Saturday, November 23, 2013

Vilma Santos, consistent sa pagtulong na walang ingay

Ni Jimi C. Escala


MAY showbiz personalities at mga pulitiko na lantaran ang pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ni Yolanda. Bagamat malinis ang intensiyong makatulong, hindi maiiwasang may magduda sa kanilang hangarin dahil nga

ipinangangalandakan nila ang pagtulong nila.



Pero may mga personalidad ding hindi na ipinaaalam sa madlang pipol ang pagtulong. Han sa mga artistapulitikong tumulong nang palihim si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. Hindi na niya kinailangang ipa-press release kung magkano ang ibinigay niya at kung anu-ano ang mga nagawa niya para sa mga kababayan natin sa Kabisayaan. Knows namin ang malaking halagang ibinigay ni Ate Vi sa tatlong ahensiya pero pinakiusapan kami ng mga taong mala pit sa kanya na huwag naming isulat dahil magagalit daw ang gobernadora.


Ever since naman ay nakahandang tumulong si Ate Vi, pero ayaw talaga niyang ipangalandakan ang naitulong niya. “Kahit walang nakakaalam sa ginawang tulong ni Vi, ang importante, eh, nagawa niyang tumulong sa mga kababayan natin. Sabi nga niya sa amin, ‘Alam ng Itaas ang ginawa ko at Siya na ang bahala sa akin a t sa mga taong tinulungan natin’ ,” sey ng

isang taong malapit sa Star for All Seasons.


No comment si Ate Vi sa mga pulitikong halos ipamukha pa sa mga biktima na galing sa kanila ang ipinadalang tulong. Halos kasing laki kasi ng pinaglalagyan ng relief goods ang mukha at pangalan ng naturang mga pulitiko.


Natawa naman si Ate Vi sa reaksiyon ng kaibigang si Sharon Cuneta through Twitter account ng huli at tinawag na “ang kapal” ang mga pulitikong nagpadala ng relief goods na may nakalagay na pangalan sa bags.


Bukod kina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Kris Aquino, Boy Abunda, Angel Locsin, mga Kapamilya at Kapuso stars, at Sen. Bong Revilla na walang pakialam sa kaliwa’t kanang detractors niya ay parami nang parami ang mga artistang tumutulong sa mga binagyo. But still, may mga showbiz personality pa rin na nananatiling dedma at wala yatang pakiramdam ang mga ito na may nagdurusa silang mga kababayan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Vilma Santos, consistent sa pagtulong na walang ingay


No comments:

Post a Comment