Tuesday, November 5, 2013

Women’s desk ng ‘Pinas sa France

Inanunsiyo ng Embahada ng Pilipinas sa Paris ang pagtatayo ng Violence Against Women (VAW) Desk upang lalong matutukan ang iba’t ibang sitwasyon at kaso ng karahasang kinakaharap ng mga Pilipina sa France.



Gaya ng VAW desks sa lahat ng barangay sa Pilipinas, tungkulin nitong tumanggap ng biktima ng VAW, igalang ang alituntunin ng confidentiality, makikipagtulungan sa mga asosasyon sa France upang maisailalim ng biktima sa orientation para sa tulong na psychological o medical, magpapanatili sa database ng mga kaso at iuulat ang mga ito sa Manila at abisuhan ang mga babae para sa kanilang posibleng aksyon sa ilalim ng batas ng mga French.


Bilang tugon sa inisyatiba, nagpasya ang iba’t ibang asosasyon na bumuo ng VAW Working Group bilang kaagapay ng VAW Desk. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Women’s desk ng ‘Pinas sa France


No comments:

Post a Comment