Monday, November 11, 2013

Visa raid sa Saudi Arabia: Pulis at banyagang manggagawa, nagkakagulo

RIYADH (Reuters)– Nakasagupa ang Saudi Arabian police at mga banyagang manggagawa sa isang maralitang distrito sa Riyadh noong Sabado, halos isang linggo nang magsimula ang visa crackdown na libu-libo ang idinetine at isa ang napatay ng mga pulis.



Nagbaril ang security forces na naka-riot gear sa hangin at gumamit ng batuta para buwagin ang malaking crowd habang dose-dosenang kalalakihan at kababaihan ang nagtatakbuhan sa mga kalsada, ang ilan ay naghagis ng bato at ang ilan ay missile sa mga saakyan at sa mga pulis, sinabi ng mga saksi ng Reuters.


Hindi pa malinaw kung ilang tao ang nasugatan sa mga kaguluhan sa pamayanan ng Manfuhah sa timog ng Riyadh. Karamihan ng mga banyagang manggagawa na sangkot sa kaguluhan ay pinaniniwalaang mga African.


Sinabi ng mga awtoridad ngayong taon na hindi na nila kukunsintihin ang mga banyagang manggagawa na lumalabag sa patakaran sa visa sa pagtatrabaho sa mga kumpanyang hindi nag-sponsor ng kanilang pagpasok sa nangungunang oil exporter ng mundo.


Layunin nitong mawakasan ang black market para sa murang banyagang manggagawa, mabawasan ang foreign labor force, bawasan ang daloy ng mga remittance patungo sa ibang bansa at mabigyan ng trabaho ang mas maraming Saudi citizen sa pribadong sektor.


Pumaso ang pitong buwang amnestiya para sa mga banyaga para ayusin ang kanilang visa status nang walang parusa o lisanin ang bansa – nagtulak ng exodus ng daan-daang libong manggagawa – noong Nobyembre 4, nagbunsod ng pagsisimula ng crackdown. Libu-libo na ang naaresto.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Visa raid sa Saudi Arabia: Pulis at banyagang manggagawa, nagkakagulo


No comments:

Post a Comment