Monday, November 18, 2013

Wally Bayola, bubulaga na uli?

“NO comment” ang sagot sa amin ni Ms. Malou Chua-Fagar nang tanungin namin kung totoong babalik na sa susunod na buwan si Wally Bayola sa Eat Bulaga.


WALLY Bayola Dagdag na sagot ni Ms. Malou, wala raw naman sa kanya ang desisyon sa bagay na ‘yun. Pag-uusapan naman daw nilang lahat ‘yun hindi lang ng mga taong involved sa Eat Bulaga kundi pati na rin ng mga tao na itinuturing nilang extended family lalung-lalo na ang televiewers.



Nag-voluntary resignation si Wally sa Eat Bulaga nang pumutok ang sex video scandal nila ng isang EB Babe. Kaya hindi tinanggal sa programa si Wally kundi desisyon nito na umalis sa programa.


Pero madali rin namang makalimot ang mga Pinoy. Pinagpipistahan siya dati, sumunod ang isyu kay Janet Lim-Napoles, at ngayon ang nasa headline ay si ‘Yolanda’ at hindi na napag-uusapan ang isyu kay Wally.


Kung muling bubulaga sa noontime show si Wally ay sasaya uli ang fans ng tandem nila ni Jose Manalo.


Bagamat kayang-kaya namang mag-isa ni Jose ang segment nilang “Juan For All”, mas may dating sa mga tagasubaybay ng EB kung magkasama silang dalawa. —Jimi Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Wally Bayola, bubulaga na uli?


No comments:

Post a Comment