Monday, November 25, 2013

YAKAPIN MO ANG IYONG MAGULANG

Dugtungan natin ngayon ang gabay sa pakikipagkapwa. Bago pa tayo mawalan ng human touch sa ating pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa sa isa’t isa, narito pa ang ilang gabay:



  • Sabihin mo sa iyong minamahal na naiisip mo siya buong araw. Maglagay ka ng barya sa lata ng matandang nagpapalimos. Paraanin mo ang isang nagmamadali. Dagdagan mo ang sahog ng iyong niluluto at mamahagi sa iyong kapitbahay. Pagaanin mo ang damdamin ng isang nalulungkot sa pagbibigay halimbawa ng isang bulaklak. Dumalaw ka sa lamay. Ikaw na ang maglagay ng iyong mga pinamili sa supot. Mag-donate ka ng dugo.

  • Tumulong ka sa paglilinis ng inyong komunidad, lalo na pagkatapos ng ano mang kalamidad. Ibigay mo ang iyong silya sa mas mahina pa sa iyo kung wala nang maupuan. Ibigay ang iyong espasyo sa pila sa taong ilang piraso lang ang pinamili. Yakapin mo ang iyong magulang kahit walang dahilan.

  • Eksaktong pamasahe ang ibayad sa driver ng jeep, lalo na sa umaga. Magpasalamat ka sa tricycle driver na nag-hatid sa iyo. Ipasa sa iba ang papuring narinig mo tungkol sa isang kasama sa trabaho. Magkomento tungkol sa pagtatanghal ng isang kasama. Magpatawad sa nagawang kasalanan ng iba laban sa iyo. Magpasukob ka sa iyong payong. Batiin mo ang isang bagong kapitbahay. Mag-alok kung mayroong kailangan ang iyong kasama habang nasa tindahan ka.

  • Makipaglaro ka sa mga bata at hayaan mong manalo sila. Manlibre ka ng load. Magpakuwento ka sa isang matanda tungkol sa masasayang araw ng panahon nila. Mag-donate ng pagkain at damit, kumot at kulambo sa mga nasalanta ng bagyo.

  • Guntingin mo ang artikulong ito at ipadala sa iyong best friend.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



YAKAPIN MO ANG IYONG MAGULANG


No comments:

Post a Comment