Thursday, November 7, 2013

Yaman ng Brunei, tampok sa ‘Biyahe ni Drew’

KAKAIBA at di-inaasahan ang tema ng Biyahe ni Drew sa paglilibot ni Drew Arellano sa Brunei na mapapanood ngayong 10:00 PM sa GMA News TV.


Tinataguriang The Abode of Peace, ang Negara Brunei Darussalam ay matatagpuan sa timog-kanluran ng Pilipinas, sa isla ng Borneo. Ito ang isa sa pinakamaliit na non-island nation sa mundo pero isa rin sa pinakamayamang bansa, dulot ng pagkakadiskubre sa malaking deposito ng langis sa kanilang lupain noong 1920s.



Ipapakita ni Drew kung gaano katahimik at kapayapa ang buhay sa Brunei. May disiplina ang mga motorista. Mababa ang presyo ng mga bilihin, lalo na ang gasolina na mas mura kaysa sa tubig. Mababa rin ang unemployment rate. Ang registered citizen na walang trabaho ay binibigyan ng trabaho ng gobyerno.


Babalikan ni Drew ang kasaysayan ng Brunei sa Water Village, ang komunidad na binubuo ng humigit kumulang dalawampung libong mamamayan.


Dito nag-umpisa, bilang fishing village, ang Brunei bago naging marangyang bansa. Makikita sa lugar ang payak pero komportableng pamumuhay ng mga mamamayan hanggang ngayon.


Magtutungo rin si Drew sa Ulu Temburong National Park at sasakay sa isang bangka. Aakyatin din niya ang 800 steps para marating ang canopy o tuktok ng gubat. Titikman din niya ang kakaibang ulam na gawa sa manok at niluto sa loob ng kawayan.


Maraming hotel at inns sa Brunei, mula government-managed youth center hanggang sa 5-star accommodations. Pero ang pinakamatindi ay ang 6-star na Empire Hotel and Country Club na pag-aari ng Sultan ng Brunei. Ang pinakamahal na kuwarto ay tumataginting na P512,000 kada gabi ang bayad, pero tiyak na matutulog kang mala-hari o reyna dahil ultimo trimmings o palamuti ay gawa sa totoong ginto. -Nora Calderon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Yaman ng Brunei, tampok sa ‘Biyahe ni Drew’


No comments:

Post a Comment