Tuesday, November 12, 2013

Wenn Deramas at DJ Durano, ‘nagkabalikan’ na

Ni Jimi Escala


Direk Wenn Deramas NAGKABATI at magkaibigan na uli sina Direk Wenn Deramas at DJ Durano na mahigit na sampung taon ding naging “best of friends”. Ang pagkakaospital ni Direk Wenn kamakailan ang naging susi para sa pagkakaayos nila ni DJ. Nasa ibang bansa si DJ nang isugod sa ospital si Direk Wenn pero pagdating na pagdating sa Pilipinas ay agad niyang pinuntahan at inaalam ang kalagayan ng kanyang mentor at special friend.



Dinalaw ni DJ ang location shooting ng Girl, Boy Bakla, Tomboy para personal na kumustahin ang mahal niyang direktor. Pero hindi niya naabutan si Direk Wenn na nagkataong bumalik sa ospital para sa kanyang follow-up check up. Pero kahit hindi dinatnan ang direktor umuwi rin namang masaya ang aktor dahil nalaman niyang maayos na ang kalagayan nito.


Pero ang isa sa talagang ikinatuwa ni DJ Durano ay ang ipinarating na balita sa kanya ng mga namamahala ng produksiyon na kasama na rin siya sa cast ng nabanggit na pelikula. May ilang pelikula kasi si Direk Wenn na hindi na isinama si DJ simula nang mapabalita ang paghihiwalay nila. Nope, hindi raw mismong si Direk Wenn ang may pakana kungdi ang isa sa pinakatamataas na bossing ng Star Cinema.


“Pansinin mo, halos lahat ng box office hit na movies ni Direk kasama si DJ Durano. Kaya maaring isa sa tala gang nagdadala ng suwerte kay Direk Wenn, eh, si DJ,” sey ng isang production staff ng pelikula na nakausap namin.


Entry sa Metro Manila Film Festival ang Girl Boy Bakla Tomboy na pagbibidahan ng phenomenal box office star na si Vice Ganda.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Wenn Deramas at DJ Durano, ‘nagkabalikan’ na


No comments:

Post a Comment