Wednesday, November 13, 2013

Weather forecaster, tinangay ng alon, natagpuang buhay

Matapos ang limang araw na paghahanap, natagpuan na rin ang isang weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na limang araw na nawala matapos mapabilang sa hagupit ng super typhoon ‘Yolanda’ ang kanilang tanggapan sa Tacloban City noong Nobyembre 5.



Sinabi ni Ramon Agustin, pangulo ng Philippine Weathermen Employees’ Association (PWEA), natagpuan ng ilang residente sa lungsod si Salvacion Avestruz, 40, na malubhang nasugatan matapos tangayin ng malakas na alon sa kasagsagan ng bagyong “Yolanda” sa Visayas.


Kaagad namang inilipad si Avestruz patungong Cebu upang ipagamot sa tinamong mga sugat.


Nilinaw ni Agustin na ipinagbigay-alam na nila sa mga kaanak ni Avestruz ang kalagayan nito.


Si Avestruz ay kabilang lamang sa apat na naka-duty sa PAGASA-Tacloban noong nakalipas na Biyernes nang hagupitin ng storm surge ang kanilang tanggapan subalit sila’y tinangay ng malalaking alon sa laot.


Ang tatlong kasamahan ni Avestruz ay nauna nang nakaligtas ngunit hindi ito makita ng mga rescuer dahil na rin sa biglaang pagbaha na lumikha ng malalaking alon. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Weather forecaster, tinangay ng alon, natagpuang buhay


No comments:

Post a Comment