Wednesday, November 13, 2013

Vilma, hinihimok maging presidente ng mga senior citizen sa Batangas

VILMA Santos


Ni Reggee Bonoan


MULING pumirma si Vilma Santos ng panibagong kontrata sa The Generics Pharmacy (TGP) para ipagpatuloy ang kanilang nasimulang misyon sa pagtulong sa mahihirap.


Ayon sa TGP President at CEO na si Benjamin L. Liuson, “Vilma Santos-Recto is more than just a celebrity, she is an icon and highly-respected public servant that shares the same vision and values as we do with regard to health care, making her the obvious choice as our brand endorser.



“In fact, she has already started massive health campaign in her home province to promote awareness on the use of generics as an alterantive to more affordable yet still equally safe and effective medicines.”


“Ang Batangas po ay mayroon twelve (12) district hospitals, nu’ng maging governor po ako, apart of our housekeeping, nalaman ko po na kaya pala maraming umaangal na mahihirap kasi ang mahirap pala kapag pumunta sa isang public hospital at wala namang facilities na gagamitin sa public hospital, walang choice ang mahihirap but to go to a private hospital na sisingilin sila,” kuwento naman ni Batangas Gov. Vilma Santos.


“So ang unang-unang binigyan namin ng prayoridad sa pondo po ng Batangas ay ang pagre-rehabilitate at expansion ng twelve district hospitals in the province. And apart of that ay ‘yung paglalagay ng procurement ng pondo para makabili po ng X-ray (machine), lahat ng pupuwedeng magamit ng pasyente na kakailanganin nila kapag pumunta sila sa isang public hospital, paglalagay ng mga tamang gamot, pag-aayos ng emergency rooms,” paliwanag pa ni Governor Vi.


Nabanggit din na namahagi si Gov. Vi ng Philhealth cards para sa less fortunate hindi gumagastos ng sobra-sobra kapag nagkakasakit, bagamat hindi pa lahat ng Batangueño na nangangailangan nito ay napagkalooban na ng Philhealth cards dahil tumaas na ang premium at hindi naman daw kaya pa ng provincial government.


Kaya malaking tulong sa kanya ang The Generics Pharmacy na bago niya tinulungan sa campaign ay siniguro muna niya kung effective ang mga gamot, kung pasado sa Bureau of Food and Drug Department (BFAD), at ikinatuwa niya na sobrang mura ng mga produkto nito.


“Sabi ko nang makita ko ang mga presyo ng gamot nila na sobrang affordable, ‘My God, ito ang tutulong sa mahihirap’! Ang pain reliever na seven or eight pesos per tablet sa branded na pareho ang epekto, one peso lang sa The Generics Pharmacy, so that’s why, Mr Liuson, let’s continue to work together because this is the only way to help,” kuwento ng Star for All Seasons.


Inamin ng gobernadora na hindi kaya ng pondo ng Batangas ang branded medicines. “Our funds is very limited, ilang tao ‘yan, we have 2.5 million sa Batangas.”


Nagbibigay din kasi ng libreng gamot sa kanya ang TGP na naipapamahagi niya sa mga barangay ng probinsiya.


Samantala, ngayong huling termino na ni Vilma Santos bilang gobernadora ng Batangas, may plano ba siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon?


“No, ayoko pong magplano dahil ang konsentrasyon ko ngayon ay itong last term ko, to finish my last term with honors.


“Kailangan kaya kong ipagmalaki itong last term ko, so iyon ang konsentrasyon ko without even thinking na may political ambition ako sa isang national position,” diretsong sabi ng gobernadora.


At ito ang kanyang hirit: “Pero inihahanda na ako ni (Sen.) Ralph (Recto), kinukumbinsi kasi talaga niya ako para maging presidente… presidente ng mga senior citizens sa Batangas. Pero utang na loob, ayoko!” sabay tawa.


Sa pagiging bungisngis at patuloy na maliksing pagkilos, hindi aakalain ng sinuman na senior citizen na ang Star for All Seasons.


Tumuntong na kasi sa 60 years old si Ate Vi nitong nakaraang November 3.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Vilma, hinihimok maging presidente ng mga senior citizen sa Batangas


No comments:

Post a Comment