Monday, August 18, 2014

PAGSUMITE NG SSS ELECTRONIC COLLECTION LIST

PAALALA sa mga employer, kapag kayo ay magsusumite ng electronic contribution at loan collection lists (R3 at ML2), tanging nasa USB o CD lamang ang tatanggapin ng Social Security System (SSS).


Upang mapadali ang paggawa at pagproseso nito, i-download ang R3 File Generator Program mula sa SSS website: www.sss.gov.ph


Samantala, ang household employer ay maaari pa rin ipagpatuloy ang pagsumite ng collection lists gamit ang dating R3 at ML2 forms.


Para sa ibang katanungan, tumawag sa SSS hotline: 920-6446 hanggang 55


-oOo-

INAGURASYON NG SANGAY NG SSS SA MOLO, ILOILO CITY


Mahigit 10,000 employees at halos 2,000 employers ang paglilingkuran ng bagong bukas na sangay ng Social Security System (SSS). Ang nasabing Service Office (SO) ng SSS ay matatagpuan sa 2nd floor ng GT Mall, M.H. Del Pilar St., Molo, Iloilo City.


Si SSS President and Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros, Jr. ang nanguna sa Molo Branch Office inauguration na ginanap noong Agosto 08, 2014.

Pinangunahan ni De Quiros ang ribbon cutting, katuwang si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, na sinundan ng seremonya ng pagsisinaya. Sinaksihan nina Iloilo Provincial Administrator Dr. Raul Bañas, SSS Branch Evaluation and Services Department Head Gloria Cuisia, SSS Senior Vice-President for Visayas and Mindanao Group Eddie Jara, at SSS Vice President for General Services Division Nestor Sacayan.


Ang SSS Molo Branch, ay maglilingkod sa maraming self-employed at mga boluntaryong myembro na naninirahan malapit sa distrito ng Molo, Mandurriao at Arevalo sa Iloilo City, kasama rin ang Munisipalidad ng Oton, Tabungan, Igbaras, Guimbal, Miagao, San Joaquin, Alimodian, at San Miguel. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong


.. Continue: Remate.ph (source)



PAGSUMITE NG SSS ELECTRONIC COLLECTION LIST


No comments:

Post a Comment