Monday, August 11, 2014

2 motor nagsuwagan, 3 patay

PATAY ang tatlo katao matapos magsuwagan ang dalawang motor sa Bgy. Labuo, Pres. Roxas, Cotabato, Sabado ng gabi.


Kinilala ang mga biktima na sina Filimon Tayco, PhilJohn Jabonillo at Ryan Mendoza, mga residente ng Bgy. Kamarahan, nasabing lugar.


Sa ulat, alas-9:30 ng gabi habang binabaybay ng Kawasaki Bajaj na may side car at may license plate NR 4851 ang kahabaan ng National Highway buhat sa Poblacion ng President Roxas ng aksidenteng mabangga sa isang Honda XRM 125 na may plakang 4858 mula naman sa kasalungat na direksyon.


Dahil sa lakas ng pagkakabunggo, tatlo ang patay kasama na dito ang drayber ng XRM na si Mendoza at ang dalawang pasahero ng Kawasaki Bajaj. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



2 motor nagsuwagan, 3 patay


No comments:

Post a Comment