Tuesday, November 12, 2013

VP Binay, nagpasalamat sa mga ‘bagong bayani’

Dumulog si Vice President Jejomar C. Binay sa Twitter upang magpasalamat sa mga volunteer na nagdadala ng relief goods sa mga lugar sa Visayas na sinalanta ng super bagyong ‘Yolanda’ at tinawag ang mga ito na mga “bagong bayani” ng bansa.



Sa kanyang account sa Twitter (@VPJojoBinay), pinasalamatan ng Bise Presidente ang Philippine Red Cross at ang mga volunteer nito sa pagtulong sa mga biktima ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan.


“Let us also thank all LGU workers who continue to serve despite their own personal tragedies,” tweet ni Binay.


“Volunteers, ordinary Filipinos with extraordinary hearts. This tragedy brings out the hero in all of us. Your selflessness truly gives us hope,” patuloy pa ni Binay.


Una nang hinimok ni Binay ang mga Pilipino “to stand united and help each other” sa gitna ng matinding pinsalang idinulot ng bagyo sa Visayas.


“We have always shown that despite the various disasters that strike, we can always rise again,” tweet pa ni Binay, na nagdiwang ng ika-71 kaarawan noong Nobyembre 11.


Hinikayat niya ang mga Pilipino “[to] give a hand in helping their brothers and sisters get over the tragedy.”


Inilarawan niya ang pananalasa ng Yolanda bilang isang “national tragedy.”


Sinabi pa ng Bise Presidente na “finger-pointing should not be the order of the day.” – JC Bello Ruiz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



VP Binay, nagpasalamat sa mga ‘bagong bayani’


No comments:

Post a Comment