa.


Naiisip natin, parekoy, na magpipiyesta ang mga king-inang magnanakaw ng kawad ng kuryente.


Hindi nga sila takot na mangalkal ng kalilibing lang na tao na alam nilang may pabaon, sa pagnanakaw pa ng kawad ng kuryente!


Naiimadyin natin ang mga tirador ng kawad ng kuryente.


Makaraang nakawin ang mga kawad, sinusunog ang mga ito para makuha lang ang mga bronse, alambre, stainless steel, copper, at iba pang katulad na parte ng mga kawad ng kuryente.


Pabor na pabor sa mga kawatan ang nakabaon sa lupa na kawad dahil mas madaling magbungkal ng lupa kaysa umakyat sa mga poste para lang magnakaw.


Ngayon, itutuloy kaya ang pagbabaon ng kawad ng kuryente?


Tingnan natin. BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



KAWATAN MAGPIPIYESTA


PAMAHALAAN: TOTOONG LUNGGA NG MGA KAWATAN

PULIS ang sentro ng kontrobersya sa korapsyon sa ngayon at hindi ang mga politiko.


At ang pinuno pa mismo ang isinasangkot…si PNP chief Director General Alan Purisima.


Tatlong kasong pandarambong ang ngayo’y hinaharap nito sa Ombudsman.


Bukod ito sa Senate investigation in aid of legislation sa halos parehong usaping na sa Ombudsman na sa pamamagitan ng mga nasabing kasong pandarambong.


ANG MGA KASO


Ang isang kaso ay nag-ugat sa kaduda-dudang paggawa ng P11-25-milyon na White House sa loob ng Camp Crame na puro mga kontraktor daw ng PNP ang nagpatayo.


Iba naman ang kasong nag-ugat sa malaking poultry at manggahan ni Purisima at isinaman na rin ang pagpapagawa nito ng White House.


Pangatlong kaso ang pagkakaroon umano nito ng mansyon sa San Leonardo, Nueva Ecija.


Palatandaan umano ang lahat ng ito ng sobra-sobrang yaman na hindi tugma sa kita ng heneral


MAY SAGOT


May sagot naman ang maginoo at ayaw mag-resign o lumiban muna sa puwesto na Heneral.


Sinabi nitong pinaghirapan niya at ng kanyang misis at pamilya ang lahat ng kanilang ipinundar at hindi galing sa nakaw o anomang kailigalan.


Mahigit P1-milyon ang taon-taong kita umano ni heneral at malaki rin ang kita ng kanyang asawa.


Nakapagpundar na rin umano sila ng ilang negosyo gaya ng trucking na doon din sila kumikita.


Wala naman umanong ginastos ang pamahalaan sa pagpapagawa sa White House.


At kulang na lang na sabihin nitong dapat na magpasalamat ang gobyerno rito.


Kaya nga hindi dumaan sa pasubasta ang paggawa ng White House na dating niyari ng Ondoy sa baha pero ngayon ay hindi na lulubog pa.


MALIIT, PALIIT


Kung ihahambing ang mga kontrobersya rito sa mga kontrobersya sa Senado at Kamara, mga Bro, sisiw ang kay Purisima.


Sa Senado kasi, mga Bro, may kumorner ng P1-bilyong Disbursement Acceleration Program pero hindi dinadale ng Ombudsman.


Ang mga may daang milyong pisong DAP at Priority Development Assistance Fund lang ang dinadale.


At lalong sisiw ang P2-milyong kinatkong ng mga Quezon City police na napiktyuran sa EDSA.


ANG PAGKAKAIBA


Sa kaso ni Purisima, sinabi niyang hindi siya magre-resign o liliban sa puwesto dahil pawang mga nasagasaan niya sa reporma ang nagmamaniobra laban sa kanya.


At waepek ang panawagan maging ng mga senador at iba pa na lumiban o magbitiw na lang siya sa tungkulin dahil maaaring hindi na siya epektibo na bosing sa kapulisan dahil sa naglabasang mga masasamang balita sa Senado at sa Ombudsman.


Makaraang mapiktyuran naman ang mga bata ni General Richard Albano sa EDSA hulidap, sibak kaagad sila.


At walang lugar ang anomang rason para sa hindi nila pagbibitiw o pagliban.


Ganito rin sa Senado. Ang mga nasa oposisyon lang ang sinisibak at nananatili sa puwesto at magandang kalagayan ang mayorya.


GENERAL, ANYARE?


Ano na ang nangyayari sa ating bayan, heneral, este, senador?


Maka-administrasyon at oposisyon, batang Malakanyang at kontra-Malakanyang ay kapwa lumalabas na mga korap o mandarambong.


Mahihilig din sila sa mga suhol at pagsuhol.


Nawawalan ng saysay ang Tuwid na Daan.


Lalo na’t inaabogado ng Malakanyang ang mga nasasangkot sa korapsyon at pandarambong na mga batang Malakanyang at mga kaalyado nito habang itinuturing na mga asong ulol ang mga nasa oposisyon o hindi sunod-sunoran ng Malakanyang.


SAAN TAYO PATUTUNGO


Habang nagaganap ang lahat ng ito, nagdududa na talaga ang mga mamamayan kung ano-ano ang mga pinaggagawa ng mga opisyal sa pamahalaan.


Lumalabas kasi ang katotohanan sa paniniwalang ang pamahalaan ay lungga ng mga magnanakaw.


Ginagamit lang ang pamahalaan ng mga taong gustong magpayaman sa pwesto at hindi para sa serbisyo publiko.


At walang pagbabago mula noon hanggang ngayong sinasabing nasa Tuwid na Daan na tayo.


Kung pawang mga kawatan ang mga bosing ng Pilipinas, saan nga tayo pupuntan bilang bansa?


Magiging magnanakaw rin ang mga mamamayan?


Babagsak mismo ang gobyerno na sentro ng nakawan at lungga ng mga magnanakaw?


Anak ng pitong putakte, sa bangin na tayo pupunta niyan.


NAWAWALAN NG SAYSAY


Tila nawawalan ng saysay ang magagandang balita ng Pangulo na nagsimula nang maging maganda ang dinaraanan ng mahal kong Pinas tungo sa pag-unlad at pagbabago.


At ang isa sa mga dahilan dito ay ang pagtatanggol sa mga lumalabas na bulok na itlog sa pamahalaang nasa Tuwid na Daan.


Ginagawang anghel ang mga demonyo Matuwid na Daan.


At habang ginagawa ito, pinagmumukhang guilty na sa anomang bintang ang mga hindi nila kaalyado.


Ang paglapastangan sa katarungan at hindi patas na pagtrato sa lahat ay walang puwang at isinusuka ng mga mamamayan.


Tila nagsisimula nang muling mabuhay at mag-iingay ang mga lansangan.


Kung hindi naman, guguho at guguho ang pamahalaan dahil inakyat na ito ng mga anay.


O kung bakal ang turing sa pamahalaan, kinapitan na ito ng matinding kalawang na siyang sisira mismo sa kabuuan nito.


Kay pait na ending.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


.. Continue: Remate.ph (source)



PAMAHALAAN: TOTOONG LUNGGA NG MGA KAWATAN


Debate Miyerkules: Ipatupad ang 4-day workweek sa mga opisina ng gobyerno

Kamakailan ay naglabas na ng patakaran ang Civil Service Commission upang maipatupad ang 4-day workweek scheme sa mga opisina ng gobyerno. Sang-ayon ka ba dito? .. Continue: GMANetwork.com (source)



Debate Miyerkules: Ipatupad ang 4-day workweek sa mga opisina ng gobyerno


Nadal wins in return to action

RAFAEL NADAL celebrated his return to competitive action with a 6-4, 6-0 demolition of Richard Gasquet Tuesday in the $5.4 million China Open.


The 14-times Grand Slam winner won his first round match in Beijing after being sidelined for three months.


There were glimpses of vintage Nadal during the second set onslaught, with the Spaniard appearing to be back to his athletic best after being out since Wimbledon with a right wrist injury.


The world number three broke his 28-year-old opponent’s serve in the third game, and while Gasquet brought Nadal to break-point at the next two opportunities, he failed to claw his way back into the set.


Gasquet lost his serve at the opening game of the second set, and then brought Nadal to the brink of losing his own with some acrobatic net-play.


But that turned out to be his last show of defiance as the French Open champion powered his way to a “bagel” in his return to singles competition. Noli Cruz


.. Continue: Remate.ph (source)



Nadal wins in return to action


Lumang sasakyan alisin na sa lansangan - DENR

MANILA, Philippines – Nais ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagbawal at alisin na sa lansangan ang mga luma at bulok ng mga sasa .. Continue: Philstar.com (source)



Lumang sasakyan alisin na sa lansangan - DENR


Zero-OSY sa 2016 target ng DepEd

MANILA, Philippines – Target ng Department of Education (DepEd) na magkaroon ng ‘zero-OSY’ o out-of-school youth ang Pilipinas hanggang sa taong 2016. .. Continue: Philstar.com (source)



Zero-OSY sa 2016 target ng DepEd


Sidewalks bawal gawing paradahan, tindahan, laruan

MANILA, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang pagbabawal na sa paggamit sa sidewalks at kalsada bilang paradahan, laruan o pagtatayuan ng negosyo. .. Continue: Philstar.com (source)



Sidewalks bawal gawing paradahan, tindahan, laruan


SALN ni Purisima isinumite na sa Senado

MANILA, Philippines – Isinumite na kahapon ni PNP chief Alan Purisima ang kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN). .. Continue: Philstar.com (source)



SALN ni Purisima isinumite na sa Senado


Sindikato sinisi ni Purisima

MANILA, Philippines – Isiniwalat kahapon ni PNP Chief Director General Alan Purisima na isang sindikato ang nasa likod ng smear campaign kaugnay ng paglalaba .. Continue: Philstar.com (source)



Sindikato sinisi ni Purisima


Paintings ng mga Marcos, binawi ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines – Inatasan ng Sandiganbayan ang Security and Sheriff’s Services Division ng graft court na limasin ang walong paintings kabilang na ang i .. Continue: Philstar.com (source)



Paintings ng mga Marcos, binawi ng Sandiganbayan


Sim card registration ok sa Palasyo

MANILA, Philippines РSuportado ng Malaca̱ang ang panukala ng National Telecommunications Commission (NTC) na iparehistro ang mga SIM card sa bansa. .. Continue: Philstar.com (source)



Sim card registration ok sa Palasyo


Ano ang grado mo kay PNP Chief Alan Purisima?

Sa pagharap sa pagdinig ng Senado nitong Martes, nine (mula one hanggang 10) ang ibinigay na grado ni Philippine National Police chief Director General Alan Purisima sa sarili nang tanungin ni Senador Grace Poe. Pero pagkatapos ng hearing, sinabi ng senadora sa mga mamamahayag na four lang ang nakikita niyang dapat na grado ng kontrobersiyal na lider ng PNP pagdating sa pamamahala sa kapulisan. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Ano ang grado mo kay PNP Chief Alan Purisima?


Gov’t workers, walang dagdag na sahod pero may dagdag na insentibo sa 2015 -- Abad

Inihayag ni Department of Budget (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad nitong Martes na hindi mapagbibigyan ng pamahalaan ang dagdag na sahod sa mga kawani ng pamahalaan sa susunod na taon. Gayunman, may aasahan pa rin biyaya sa 2015 ang may 1.4 milyon manggagawa sa gobyerno. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Gov’t workers, walang dagdag na sahod pero may dagdag na insentibo sa 2015 -- Abad


'Biyaya' mula sa Mt. Pinatubo, pinagkakakitaan ng ilang residente sa Albay

Hindi naman puro dusa ang hatid ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay. Sa Legaspi city, ilang residente ang tuloy paghahanapbuhay sa pamamagitan ng quarrying sa kabila ng panganib na dulot ng banta ng pagputok ng bulkan. .. Continue: GMANetwork.com (source)



'Biyaya' mula sa Mt. Pinatubo, pinagkakakitaan ng ilang residente sa Albay


4 na babae, huli sa buy-bust operation sa Davao City; 1, patay sa shootout

Apat na babae ang arestado sa Davao City matapos ang magkakahiwalay na buy-bust operation. Samantala, isang lalaki naman ang napatay nang makipagbarilan umano sa mga pulis. .. Continue: GMANetwork.com (source)



4 na babae, huli sa buy-bust operation sa Davao City; 1, patay sa shootout


Island-to-island zipline, bagong atraksyon sa Hundred Islands sa Pangasinan

Bukod sa tradisyunal na sight-seeing sa pamamagitan ng bangka sa Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan, maaaari na ring masilayan ang ganda ng mga isla nito sa itaas sa pamamagitan ng zipline. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Island-to-island zipline, bagong atraksyon sa Hundred Islands sa Pangasinan


Sapatos Festival sa Marikina

MULING mabibigyan ng pagkakataon ang mga mahihilig sa sapatos o ang mga simpleng nais lamang bumili ng sapatos at iba’t ibang sapin sa paa sa muling pagdiriwang ng Marikina ng taunang Sapatos Festival.


May temang “Shoe your Happiness,” magbubukas ang pagdiriwang sa unang araw ng Shoe Caravan sa Valenzuela City Hall sa Miyerkules, Oktubre 1, at tatagal doon hanggang Oktubre 3.


Sa naturang caravan, makabibili ang genuine Marikina shoes at iba pang leather products sa halagang 30-50% na mas mura kumpara sa kahalintulad nitong produkto.


Ang iba pang lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ay bibisitahin din ng Shoe Caravan sa mga susunod na linggo.


Inaanyayahan ni Marikina Mayor Del De Guzman ang lahat na makiisa at tangkilikin ang mga lokal na produkto sa taunang pagdiriwang na ito.


“Muli nating ipinagdiriwang ang Sapatos Festival. Hinihikayat natin ang lahat na suportahan ang lokal na mga magsasapatos at ang sarili nating industriya sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sapatos, sandalyas, bags, wallets at iba pang leather products na mabibili murang murang halaga. Ang ating 40 kalahok na manufacturers ay magtatampok ng iba’t ibang produktong gawang Marikina. Antabayanan at bisitahin ninyo ang aming Shoe Caravan na bibisita sa inyong mga lungsod,” wika ni Mayor Del De Guzman.


Para kay Jayson Ching, kawani ng isang pribadong kumpanya, ang mga produktong mabibili sa mas murang halaga sa pagdiriwang ng Sapatos Festival ay maaaring gawing pang-exchange gift sa Christmas Party sa mga opisina.


“Malapit na ang Pasko. Napapanahon ang pagdiriwang ng Marikina ng Sapatos Festival lalo na at mabibili ang mga sapatos at ibang produkto rito sa murang halaga. Nakikita ko na ang mga ito ay magandang ipanregalo o para sa exchange gift,” wika ni Ching.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sapatos Festival sa Marikina


Lalaking namboso daw sa 17-anyos na babae sa bookstore gamit ang cellphone camera, bistado

Maging alerto at mapagmatyag. Sa loob ng isang bookstore sa Quezon City, nabisto ng isang ate ang pamboboso umano ng isang lalaki sa kaniyang menor de edad na kapatid nang mapansin nito ang sling bag ng suspek na nasa ibaba ng sahig, may nakalabas na cellphone at nakatutok sa ilalim ng biktima. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Lalaking namboso daw sa 17-anyos na babae sa bookstore gamit ang cellphone camera, bistado


MASSAGE THERAPIST SA PAPEL, DH SA KATOTOHANAN

NAGPAPASAKLOLO si Cristina mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.


Ayon sa kanyang email, umalis siya ng Pilipinas noong July 18, 2014. Massage therapist ang pinirmahan niyang trabaho ayon sa kontrata. Ngunit trabaho sa bahay ang ipinagawa sa kanya.


Sa pagkakaalam niya, ban daw kasi doon ang domestic helper kung kaya’t ibang trabaho ang ipinalalagay sa kontrata.


Ayon kay Cristina, hindi maganda ang pagtrato ng kanyang amo. Dalawang beses lang kung magpakain ito sa araw-araw.


Isang tinapay sa umaga at tubig lamang. Bawal ang kape. Susundan lamang ito ng pangalawa at huling kain sa pagitan ng 5:00 p.m. at 7:00 p.m.


Nagsisimula siyang magtrabaho mula 8:00 a.m. hanggang 1:00-2:00 a.m. Mga anim na oras lamang aniya ang tulog niya kung kaya’t ito ang dahilan ng madalas niyang pagkahilo.


Bukod sa labis na oras ng trabaho, sabi ni Cristina, “super sungit si Ma’am… grabe, grabe, grabe po talaga ang ugali”.


Dagdag pa niya, walang kwartong inilaan para sa kanilang kasambahay, at sa sala lamang siya pinatutulog. Nasa gilid lamang aniya ng CR nakalagay ang mga bag at gamit niya.


Nagpadala na siya ng text message sa Gods Fortune agency na siyang nagpaalis sa kanya, ngunit hanggang ngayon walang sagot itong natatanggap.


Pakiusap ni Cristina na makauwi na lamang siya sa lalong madaling panahon dahil hindi naman nasunod ang kontratang kanilang pinirmahan.


Iba ang nakasaad sa kontrata, walang sapat na pagkain, gutom na gutom na aniya siya, at labis-labis ang oras nang pagtatrabaho.


Ipinadala na namin ang reklamong ito sa tanggapan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz at hihintayin na lang namin ang update mula kay Labor Attache’ David Des Dicang.


MISIS HUMIHINGI NG P200,000 DAHIL WALA NANG SUPORTA KAY MISTER


Masamang-masama ang loob ni Fely, maybahay ng OFW sa Saudi Arabia. Matagal na aniyang walang ipinadadalang suporta ang asawa niya dahil nagkaroon ito ng karelasyon sa Saudi at may mga anak na rin doon.


Kahit anong pakiusap aniya ni Fely, nagawang tiisin ni mister ang kanyang sariling pamilya.


Hindi na nga talaga nagpadala ito. Wala namang magawa si Fely.


Wala aniya siyang tinapos at pa mamasukan lamang ang alam niyang trabaho kung kaya’t hindi rin nakapagpatuloy sa pag-aaral ang kanyang mga anak.


Wala nang mapuntahan kung kaya’t nakikiusap na lamang siya sa Bantay OCW na bigyan siya ng puhunan na halagang P200,000 upang makapagsimula aniya ng maliit na negosyo.


Tiyak aniyang hindi naman siya mabibigyan ng gobyerno ng naturang ayuda dahil hindi naman siya ang OFW at wala siyang anomang pinanghahawakang dokumento na makapagpapatunay na asawa nga niya ang OFW sa Saudi Arabia, gayong hindi naman niya tuwirang binanggit kung ligal ba siyang nakasal kay mister.


Gustuhin man ng Bantay OCW na makatulong kay Fely, ngunit wala kaming kakayahang magbigay ng anomang pinansyal na tulong.


Libreng serbisyo publiko ang hatid ng aming programa kung kaya’t wala kaming ibibigay na salapi o ipapautang man kaya.


Maaari namin siyang tulungan na makausap ang kanyang mister hinggil sa suportang kinakailangan, lalo pa nga’t menor-de-edad pa ang kanilang mga anak.


Gayunpaman, nakadepende pa rin ang suporta sa kakayahan ng magbibigay at sa lehitimong mga pangangailangan lamang ng humihingi. BANTAY OCW/SUSAK K


.. Continue: Remate.ph (source)



MASSAGE THERAPIST SA PAPEL, DH SA KATOTOHANAN


WALANG KWENTANG ‘TUWID NA DAAN’

MARAMI ang bumabatikos kina Pangulong Aquino at DILG Sec. Mar Roxas sa tila pag-asta nilang abogado ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima.


Kasi, habang ipinagtatanggol nila si Purisima ay lalong lumalabas na kahiya-hiya itong ating bansa.


Mistula raw kasing mga bobo at tanga sina PNoy at Roxas dahil hindi pa raw nila nakikita ang kabulukan at kapalpakan ni Purisima.


Imbes daw na ipagtanggol, bakit hindi na lang utusan lalo ni PNoy na kusang mag-resign na lang ang PNP chief.


Si Purisima ay kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman ng isang grupo kaugnay ng kahina-hinalang mga kayamanan nito.


Paano nga naman maitutuwid si Purisima kung idinedepensa na kaagad siya ng mismong Pangulo ng Republika?


Bias na bias si PNoy ‘pagkat si Purisima ay kakampi at kaibigan niya.


Itong si Roxas, sa halip na gumaya kay PNoy, ano ba naman ang hilingin kay Purisima na mag-leave-of-absense habang hinaharap ang mga akusasyon sa kanya.


Nakasalalay sa PNP ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mamamayan.


Kung ganyang puno ng kontrobersya ang kasalukuyang pinuno ng pambansang pulisya, paano niya magagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin?


***

Maging si Sen. Grace Poe ay iritado na kay Purisima. Kung ilang beses na kasing inisnab ng chief PNP ang pagdinig na ipinatawag ng kanyang komite partikular na sa panukalang modernisasyon sa PNP.


Nakabuyangyang na nga ang mga kuwestyonableng yaman ni Purisima, patuloy na nagmamalinis pa rin ang lekat.


Sabi ni PNoy, hindi matakaw at maluho ang pagkakilala niya sa kaibigang si Purisima.


Hindi ba matakaw ‘yan, e’ ang laki-laki ng tiyan at namumula ang kutis na tila hindi naaarawan.


Sanamagan!


***


Ngayong lumitaw ang tunay na pagkatao ni Purisima, dapat ay alamin na nang mabuti ni PNoy kung totoo nga ang mga binibintang sa kanyang kaibigan.


Sigurado nga ba talaga siya sa tunay na pagkatao ni hepe?


Baka nagsisinungaling na ito sa kanya.


Kung ‘yung iba ngang mag-asawa e, nagkakalihiman ng kanilang mga milagro, sila pa kaya na magkaibigan lang at hindi magkasama sa iisang tirahan.


Maliban na lang kung may alam na sikreto si Purisima kay PNoy, ipagtatanggol ng Pangulo ang kanyang kaibigan kahit gaano pa ito kadumi.


Wala talagang kakwenta-kwenta itong “Tuwid na Daan”. Pwe! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


.. Continue: Remate.ph (source)



WALANG KWENTANG ‘TUWID NA DAAN’


MAGBABABOY UMIIYAK NA

ALAM ba ninyong umiiyak ang mga magbababoy dahil sa pagkalugi nila sa negosyo?


Lalo na ang mga maliliit.


Sabi nila, kung libo ang alaga mong baboy, kikita ka.


Pero kung kakaunti lang, halimbawa, kulang sa 100 lamang, tiyak na mauubos lang ang puhunan mo nang hindi mo mababawi.


Ilan sa mga kinatatakutan ng mga maliliit na magbababoy, parekoy, ang tuloy-tuloy na pagmamahal ng biik, feeds, gamot at iba pang gamit sa pag-aalaga ng baboy.


Nakatatakot umano ito dahil masahol pa sa ispageting pataas-pababa ang presyo rito at mas madalas na pababa kaysa pataas ang presyo.


Isang balita lang na may kumakalat na sakit ng baboy gaya ng foot and mouth disease, patay kang baboy ka, este, negosyante ka.


Mag-uulam na lang ng sardinas, isda at gulay ang mga tao at todo-iwas sila sa baboy, kahit sa mga litson.


Nakatatakot din umanong isipin na sa kahit bawat isa sa 10 alaga mo, lugi ka na kaagad dahil napakamahal ang biik at napakamahal ang mga pagkain, gamot at iba para sa mga hayup na ito.


Para sa mga backyard farmer o maliitan lang talaga na iilang baboy lang ang kayang alagaan bilang hanapbuhay, nakatatakot din ang mga bumibili na hindi nagbabayad, nambabalasubas at nang-eestafa.


Isang baboy lang din ang natangay sa mga magbababoy at hindi makasingil sa mga mandurugas, patay sila mga magbababoy.


May isa ngang overseas Filipino worker na nagbuhos ng ipon niyang P200,000 sa pag-aalaga ng baboy.


King-ina, nadale siya ng mga namamasyal at bumibili ng baboy na sa tubig pala inililista ang mga utang.


Kahit masagi mo pa ang mga mandurugas, ang kakapal ng mukha ng mga ito na hindi man lang magpaliwanag.


Kapag siningil mo, sila pa ang galit.


Kung minsan, dahil sa pagkabangungot, gusto mo tuloy isaksak na lang sa mga bunganga hanggang puwet ang panglitsong kawayan o tubo para litsunin silang buhay.


Kaya naman, paliit nang paliit na umano ang backyard na pag-aalaga ng baboy.


Buwisit! BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



MAGBABABOY UMIIYAK NA


Hindi na priority ang paggawa ng pelikula…

PINAG-USAPAN nang husto ‘yong insidenteng naging emotional si Eugene Domingo sa presscon ng Barber’s Tale. Ito ang pinakahuling pelikulang ginawa niya kung saan nanalo pa siyang best actress sa isang international film festival sa Japan.


Naibuhos ni Eugene ang kanyang pagkadismaya hinggil sa hirap magbenta ng pelikula kahit gaano man kaganda ang pagkakagawa nito.


Ilang lingo matapos ito, tinanong namin ang actress-comediene-TV host kung naka-get over na ba siya sa gano’ng naging sentiment at pakiramdam niya?


“Oo,” aniya nang makausap naming sa taping ng Celebrity Bluff.


“Kasi nakita ko na ang dami-raming sumuporta sa mga indie films or independently produced films nitong mga nakaraang buwan. So nakatutuwa talaga. Kasi sabi ko, I think kung sasabihin man nila na parang grabe naman na naging emotional ako, natutuwa ako kasi kahit na papano naantig naman na… siguro naintriga rin ‘yong mga tao, ‘no?


“So ako naman, e… I was just being honest about how I feel. Kasi passion mo ‘yon, e. Di ba? So…gusto mo lang talaga na sana kapag may mga pelikula na bago or pwedeng magustuhan ng mga manonood, bigyan nila ng chance.


“I’m not only talking about Barber’s Tales. I am talking about all the Filipino films in general.”


Establisado na si Eugene bilang isang mahusay na komedyante at de kalibre ring dramatic actress. For sure hindi nawawalan ng movie offer sa kanya. Di ba?


“Kaya lang, hindi ko siya priority.”


May mga nakaka-miss din naman na muli siyang mapanood siyang umaarte ulit. May mga hinahanap pa rin ang estilo ng kanyang pagpapatawa.


“Pero palabas naman lagi sa Cinema One ‘yong mga pelikulang kasama ako. And… syempre hindi naman mawawala ‘yong pagiging artista mo, ‘di ba?


“Kaya lang sometimes, kailangan mo ring mabuhay nang normal para may bago kang dating.


“I mean, baka kasi ýong maibigay mo ay hindi na fresh. So you have to live as a person first.


“And then kung ano ‘yong bago mong matututunan because you live a life na normal and you learn so many things about the normal people, baka may mas maganda kang dating ‘pag napanood ka nila ulit sa screen.”


Gaano pa kaya katagal bago siya magkainteres ulit at magkaroon ng drive na gumawa na naman ng pelikula? “Hindi ko masabi kung gaano katagal. Pero hindi ko siya priority. So if I will be given a choice, I think I will still study. Or if I miss acting, maybe uunahin ko ‘yong entablado.”


How about having another TV show?


“Kung hosting, okey lang.”


Ayaw niya ng sitcom?


“Ayoko!” sabay tawa na naman ni Uge.


“Kasi ang haba ng working hours, e. Unlike kapag hosting, tamo… tapos agad. At saka ang saya.


“Tapos kapag stage naman, gano’n din. Maiksi lang din,” panghuling nasabi ni Eugene. RUB IT IN/RUBEN MARASIGAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi na priority ang paggawa ng pelikula…


Lahat ay talaga namang pagkataba-taba!

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa ang nakaraang show ng Bench, ang The Naked Truth kung saan nahulog sa stage si James Reid. Hindi sinasadya ang kanyang pagkahulog at aksidente talaga ang nangyari. Kundi ba naman katangahan kasi, sukat ba namang magsuot ng dark shade sa gabi na wala namang sikat ng araw. Natatawang pang-uuyam ng friend naming badash na si Rey Lampara, ang baklang bumubuga ng apoy tuwing may raket sa peryahan.


Kaya raw pala bigla itong nawala saglit doon sa madilim na sulok ng stage ay bumulusok na pala ito. At take note, madali siyang nakasampa pabalik sa stage.


‘Yan kasi ang hihilig pumorma na naka-shade. Hindi lamang patungkol ito kay James Reid na maporma sa kanyang shades kundi sa iba pang mga artista na karamiha’y makikita mo sila sa TV na naka-shades.


Akala siguro nila maganda silang tingnan say pa ni Rey, ang baklang reyna ng perya.


Oo nga naman. Ang sagwang tingnan parang nagtatago ng sore eyes. Chos!


=0=


Na-shock naman si Bambi Arevalo, ang magaling ding hairdresser ni Ana Capri nang mapanood niya si Geoff Eigenmann, unang rumampa sa Cosmo Bachelor 69 Centerfold ng Cosmopolitan magazine na pagkataba-taba na parang walking ref.


Ang akala raw nitong si Bambi ay pinaghandaan ni Geoff ang okasyon na ito at sinasabi pang malimit ang pagdyi-gym niya sabay diet. Aba’y lalo lang itong lumobo sa tingin ng aming amiga. Subalit hindi maikakaila na bakat na bakat sa suot niyang underwear ang helmet nito. Ke grande at naniniwala si Bambi na it runs in the family na nagtataglay ng malalaking nota.


Hindi shelved ang pelikulang Cain at Abel tulad ng sinasabi ng iba na hindi na raw ito tuloy dahil sa pag-backout ng isa pang bida na si Aljur Abrenica. Tuloy na tuloy po at marami ng mga eksena ang nakunan na ni Alden Richards. Ang ipinalit kay Aljur ay si Mark Herras.


Sabi ng katoto namin na hindi naman daw kawalan si Aljur sa pelikula dahil mas may ibubuga raw ito sa pagpapa-sexy hindi nga lang kasingganda ng katawan ni Aljur.


Anytime this week daw ay kukunan na magka-eksena ang dalawa at ang mga eksena ni Mark na kanya lamang dahil halos tapos na ang mga eksana ng kay Alden. Inuna raw ito dahil sa kanyang bagong serye na Ilustrado at bukod doon meron pa siyang isa pang TV show na co-host siya ni Regine Velasquez. Haay! milya-milya na ang narating nitong dating Lakan ng Laguna. Ang sipag kasi at mahusay makisama sa kanyang mga katrabaho at walang reklamo kaya lalong sinusuwerte. Ciao, Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lahat ay talaga namang pagkataba-taba!


Bumbero na anak ng pulitiko, dinakip dahil sa pagbaril daw sa kasamang babae sa loob ng mall

Arestado ang isang bumbero na anak ng isang Bokal o Provincial Board Member ng Sarangani matapos na barilin umano ang kasamang babae sa loob ng isang mall sa General Santos City. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Bumbero na anak ng pulitiko, dinakip dahil sa pagbaril daw sa kasamang babae sa loob ng mall


‘I still regret a lot of things I did wrong or failed to do!’ – Jake Ejercito

NAG-REACT sa kanyang Twitter Account si Jake Ejercito tungkol sa panayam sa The Buzz ni Andi Eigenmann na niloko siya diumano ng bf niya.


“First of all, I don’t deny that I’m not a perfect partner or boyfriend. I’ve apologized to Andi and to the people who matter most to us for all my shortcomings and I still regret a lot of things I did wrong or failed to do.


“I know a photo paints a thousand words. I am not washing my hands clean, but I did not intend for it to happen. If anything, my only slip-up was that I allowed it to happen.


“Andi was the only girl I loved for four years and still is my greatest love. Before the incident, I discovered something that hit me like a truck. I am certainly not using it as an excuse, but it had a lot of bearing on how I reacted. I may not have chosen the best way to cope, but like what I said, I’m not perfect. And for that, I’ve also apologized to Andi.


“I never directly addressed this issue in public as I would’ve wanted to keep it as personal and as private as possible. So I hope this will be the last time I would feel the need to.”


Dagdag pa niyang tweet…


“And above all, biggest thanks to those who kept their minds open and didn’t judge me right away with only knowing one side of the story “.


Dinamayan naman siya ng kapatid ni Andi na si Gabby Eigenmann sa Twitter.


Tweet ni Jake …”haha hanapin ko pa ‘yung lights that will guide me home, Sagot naman ni Gabby “try mo #yellow #Coldplay mahahanap mo ‘yun.. chin up bro!!”


Nagpasalamat si Jake kay Gabby at sagot nito “Dito lang kami.”


-0o0-


April o May 2015 ang planong pagpapakasal nina John Prats at Isabel Oli.


Ayon sa ‘Banana Nite’ at ‘Banana Split:Extra Scoop’ ay nahirapan sa 350 dancers na kinuha niya dahil baka mag-leak sa wedding proposal.


“Sabi ko sa kanila, ‘Please, para mag-work ito, hindi tayo pwede mag-tweet, hindi tayo pwede mag-Instagram kasi ayaw ko makatunog ‘to.’ Si Isabel pa naman ang galing sa Twitter,” sambit ni John sa panayam ni Kuya Boy.


“Ang saya talaga at walang katulad. ‘Yung pagluhod ko, sabi ko ‘Wifey, pwede bang ikaw na ang maging Mrs. Prats ng buhay ko?’ Ang tagal. Sabi ko parang magdadalawang-isip pa ito. Tinanong ko pa ulit. Third na sabi ko ‘Nag-iisip ka pa ba?’ Tapos finally sabi niya yes, niyakap ko na siya and may fireworks na,”


Kwento pa ni John.


Tsuk! XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



‘I still regret a lot of things I did wrong or failed to do!’ – Jake Ejercito


NDRRMC: Higit 2M katao naapektuhan ni 'Mario'

MANILA, Philippines – Higit dalawang milyong katao mula sa iba't ibang parte ng bansa ang naapektuhan ng bagyong “Mario” ayon sa state disaster response agen .. Continue: Philstar.com (source)



NDRRMC: Higit 2M katao naapektuhan ni 'Mario'


Riding in tandem na umatake sa babaeng estudyante, nahuli na

Naaresto na ang dalawang suspek sa pang-aagaw ng cellphone ng isang babaeng estudyante sa Barangay Laging Handa sa Quezon City. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Riding in tandem na umatake sa babaeng estudyante, nahuli na


Ibong makagagamot sa amang may sakit, hinahanap ni Rocco Nacino

ISASALBA ni Rocco Nacino ang kanyang naghihingalong ama, at isang ibon lamang ang tanging makapagsasalba rito.


Ang kwentong ito ay mapanonood sa “Ibong Adarna” na palabas na ngayon sa mga sinehan sa buong bansa. Si Rocco ay gaganap bilang Prinsepe Sigasig sa pelikulang ito na ililigtas ang kanyang amang Sultan (Joel Torre). Kailangan pakantahin sa harapan ng kanyang tatay ang ibong ito para makaligtas ito sa kamatayan.


Sa paghahanap ng ibong ito, sari-saring pakikipagsapalaran ang mararanasan ni Rocco, at dito ay masasaksihan ng manonood kung paanong ang isang Pinoy film ay makagagawa ng higanteng ibon at iba’t ibang uri ng nilalang na parang totoong-totoo dahil ito sa paggamit ng Computer Graphic Imaging (CGI).


“Halos six months namin ginawa ‘yung Haribon, ‘yung mga nuno sa punso. ‘Yung iba kailangan pa naming i-transform ‘yung itsura,” ani direk Jun Urbano.


Ang makabagong Ibong Adarna ay nakatanggap ng endorsement mula sa Department of Education (DepEd) and the National Commission for Culture and the Arts at iikot ito sa schools and universities around the country bago magtapos ang taon.


Kasama rin sa casts sina Angel Aquino, Leo Martinez, Lilia Cuntapay, Pat Fernandez at marami pang iba. Produced by Gurion Entertainment ang “Ibong Adarna: The Pinoy Adventure”.


***


MAXENE MAGALONA MAGBABALIK SA KAPAMILYA


Pinost ni Maxene Magalona sa kanyang Instagram account na siya’y magbabalik sa ABS-CBN. Labis ang kanyang pasasalamat sa Kapamilya network dahil daw sa magandang pangtanggap sa kanyang pagbabalik pagkatapos nang 21-years nang naging parte siya ng Ang TV.


Sigurado ang magiging career ni Maxene sa ABS. Pero sana ay maghinay-hinay muna siya sa pakikipag-boyfriend at tutukan ang trabaho. Eh, sana rin hindi na siya makitang lasing na lasing habang nasa baybayin ng Boracay.


***


AKTOR/POLITIKO MAGMEMERYENDA LANG SANGKATERBANG BODYGUARDS ANG KASAMA


May kinakatakutan yata itong si morenong aktor-politiko kaya ingat na ingat sa kanyang mga lakad. Kahit saan magpunta ay sangkaterbang bodyguards ang kasama.


Ultimo sa pagkakape o meryenda lang ay bitbit pa ang mga tauhan. Maging sa pagdalaw daw sa chicks nito ay may mga asungot pa ring nakabuntot sa kanya. Hindi ba naiilang ang babae sa mga bangaw na nakapaligid sa kanya?


Ayon naman sa kanyang baklitang tagasuporta, nag-iingat lang daw ang aktor dahil pangarap pa nitong mamuno sa kanilang probinsya. Mainit daw kasi ang politika sa kanila at ordinaryo na lamang ang patayan lalo na kapag dumarating ang eleksyon.


Ang tanong, saan kumukuha ng pangsahod para sa sandamakmak na alalay ang bida natin? Baka doon sa mga voucher na walang amount na pinapipirmahan niya sa mga humihingi ng tulong at mga mamamahayag na winiwisikan niya?


***


UNANG “MMK” NI JUAN KARLOS, WAGI SA PUSO NG TV VIEWERS AT NETIZENS


Pinakapinanood na programa noong weekend (Sabado at Linggo) ang kauna-unahang “Maalaala Mo Kaya” episode ng “The Voice Kids” 2nd runner-up na si Juan Karlos “JK” Labajo.


Ang episode na nagtampok sa kwentong buhay ni JK noong Sabado (Setyembre 27) ay pumalo ng national TV rating na 30.7% ayon sa datos mula sa Kantar Media. Lamang ito ng 11 puntos kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na “Magpakailanman” na nakakuha lamang ng 19.5%.


Bukod sa ratings, namayagpag rin sa Twitter ang unang “MMK” ni JK kung saan ginampanan niya ang kanyang sarili. Naging isa sa worldwide trending topics noong Sabado ang official hashtag ng programa ba #MMKJuanKarlos matapos bumuhos ang tweets ng netizens sa nakakabilib na life story 13-taong gulang na singing heartthrob na hindi kailanman bumitaw sa kanyang pangarap na maging singer sa kabila ng kawalan ng buong pamilya at pagpanaw ng ina ilang araw bago ang kanyang audition sa “The Voice Kids.”


Samantala, patuloy na magbabahagi ng inspirasyon ang “MMK” sa episode nito ngayong Sabado (Oktubre 4) na magtatampok sa buhay ni Joshua (gagampanan nina Louise Abuel at Benjamin de Guzman) na umalis ng Antique sa edad na anim taglay ang pangarap na magkaroon ng mabuting buhay. Ngunit matapos malungkot sa ilalim ng pangangalaga ng istriktong tiya, lumayas si Joshua at piniling mabuhay mag-isa. Mula noon, naranasan niya ang lupit nang mamuhay sa mga kalye sa Antipolo.


Paano nagawa ni Joshua na maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng kahirapan?


Bahagi rin ng upcoming episode sina Aiko Melendez, John Arcilla, Odette Khan, Shamaine Centenera, Glenda Garcia, Boboy Garovillo, Jed Montero, Emman Vera, Marithez Samson, Kyle Banzon, Gerald Pesigan, Winryll Banaag, John Vincent Servilla at Brace Arquiza.


Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Nick Olanka at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE


.. Continue: Remate.ph (source)



Ibong makagagamot sa amang may sakit, hinahanap ni Rocco Nacino


TANKER NAGLIYAB!

NATUPOK ng apoy ang dalawa sa tatlong tanker na maagap na naapula ng mga bumbero sa Old Panaderos, Sta. Ana, Maynila. EDDIE LEANILLO


.. Continue: Remate.ph (source)



TANKER NAGLIYAB!


Bagyo papasok sa Pinas sa Biyernes

MANILA, Philippines — Isang bagyo ang tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes ngunit hindi ito inaasahang tatama sa kalupaa .. Continue: Philstar.com (source)



Bagyo papasok sa Pinas sa Biyernes


Pamilya, minasaker sa Basilan

KANINANG umaga, Setyembre 30, nadiskubre ng awtoridad ang bangkay ng tatlong miyembro ng isang pamilya sa Isabela City, Basilan.


Hinihinalang may ilang araw nang patay ang mag-anak na sina Rodelio Gonzaga, 57, misis nitong si Lucia, 47, at ang kanilang 11-anyos na anak na si Virgilio.


Natagpuan sa loob ng kubo sa Campo Barn, Kapayawan, Isabela City ang mga bangkay ng pamilya Gonzaga na pawang sinunog pa upang ikubli ang krimen.


Katiwala lamang ang mag-anak sa lupang kanilang tinitirhan.


Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, noong Sabado pa ng gabi nang makarinig sila ng putok ng baril pero dahil malayo ang bahay ng pamilya Gonzaga sa kanilang mga kabahayan ay itinulog na lamang nila ang narinig.


Kaninang umaga nang puntahan ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bahay ng pamilya Gonzaga ay natuklasan ang malagim na sinapit ng mga biktima.


Batay sa rekord ng barangay, noong isang taon pa may banta sa buhay ng padre de pamilya dahil sa awayan ng angkan bagama’t hindi pa makumpirma ang ugat ng alitan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Pamilya, minasaker sa Basilan


Monday, September 29, 2014

Bago dumalo sa hearing: Purisima, masinsinang kinausap ni PNoy

NAG-USAP nang masinsinan sina Pangulong Benigno Aquino III at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima makaraang bumalik na ng bansa ang huli mula sa isang ‘official mission’ sa Bogota, Colombia.


Si Gen. Purisima ay nahaharap sa mga kasong plunder, graft at indirect bribery na isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Tanggapan ng Ombudsman.


Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., wala siyang pagkakataong makausap ang Pangulong Aquino upang tanungin ang napag-usapan ng dalawa.


Dumalo kanina sa Senate hearing si Purisima para sa PNP modernization program.


Sa kabilang dako, kahit kunulapol ng intriga at kontrobersya ngayon si Purisima ay hindi naman nakikita ni Sec. Coloma na kailangan na nitong magbitiw sa puwesto.


“Sa ating sistema ng batas meron po tayong sinusunod na mga proseso. Hindi naman yata makatwiran na humantong sa mga konklusyon na ang resulta ay ‘yung pagkakaroon ng bahid o alinlangan sa integridad o katauhan ng isang public official na nakabatay lamang sa mga paratang,” anito.


Bahala na aniya ang Pangulong Aquino kung sisibakin nito si Gen. Purisima gayong batid naman ng lahat na malapit sa isa’t isa sina Pangulong Aquino at Gen. Purisima.


Si Gen. Purisima ay nasa hot seat ngayon dahil na rin sa kuwestyonableng yaman nito. KRIS JOSE


.. Continue: Remate.ph (source)



Bago dumalo sa hearing: Purisima, masinsinang kinausap ni PNoy


Kagawad sa Apayao, ninakawan ng ginto saka inutas

MATAPOS pagnakawan ng ginto at pera, pinatay pa ng limang hindi nakikilalang armadong lalaki ang isang Bgy. Kagawad sa Apayao nitong Lunes ng gabi, Setyembre 29.


Nagtamo ng isang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa ulo at namatay noon din ang biktimang si Nelson Aswigue, ng Bgy. Manag Conner, Apayao.


Ayon kay Police Senior Inspector Manes Cadengan hepe ng PNP Conner, naganap ang insidente dakong 10:25 nitong Lunes ng gabi sa mismong bahay ng biktima.


Bago aniya ito, nanonood ng telebisyon ang biktima nang biglang pumasok ang mga suspek at tinutukan ng baril ang Kagawad na may small scale mining.


Ipinalalabas ng mga suspek sa biktima ang kanyang itinatagong ginto at pera subalit imbes ibigay ang hinihingi ay nagsisigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay.


Sa puntong ito, binaril ang biktima ng isa sa mga suspek bago hinalughog ang bahay.


Ayon kay Candengan, kasama sa pagtakas ng mga suspek ang may 1 kilong ginto at hindi malamang halaga ng pera ni Aswigue.


Nabatid din na nakatakdang ibenta ng biktima sa Baguio ang kanyang ginto ngayong araw, Setyembre 30. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Kagawad sa Apayao, ninakawan ng ginto saka inutas


'Di ako papayag manalo ang katiwalian – PNP Chief

MANILA, Philippines – Walang balak iwanan ni Philippine National Police Chief Alan Purisima ang kanyang puwesto sa kabila ng mga panawagan na bumaba sa posis .. Continue: Philstar.com (source)



'Di ako papayag manalo ang katiwalian – PNP Chief


Kambal, magkahiwalay na isinilang sa Albay

MAGKAHIWALAY na iniluwal ng isang ginang ang kanyang kambal na anak sa Albay evacuation center at sa isang ospital sa Legazpi City kaninang madaling-araw, Setyembre 30.


Sinabi ni Jade Ortega, volunteer nurse sa Public Health Office ng Albay, dakong 2:15 ng Martes ng madaling-araw nang nalaman nilang may nanganganak na nagngangalang Veronica Bongayon, 30, sa may evacuation center sa California Village Housing Project, sa Bgy. Kawa-Kawa.


Nang isakay nila ang mag-ina sa ambulansya para dalhin sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital, napansin ni Ortega na malaki pa rin ang tiyan ng ginang.


Nang kapain nito ay natuklasang may isa pang sanggol sa loob ng tiyan nito.


Pagdating sa ospital, diniretso agad sa emergency room ang naturang ginang at ilang sandali lamang ay nailuwal na rin nito ang kanyang pangalawang anak.


Ayon kay Ortega, tumitimbang ng 2 kg. ang unang sanggol habang 1.8 kg. naman ang kakambal nito.


Nasa mabuting kalagayan na ang mag-iina sa ngayon. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Kambal, magkahiwalay na isinilang sa Albay


Pagsabog ng Mayon, hindi matukoy kung vulcanian o strombolian

SA kabila ng pang-12 araw na pag-aalburuto ng bulkang Mayon, aminado ang mga eksperto na hindi pa nila matukoy kung vulcanian o strombolian ang pagsabog nito.


Magkagayunman, sinabi ni Director Renato Solidum, ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na ang nabanggit na dalawang klase ng pagsabog ng Mayon ay kapwa mapanganib, ayon na rin sa 26 pagsabog ng Mayon simula noong taong 1616.


Ang vulcanian eruption ay ang malakas na pagsabog, multiple pyroclastic flows o may fast-moving mix ng hot gas at rocks at lava na rumaragasa sa volcano slopes.


Habang ang strombolian blast naman ay may tahimik na pagragasa ng lava sa paanan ng bulkan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagsabog ng Mayon, hindi matukoy kung vulcanian o strombolian


Cellphone snatchers ng estudyante sa QC, nasilo

NASILO na ng pulisya ang dalawang kilabot na cellphone snatcher na bumiktima sa isang babaeng estudyante sa Quezon City nitong nakaraang Linggo.


Sinabi ni Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) head Director Benjamin Magalong na ang mga suspek na sina John Ralfh de Guzman at Gilbert Pazcoguin, ay kapwa nahuli sa kanilang hideout sa Purok Silangan sa Bgy. Dela Paz, Antipolo City nitong Martes ng madaling-araw, Setyembre 30.


Ayon kay Magalong, si De Guzman ang lalaking nakita sa CCTV na bumalya sa isang grade 9 student para makuha ang cellphone nito sa may kanto ng Scout Tobias at Scout Lozano sa Bgy. Laging Handa noong umaga ng Setyembre 22 habang si Pazcoguin naman ang nakitang nagmamaneho ng isang motorsiklo na ginamit na getaway vehicle.


Kakwentuhan ng biktima ang tatlo pang babaeng estudyante pero sa takot na saktan din sila ni De Guzman ay walang nagawa para tulungan ang kanilang kaklase.


Narekober din ng pulisya mula sa mga suspek ang isang Suzuki motorcycle (ZM-4752), na siyang ginamit sa cellphone robbery.


Kinasuhan na sina De Guzman at Pazcoguin ng robbery na may kaugnayan sa Child Abuse Law. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Cellphone snatchers ng estudyante sa QC, nasilo


Bus vs truck sa La Union, 5 sugatan

NASA kritikal na kondisyon ang isang pasahero habang apat na iba pa ang nagkaroon ng minor injury sa banggaan ng Victory Liner bus at trailer truck sa Pugo, La Union.


Ayon sa Office of Civil Defense-Cordillera, binabagtas ng truck ang Marcos Highway mula Baguio City nang mawalan ng preno kaya’t tumawid sa kaliwang bahagi ng kalsada at sinalubong ang bus na may plakang AYK-525.


Pawang pasahero ng Victory ang apat katao na nagkaroon ng minor injury habang nasa malubhang kalagayan ang driver ng truck.


Nananatili na sa Baguio City General Hospital ang limang biktima habang inaalam na ang sanhi ng aksidente. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bus vs truck sa La Union, 5 sugatan


SRP sa baboy at chicken, kinatigan ng Palasyo

PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mga nagtitinda ng karne kasunod ng abiso ng Department of Agriculture (DA) na papatawan ng suggested retail price (SRP) ang presyo ng manok at baboy.


Una nang sinabi ng mga nagtitinda ng karne na hindi nila kakayanin ang itinakdang SRP dahil malulugi na sila.


Sa pinagkasunduan ng DA at stakeholders, ipapako sa P135 ang presyo ng manok at P175 – P185 ang kada kilo ng baboy.


Umiiral ang presyo ng manok mula P150 – P160 at ang baboy mula P190 – P220 kada kilo.


Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, nakatutok ang National Price Coordinating Council (NPCC) sa naturang isyu at gagawin ang nararapat upang maging makabuluhan ang SRP.


Magugunitang iginiit ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na aksyunan ng pamahalaan ang tumataas na presyo ng karne ng manok at baboy lalo kung mababa lamang ang farm gate price ng mga ito.


Inihayag ng SINAG na ang farm gate price ng manok ay umaabot ng P75 – P82 kada kilo at ang baboy ay nasa P106 – P120 kada kilo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



SRP sa baboy at chicken, kinatigan ng Palasyo


Luy accounts, sisilipin ng kampo ni Revilla

SISILIPIN na ng kampo ni Senator Ramon “Bong“ Revilla ang account ni Benhur Luy makaraang payagan ng Sandiganbayan First Division na magkaroon ng limitadong access sa kontrobersyal na files ng whistleblower.


Sa pitong pahinang resolusyon, sinabi ng anti-graft court na paglabag ito sa karapatan ni Luy.


Gayunman, bilang akusado, may karapatan si Revilla na ma-access ang files ni Luy sa hard drive dahil naipresinta ito bilang ebidensya sa open court.


Giit naman ng mga mambabatas, ang mga importanteng impormasyon lamang na may kaugnayan sa kaso ang pwedeng galawin ng senador.


Si Revilla ay nananatili pa ring nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa kinakaharap na kasong plunder at graft charges. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Luy accounts, sisilipin ng kampo ni Revilla


Travel advisory itinaas sa OFWs sa Hong Kong

NAGLABAS na ng travel advisory ang pamunuan ng Philippine Consulate para sa kaligtasan ng mga kababayan o overseas Filipino workers (OFWs) sa harap ng patuloy ng tensyon bunsod ng kilos-protesta sa Hong Kong.


Ayon kay Philippine Consul General Bernardita Catalla, pinaalalahanan nito ang mga kababayan na iwasan munang tumungo sa mga lugar na may kilos-protesta upang hindi madamay sa kaguluhan.


Mapanganib magtungo sa mga lugar na may kilos-protesta ang mga Pinoy dahil maaaring mapagkamalan na nakikisali sa demonstrasyon at baka madampot pa ng mga awtoridad.


Sa Oktobre 1 at 2 ay holiday sa Hong Kong, kaya’t ayon kay Catalla kung nais ng mga kababayan na mamasyal ay iwasan ang mga lugar na may demonstrasyon sa halip ay maaring tumungo sa mga malls, parke o iba pang ligtas na lugar.


Nilinaw naman ni Catalla at ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang Pinoy na nasaktan sa nangyayaring tensyon sa Hong Kong.


Tinatayang nasa 185,000 ang mga Pinoy sa Hong Kong at nasa 175,000 dito ay OFWs habang nasa 10,000 ang residente.


Nabatid na paralisado ngayon ang malaking bahagi ng Hong Kong bunsod nang lumalawak na pag-aaklas sa lungsod.


Maraming intersections sa central business district ang isinara dahil sa kilos-protesta.


Ayon sa Transportation Department, nasa 200 mga bus ang sinuspinde o na-divert dahil sa pag-aaklas.


Maging ang central section ng tren ay naparalisa habang isinara naman ang ilang exits ng underground train matapos barikadahan ng mga raliyista.


Isinara ang mga bangko, commercial establishments maging mga paaralan.


Nabatid na halos 40 ang sugatan matapos tinirgas ng riot police ang mga raliyesta kahapon na nananawagan ng kalayaan mula sa China.


Umaabot naman sa 78 katao ang naaresto ng mga otoridad.


Binalewala ng mga nag-aaklas ang panawagan ni Hong Kong Chief Executive C.Y. Leung na tigilan na ang demonstrasyon.


Samantala, binatikos naman ng China ang mga protesta sa Hong Kong.


Ayon sa tagapagsalita ng Hong Kong and Macau Affairs Office ng China, tutol ang Biejing sa umano’y illegal behavior ng mga nagra-rally sa lungsod.


Tiniyak ng Beijing ang suporta sa pagtugon ng Hong Kong sa krisis. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Travel advisory itinaas sa OFWs sa Hong Kong


Chief PNP, walang balak magbitiw sa puwesto

WALANG planong magbitiw sa puwesto ang hepe ng pambansang pulisya, bago o pagkatapos ng Senate inquiry.


Agad nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi loyalty check ang ginawang command conference kagabi sa Camp Crame na pinangunahan ni PNP Chief Director-General Alan Purisima.


Ayon kay C/Supt. Christopher Laxa ng PNP Aviation Security Group, tinalakay lang nila ang trabaho ng PNP at kung nagagampanan ito ng naaayon sa “tuwid na daan” campaign ng Aquino administration.


Magugunitang lumutang ang anggulong loyalty check, matapos gawin ang pulong sa bisperas mismo ng pagharap ni Purisima sa Senate investigation na ipinatawag ni Sen. Grace Poe.


Inaasahang sesentro ang hearing sa mga kinasasangkutang kontrobersya ni Purisima, lalo’t una na itong hindi nakadalo sa pagdinig dahil sa seminar sa Colombia.


Si Purisima ay nahaharap ngayon sa mga kasong plunder, indirect bribery at iba pa kaya pinadadala ng mga senador sa opisyal ang kanyang SALN para ito’y mahimay.


Tiniyak naman ng kampo ng PNP chief ang personal nitong pagharap sa Senado para linawin ang mga kinakaharap niyang isyu. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Chief PNP, walang balak magbitiw sa puwesto


Rollback sa petrolyo ipinatupad ngayong Martes

DAGDAG-BAWAS sa mga produktong petrolyo ang sumalubong ngayong Martes, Setyembre 30.


Ayon sa ulat, alas-12:01 ng madaling-araw unang nag-rollback ang Shell at Petron ng P0.20 kada litro sa diesel at P0.10 kada litro sa gasolina at kerosene.


Sa parehong oras, tapyas sa parehong halaga ang ipinatupad ng PTT Philippines sa diesel at gasolina.


Sunod namang nag-rollback ang Phoenix Petroleum, alas-6:00 ng umaga. P0.20 kada litro rin ang ini-rollback nito sa diesel habang P0.10 kada litro sa gasolina.


Ang dagdag-bawas sa produktong petrolyo ay ayon sa dikta ng world market. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Rollback sa petrolyo ipinatupad ngayong Martes


Bagong bagyo ‘di tatama sa bansa

ASAHAN ngayong maghapon ang maaliwalas na papawirin, subalit maaaring maulit ang malakas at biglaang ulan na nangyari kahapon sa Metro Manila na nagdulot ng baha sa ilang bahagi ng Quezon City.


Kaugnay nito, iniulat ng PAGASA na ‘di tatama sa Phl ang bagong bagyo.


Ayon kay PAGASA forecaster Jori Loiz, posibleng hagipin lang nito ang Philippine area of responsibility (PAR) at hindi tamaan ang mismong landmass ng ating bansa.


Malabo rin umano itong maramdaman dahil sa layo at pataas na direksyon.


Pero kahit hindi gaanong dumikit sa lupa, bibigyan pa rin ito ng local name na Neneng kung papasok sa PAR. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong bagyo ‘di tatama sa bansa


57 pasado sa Naval Architect and Marine Engineer Licensure Examination

INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na mula sa 105 kumuha ng Naval Architect and Marine Engineer Licensure Examination ay 57 lamang ang maswerteng nakapasa.


Ang nasabing pagsusulit ay ibinigay ng Board of Naval Architecture and Marine Engineering sa Maynila nitong Setyembre.


Ang mga miyembro ng Board of Naval Architecture and Marine Engineering na nagbigay ng licensure examination ay sina Engr. William B. Hernandez at Engr. Edward B. Cruz.


Inilabas ang resulta ng pagsusulit dalawang araw matapos isagawa ang licensure exam.


Kabilang sa nakakuha ng mataas na grado ay sina:


1. Rodel Dalawampu Maala, Namei Polytechnic Institute, 89.9


2. Edmund Tejada Ramos, Namei Polytechnic Institute, 89.5


3. Ana Theresa Sibulo Mercado, Mariners Polytechnic College Foundation-Baras, 89.1


4. Marlette Floredeliz Natividad, University of Cebu, 87.7


5. Wilson Monterona Pegarido, University of Cebu, 87.6


6. Dondon Perez Mendoza, Namei Polytechnic Institute, 87.1


7. Norwin Duran Dela Cruz, Namei Polytechnic Institute, 87.0


8. Lea Valle Barrameda, Namei Polytechnic Institute, 86.7


9. Clyde Rupert Sumagang Escalona, University of Cebu, 86.5


Gerald Vincent Bughao Gardiano, Namei Polytechnic Institute, 86.5


10. Ramon Angelo Salilican Chacon, Namei Polytechnic Institute, 86.4


Ayon sa PRC, magsisimula sa Oktubre 3, 2014 ang registration ng pagbibigay o pag-iisyu ng Professional Identification Card and Certificate of Registration .


Kailangan namang magdala ang mga magpaparehistro ng kanilang duly accomplished Oath Form o Panunumpa ng Propesyonal, bagong Community Tax Certificate (cedula), 1 passport size picture (colored at puti ang background na may kumpletong nametag), 2 sets ng metered documentary stamps at 1 short brown envelope na may pangalan at propesyon at kailangan ding magbayad ng Initial Registration Fee na P600 at Annual Registration Fee na P450 para sa taong 2014-2017.


Ang mga mapalad na nakapasa sa pagsusulit ay maaring makapagparehistro ng personal at mag-sign in sa Roster of Registered Professionals.


Samantala, wala pang ibinigay na venue o petsa ng panunumpa ng mga licensure passers. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



57 pasado sa Naval Architect and Marine Engineer Licensure Examination


Lalaking nalunod sa CamSur, patay

PATAY na nang matagpuan ang isang lalaking nalunod sa ilog sa bahagi ng Libmanan, Camarines Sur.


Kinilala ang biktimang si Julio Flordeliz, 46.


Sa imbestigasyon ng pulisya, hinihinalang nalunod umano ang biktima sa nasabing ilog.


Patuloy pa rin sa ngayon ang ginagwang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring insidente.


Kasalukuyan nang nakaburol ang mga labi ng biktima. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Lalaking nalunod sa CamSur, patay


Kelot binolo ng kainuman, kritikal

NASA malubhang lagay ang isang lalaki matapos pagtatagain sa Perez, Quezon.


Kinilala ang biktima na si Alfredo Aquino, 49, ng Bgy. Pagkakaisa ng nasabing lugar.


Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang lumapit sa kanila ang suspek na si Cristopher Verzo, 39, at nagkaroon umano ng pagtatalo.


Napag-alamanng umuwi ang suspek at nang pagbalik ay may dala ng bolo saka pinagtataga ang biktima.


Agad namang isinugod sa Alabat District Hospital ang biktima para lapatan ng lunas.


Samantala, agad namang naaresto ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Perez Municipal Police Station. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot binolo ng kainuman, kritikal


PNoy tiniyak na 'di aabusuhin ang emergency power

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Martes na gagamitin lamang ang emergency power na hinihingi niya sa Kongreso upang mare .. Continue: Philstar.com (source)



PNoy tiniyak na 'di aabusuhin ang emergency power


Pinas tambakan ng basura ng Canada

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Ang Nurse partylist Rep. Leah Paquiz ang umano’y pagpasok sa bansa ng tone-toneladang basura mula sa Canada. .. Continue: Philstar.com (source)



Pinas tambakan ng basura ng Canada


3 suspek sa NAIA bombing kinasuhan na

MANILA, Philippines - Kinasuhan na sa Department of Justice (DOJ) ang tatlong suspek sa tangkang pagpapasabog sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Te .. Continue: Philstar.com (source)



3 suspek sa NAIA bombing kinasuhan na


Yaman n’yo ipabusisi! Hamon kina Cayetano at Trillanes

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) interim secretary general Atty. .. Continue: Philstar.com (source)



Yaman n’yo ipabusisi! Hamon kina Cayetano at Trillanes


VP Binay no. 1 pa ring pres’l bet - Pulse Asia

MANILA, Philippines - Nangunguna pa rin si Vice President Jejomar Binay bilang posibleng presidential candidate sa 2016 elections. .. Continue: Philstar.com (source)



VP Binay no. 1 pa ring pres’l bet - Pulse Asia


4-day work week sa private sector inihirit

MANILA, Philippines - Iminungkahi na ng isang kongresista na gawin na rin sa mga manggagawa mula sa pribadong sector ang 10-hours per day, 4 days a week na t .. Continue: Philstar.com (source)



4-day work week sa private sector inihirit


Haharap sa Senado bitbit ang SALN Purisima hindi magre-resign

MANILA, Philippines - Walang planong magbitiw sa puwesto si PNP Chief Alan Purisima. .. Continue: Philstar.com (source)



Haharap sa Senado bitbit ang SALN Purisima hindi magre-resign


Plunder pa vs Purisima isinampa

MANILA, Philippines - Sinampahan ng panibagong plunder case si PNP Chief Director Gen. .. Continue: Philstar.com (source)



Plunder pa vs Purisima isinampa


Cilic, Williams advance in China Open

U.S. OPEN champions Marin Cilic and Serena Williams defeated separate rivals to open their accounts in the China Open on Monday.


The Croatian Cilic, playing his first ATP tournament since winning a maiden grand slam at Flushing Meadows in early September, topped local wildcard Bai Yan 6-3, 6-4.


Bai, ranked 464th in the world, pushed the fourth seed for long periods on an empty stadium court but wasted four break point opportunities on the Cilic serve.


By contrast, Cilic capitalized on his unheralded opponent’s mistakes to secure a break in each set and advance into the second round.


Meanwhile, a sluggish start saw Williams trailing 0-5 and 40-15 down opposite Spanish qualifier Silvia Soler Espinosa. But the 18-time grand slam champion saved four set points to start her rally on her way to a 7-5, 6-2 victory.


It was the American’s first outing since retiring in the first set of her opening match against Alize Cornet at the Wuhan Open last week because of illness. Noli Cruz


.. Continue: Remate.ph (source)



Cilic, Williams advance in China Open


3 suspek sa NAIA bombing kinasuhan na

KINASUHAN na sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang tatlong suspek sa pagpapasabog sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.


Sa 10-pahinang resolusyon ni Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes, ipinakakasa ni Prosecutor General Claro Arellano kaso laban kina Grandeur Pepito Guerrero, Emmanuel San Pedro at Sonny Yohanon.


Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong paglabag sa Section 3 ng Presidential Decree 1866 na inamyendahan ng Republic Act 9516 o Illegal Possession of Incendiary Device ang tatlo at walang inirekomendang piyansa sa mga ito.


Ibinasura naman ng DOJ ang kasong illegal possession of firearms sa nasamsam na .38 calibre revolver, dahil sa pagkabigo ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsumite ng certification na ito’y hindi lisensyado o hindi maaaring dalhin ng respondents.


Setyembre 1 nang masabat ng NBI-Anti-Organized and Transnational Crime Division ang Toyota Revo na naglalaman ng molotov bomb sa parking lot ng NAIA. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



3 suspek sa NAIA bombing kinasuhan na


MAGMAMAHAL LAHAT SA NAIA DAHIL SA PRIBATISASYON

HINDI lang mga industriya ng langis, kuryente, ospital at iba pa ang ipinahahawak ng gobyerno sa mga pribadong kumpanya.


Maging ang Ninoy Aquino International Airport ay isasapribado na rin, lalo na ang operation and maintenance nito.


Nang isapribado ang mga industriya ng langis at kuryente, sinabi ng gobyerno na magiging mura ang mga langis at kuryente. Gaya ng alam na ng lahat, kabaliktaran ang nangyari.


May mga public hospital namang isinasapribado na gaya ng Jose Fabella at National Orthopedic sa maigsing katawagan. Magmamamahal na rin ba nang todo ang singilin sa mga nanay na manganganak sa Fabella at sa mga biktima ng sakit at disgrasya sa buto sa Orthopedic?


Malamang na mangyayari gaya ng nangyari na sa mga industriya ng langis at kuryente.


NAIA SISIKIP


Ayon sa Japan International Cooperation Agency, magsimulang sisikip na nang husto ang NAIA sa eroplano at pasahero simula sa 2015.


Sa kasalukuyan kasi, sa pasahero lamang, hanggang 35-milyon katao lang bawat taon ang kaya ng NAIA na kargahin nang maayos ang kilos at kalagayan. Pero napansing biglang lumaki ang pasahero sa NAIA mula sa 31.88-milyon noong 2012 sa tinatayang 37.78M sa susunod na taon.


Lalong lolobo ang pasahero sa 101.49M ang NAIA sa 2014 o 25 taon mula ngayon.


Sinasabing ngayon pa lang kung ganoon ay dapat nang kumilos ang pamahalaan para magawan ng paraan ang problema sa pagsisikip ng pasahero at eroplano.


Kung totoo ang sinasabi ng JICA, maaaring magkakaproblema nga ang pangunahin nating paliparan.


BAKIT PRIBADO


Habang maaaring magkatotoo ang sinasabi ng JICA, ang isang katanungan ay kung kinakailangan na mga pribadong kumpanya ang hahawak ng operation and maintenance ng NAIA para maayos umanong masolusyunan ang problema.


Malinaw ang sinasabi ng gobyerno: hindi kaya ng gobyerno ang gumastos ng malaki para sa operation and maintenance at hindi sila sigurado na kung magpapatuloy sa kamay ng gobyerno ang operation and maintenance ay magiging maganda talaga ang takbo ng NAIA. Bopol ba ang mga nasa pamahalaan?


Anak ng pitong putakte, pwede bang pagtatanggalin na lang ang lahat diyan sa NAIA at ang mga taga-Department of Transportation and Communication na may mga katwirang ganyan?


SERBISYO MAGMAMAHAL


Mayroon namang nagsasabi na ang pribatisyon ng nasabing bahagi ng NAIA ay magdudulot lang ng pagmamahal ng serbisyo ng NAIA sa lahat. At magdudulot ito ng higit na sagabal sa magandang serbisyo ng NAIA, lalo na sa mga pasahero.


Halimbawa ang sinasabi ni Sen. Antonio Trillanes III na tiyak na magmamahal ang airport fees.


Kabilang sa mga airport fee ang terminal fee ng mga pasahero at eroplano. Maaaring magmamahal din ang pamasahe sa mga taxi at lahat ng pagdyinggel at pag-etsas ay magkakaroon na rin ng bayad. Ang mga naghahatid-sundo ng mga pasahero na mga pamilya ay maaaring magulat na rin kung sakaling may parking fee sa kanilang mga sasakyan.


Ganyan kasi, mga Bro, ang nagaganap sa mga establisimyento na hawak ng mga pribadong kompanya.


Lahat ng ito ay magiging sagabal sa pag-unlad ng buhay ng mga mamamayan.


Kabilang sa mga matatamaan ang milyong OFW at pamilya ng mga ito na laging nasa airport para makapaghanapbuhay para sa ating bansa. Kung iisipin natin, mas marami pa ring Pinoy ang gumagamit ng NAIA kaysa ang mga dayuhan at mismong ang mga Pinoy ang maghihirap sa pribatisasyon ng NAIA.


WALANG KASIGURUHAN


Batay sa karanasan sa operation and maintenance ng Metro Rail Transit, maaaring hindi matitiyak ang maayos na operasyon at maintenence ng NAIA.


Sa MRT, mga Bro, puro kapalpakan ang mga nagaganap.


Hindi na natin kailangang isa-isahin pa ang mga kapalpakan dito dahil buwisit na buwisit na ang mga pasahero sa masamang serbisyo ng MRT dahil sa palpak na pribadong operation ang maintenance.


Ang isang tanong: magiging MRT-style rin kaya ang magaganap kung ibigay na sa mga pribadong kumpanya ang nasabing bahagi ng NAIA?


Walang nakatitiyak. Pero lilikha ng problemang malaki tiyak ang pribatisasyon ng operation and maintenence.


Magsisikip at magsisikip ang NAIA simula sa 2015 dahil hindi pa naaayos ang ibang mga airport na maaaring makatulong sa airport congestion.


Mayroon nang mga airport na ipagagawa, palalakihin at pauunlarin ang mga pasilidad pero sa mga susunod pa lang na mga taon.


At hindi makahahabol sa pagluluwag ng NAIA.


Pero ang magiging malaking pagbabago kaagad ay ang pagmamahal ng lahat ng serbisyo rito na tiyak na magiging problema ng mga mamamayan.


HAWAKAN NG PAMAHALAAN


Hindi tayo naniniwala na walang kakayahan ang pamahalaan na hawakan ang lahat ng aspeto ng serbisyo ng NAIA.


Naniniwala tayong hindi nawawalan kundi sobra-sobra pa ang mga eksperto nating kababayan na kayang humawak ng operation and maintenance ng NAIA sa ilalim ng gobyerno.


Isa pa, nakatatakot isipin na kung hawakan ng mga pribadong kumpanya ang mahalagang bahaging ito ng NAIA, baka darating ang araw na kung gustong iparalisa ito ng mga pribadong kumpanya ay magagawa nila at wala nang magagawa ang gobyerno kundi manikluhod at magmakaawa, gaya ng nangyayari sa mga industriya ng langis, kuryente, MRT at iba pa.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


.. Continue: Remate.ph (source)



MAGMAMAHAL LAHAT SA NAIA DAHIL SA PRIBATISASYON


CONCERTED EFFORTS

THE three top local officials in the cities of Caloocan, Malabon and Navotas joined together in a clean-up drive set last Saturday involving a wide creek that traverses the neighboring localities, according to Navotas Mayor John Rey Tiangco himself.


It turns out that the project was part of the celebration of the International Coastal Clean-up Day and the ‘Manila BAYanihan para sa Kalikasan:’ Million People Clean-up program which is being spearheaded by the Department of Environment of Natural Resources (DENR).


Mayor Tiangco says that he and Mayors Oca Malapitan (Caloocan) and Lenlen Oreta (Malabon) have agreed to pool their resources as they set the clean-up campaign involving the long stretch of a creek along Lapu-lapu Street which traverses the three adjoining cities.


“Our concerted efforts was only the signal of the start of the government’s Adopt-an-Estero program primarily aimed to sustain the cleanliness of the Manila Bay and its adjoining waters,” Mayor Tiangco says.


He adds: “Napakahalaga ang pagkakaisa ng bawat lungsod sa Metro Manila upang makamit ang nasabing layunin.”


At the same time, Mayor Tiangco says that the entire barangay officials from the 14 villages led by its Liga ng mga Barangay spearheaded a simultaneous city-wide clean-up activity at the same day.


The Tiangco administration started in 2011 the conduct of regular clean-up activity and anti-dengue spraying in different areas all over the city.


Just last month, it had partnered with the GreenBuild Waste Management Services and launched a program which encouraged residents to segregate their garbage and make money out of it.


There you go.


VALMASCI


Painted in platinum and white, streamlined, and grid-based, the design of the brand-new Valenzuela City School of Mathematics and Science (ValMaSci) building in Barangay Malinta, which opened its doors, brings to mind a slick office appliance.


The interior evokes that of a mall, with the four levels built around an atrium.


Including the roof deck, the combined building floor area is at 7,200 square meters. The science laboratories on the first floor – chemistry, biology and general science, and physics and robotics – have the look of their counterparts in a university.


“With something as grand as this, we want to stir an interest in mathematics and science among the youth in the city,” Mayor Rex Gatchalian said.


The campus, which costs P199-million to construct and outfit, is a project under the city government’s Education 360-Degree Investment Program, a large-scale spending to shore up the local educational system, according to the former lawmaker-turned-mayor.


The plan allots P300-million for the building of 201 classrooms, reading improvement programs, teacher and parent trainings and feeding programs.


The construction of the 20-classroom building lasted for six months, the mayor says. GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


.. Continue: Remate.ph (source)



CONCERTED EFFORTS