Wednesday, November 20, 2013

Yolanda survivors binalaan sa pagkain ng patay na hayop at meat products na nalubog sa tubig-baha

MARIING binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) at National Meat Inspection Service (NMIS) ang publiko, partikular na ang mga Yolanda survivors, laban sa pagkain ng mga patay na hayop at meat products na nalubog sa tubig-baha dahil mapanganib ang mga ito sa kalusugan.


Ang public warning ay inilabas ng FDA at NMIS dahil maaaring mapilitang kumain ng mga patay na hayop at iba pang pagkain na mapanganib sa kalusugan ang mga nagugutom na typhoon survivors upang maka-survive lamang at maibsan ang gutom na dinaranas.


“The public is warned against eating dead animals as well as consuming thawed frozen meat and meat products for a long period of time in submerged in flood water,” bahagi ng Joint NMIS-FDA Advisory 2013-001, na may petsang Nobyembre 17.


Ipinaliwanag ng FDA na pinamumunuan ni acting director general Kenneth Hartigan-Go at NMIS, na nasa ilalim naman ng pamumuno ni executive director Minda Manantan, na ang tubig-baha ay maraming dalang dumi, bacteria at toxicants, tulad ng langis at chemical waste, na tiyak na mapupunta sa mga pagkaing nababad dito sa matagal na panahon.


Maging ang canned goods o mga de-lata ay nalubog din sa tubig-baha ay dapat pa ring busisiing mabuti kung nakontamina.


Ang mga patay na hayop naman na hindi pinadugo matapos na mamatay ay maaaring pagmulan ng microbial infection at toxins.


Mabilis kasing pumapasok sa laman ng patay na hayop ang mga bacteria sa balat at bituka nito, na nagreresulta sa putrefactions at produksiyon ng toxic metabolic products.


Ang hindi magandang epekto ng pagkain ng mga meat-borne parasites ay lumalabas sa huling bahagi ng impeksiyon.


Kaugnay nito, pinayuhan din ng dalawang ahensiya ang consumers na itapon ang mga pagkaing hindi tiyak ang kaligtasan at kumonsulta agad sa doktor sa sandaling magkasakit o sumama ang pakiramdam matapos na makakain ng mga ito.


Una na ring binalaan ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag ang typhoon survivors laban sa pagkain ng mga patay na hayop.


The post Yolanda survivors binalaan sa pagkain ng patay na hayop at meat products na nalubog sa tubig-baha appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Yolanda survivors binalaan sa pagkain ng patay na hayop at meat products na nalubog sa tubig-baha


No comments:

Post a Comment