Saturday, November 23, 2013

‘Yolanda’ victims: Sana bisitahin kami ni Pacman

Ni Aaron Recuenco


TACLOBAN CITY- Manalo o matalo, umaasa ang mga residente ng siyudad na ito na nasalanta ng bagyong “Yolanda,” na bibisitahin sila ni world boxing champion at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao matapos ang pakikipagbakbakan nito kay Mexican-American fi ghter Brandon Rios ngayong Linggo sa Macau.



Malaki ang paniniwala ni Jimmy Villegas, 46, tricycle driver, na mapababagsak ni Pacman si Rios dahil naibalik na nito ang kanyang magandang kondisyon.


“Gusto ko siyang makita na nakasakay sa isang motorcade. Gusto ko siyang kamayan,” sabi ni Villegas.


Ang pinakaaabangang laban nina Pacquiao at Rios ang inaasahang makapagpapawi ng kahirapan at kalungkutan ng mga residente ng Tacloban na hanggang sa ngayon ay tuliro kung paano makaaahon sa pinsalang idinulot ni “Yolanda.” Dahil sa walang kuryente ang maraming lugar sa Tacloban, tanggap ni Villegas na ito ang unang pagkakataon hindi niya mapanonood ang laban ni Pacquiao.


Aniya, pipilitin niyang makapanood ng Pacquiao-Rios match sa isa sa tatlong lugar kung saan mayroong libreng palabas ng boxing event sa Macau. Ang mga ito ay matatagpuan sa Tacloban City Hall, sa plaza at isa pang lugar sa poblacion.


Ayon naman kay Nenita Ladrera, 58, kumakalat ang tsimis sa evacuation center sa Leyte National High School ang planong pagbisita ni Pacquiao sa Tacloban. Pangunahing usap-usapan na rin sa mga evacuee kung sino ang mananalo sa laban,

subalit karamihan sa mga ito ay nagsasabing llamado si Pacquiao.


“Salamat naman at maipalalabas nila ang laban ni Pacman dito. Pupunta ako roon,” sabi ni Ladrera.


Karamihan din sa mga biktima ng bagyong “Yolanda” ang ipinagdarasal ang tagumpay ni Pacquiao sa laban upang makatulong ang kanyang bilyong pisong kikitain sa kanyang pagkapanalo sa rehabilitasyon ng Tacloban City. “Idadalangin ko siya para manalo,” sabi ni Ladrera.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Yolanda’ victims: Sana bisitahin kami ni Pacman


No comments:

Post a Comment