Friday, November 22, 2013

Walang masama sa pagiging starlet!

NATATAWA ako kapag ang isang artista ay tinatawag na starlet ng isang artistang nakapagbida na. Walang masama sa pagiging starlet. Marami sating mga naging sikat na mga artista na nanggaling sa pagiging starlet. Noong araw bago ka maging bida ay daraan ka muna sa pagiging starlet. ‘Di ba’t kinoronahan si Rosemarie Sonora ng Philippine Movie Starlet ng 1964?


Naging starlet din sina Nida Blanca, Gloria Romero, Susan Roces, Amalia Fuentes, at marami pang ibang mga higanteng mga artista. Kaya huwag kutyain ang pagiging starlet at huwag ding magalit kung masabihan kayong starlet. Ayaw ni Nory Dalisay ng ganyan.


***

PINAMIGAY na ni Kris ang kanyang mga nakalap na mga donasyon sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo roon sa Concepcion, Iloilo nitong nakaraang linggo upang makita niya nang personal ang nakapaghihilakbot na hitsura ng lugar na nasalanta.


Hindi inalintana ni Kris ang init ng panahon at pagod. Kasama niya na nagbigay ng mga nakalap niyang mga donasyon si Angel Locsin sa pamamagitan ng AbS-CBN Sagip Kapamilya.


Lugod na nasiyahan si Kris sa kanyang pamimigay ng relief goods doon sa mga tao na nasalanta ang kanilang mga kabahayan. Sa pakiwari ng actress/TV host saglit na nakalimutan ng mga tao ang kalungkutan nang makita sila ni Angel.

Masaya ang mga mukha nila, para bang nabuhayan sila ng loob na ang isang katulad ni Kris ay nagtiyagang pumunta sa kanilang lugar upang sila ay abutan ng tulong.


Sabagay sa mga probinsiya lalo na malayo sa Metro Manila kapag nakakakita ng artista, masayang-masaya na sila.


sa ginawa ni Kris, ayon daw ang pambawi sa mga tao sa kakulangan ng kanyang kapatid na Presidente ng Pilipinas. Ganun ba? ang mga tao nga naman tinulungan na nga kung ano-ano pa ang sinasabi. Ciao Bambino!


The post Walang masama sa pagiging starlet! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Walang masama sa pagiging starlet!


No comments:

Post a Comment